Bianca King signs program contract with TV5; contract with GMA Network still “under negotiation”

Kung siya ang papipiliin, gusto ni Bianca King na patuloy na gumawa ng proyekto sa GMA Network at sa TV5. Ngunit sa ngayon ay wala pa siyang final decision kung pipiliin pa rin niyang maging exclusive Kapuso star o tuluyan na siyang lilipat sa Kapatid network. Ipapalabas na sa February 23 ang kauna-unahan niyang soap sa TV5, ang Obsession.


Nilinaw ni Bianca King na ang kontratang pinirmahan niya sa TV5 ay para lang sa nalalapit niyang teleserye, ang Obsession.

Sinabi rin ng homegrown Kapuso star na walang conflict of interest ang paggawa niya ng isang proyekto para sa kalabang istasyon, dahil maayos siyang nakapagpaalam sa bosses ng GMA Network.

“I’d like to acknowledge Ms. Gigi Lara of GMA who made this possible.

“I’m so happy nakapag-usap nang maayos yung dalawang network at makikita ako ng audience sa ibang network naman.

“Siguro yung puso ko talaga, puso ng artist.

"So, para sa akin, kung saan may magandang trabaho, kung saan may magandang role para sa akin, gusto ko talaga siyang subukan.

“I want to reach my full potential as an artist anywhere. I want to try everything,” pahayag ni Bianca.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Bianca sa contract signing niya sa TV5 kahapon, January 13.

Dumalo rin sa contract signing sina TV5 President Noel Lorenzana, TV5 Entertainment Division Head Wilma Galvante, at ang manager ni Bianca na si Ronnie Henares.

Kung bibigyan daw siya ng pagkakataon ay payag si Bianca gumawa ng iba pang proyekto sa TV5.

Sagot ni Bianca nang tanungin ng PEP tungkol dito, “Absolutely. No question there.

"Siguro we’ll spend an hour talking about what my experience has been with the Kapatid network.

“I was so shocked na ganun pala magtrabaho sa TV5—nakapaganda, napakasaya.

“Ang wish ko para sa lahat ng mga artista, masubukan din nila na makagawa ng show sa ibang network.

“Personally, it keeps me on my toes, kasi nakikipaghalubilo ka sa mga bagong tao.

"So, you’re out of your comfort zone.

“So, for me, it also pushes me to perform much better, minus the pressure.”


CONTRACT WITH GMA STILL UNDER NEGOTIATION. Nang tanungin si Bianca tungkol sa status ng kontrata niya sa GMA, hinayaan niyang ang kanyang manager ang magpaliwanag tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ronnie, na isa sa mga nangangasiwa ng Primeline Talent Management and Production Inc., “under negotiation” pa sa ngayon ang kontrata ng kanyang alaga sa Kapuso network.

Sabi ng talent manager-actor, “A few days ago, her contract has actually expired. So it should be basically up for renewal.”

Posible rin daw na hindi exclusive contract ang pirmahan ni Bianca sa GMA upang malaya itong makagawa ng proyekto sa ibang istasyon.

Saad ni Ronnie, “It depends kung ano’ng mapag-uusapan.

"It will be ideal to ask for a little liberalization of the contract, so we can crossover to at least TV5.

“We would like to work more with TV5. [Pero sa ngayon] wala pa.”

Sa kabilang banda, may mga espekulasyong ang pagpayag ng GMA na gumawa ng teleserye si Bianca sa TV5 ay indikasyon na hindi siya pinapahalagahan ng kanyang home network.

Ngunit tila hindi apektado ang aktres sa mga ganitong intriga, lalo pa’t naniniwala siyang makakatulong sa kanyang showbiz career ang maging bida ng isang primetime show.

Pahayag niya, “Kahit anong negatibong comment ang ibigay ng ibang tao, mas importante pa rin sa akin yung kahalagahan ng tuluy-tuloy na pagtrabaho, at yung honor na ibinigay sa akin ng TV5 na ako ang napili nila.

“I am also grateful to GMA kasi hindi nila ako ipinagdamot.

"Alam din nila na importante sa akin na tuluy-tuloy ang paglabas ko sa TV. Yun lang po.

“Hindi ko nakikita na negatibo ang masasabi ng tao dito.

"Masaya lang talaga ako.”

Malaki raw ang respeto ni Bianca sa GMA dahil ito ang unang nagbigay sa kanya ng oportunidad na maipakita ang talento niya sa pag-arte.

Ilan sa mga pinagbidahan niyang teleserye ay ang Maghihintay Pa Rin (2013), Luna Blanca (2012), at Sinner or Saint (2011).

Nakilala rin siya bilang kontrabida sa mga programang Dyesebel (2008), My Only Love (2008), at Marimar (2007).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy na saad ni Bianca, “Ang hirap naman sabihin na hindi na ako Kapuso, kasi halos sampung taon din ako nandun.

“Siguro I’d like to be associated with both networks.

"Hindi ko naman po tatalikuran yung pagiging Kapuso ko dahil lang lumalabas ako sa TV5.”

Handa raw si Bianca na gumawa ng teleserye sa GMA kung sakaling may bagong i-offer sa kanya.

“I’ll leave it all up to God and kina Tito Ronnie and Tita Ida [Henares].

"Napakalaki ng tiwala ko sa kanila kasi.

"Kaya sila ang napili kong mag-manage sa akin, kasi matagal na sila sa industry."

Si Ida Henares ang dating head ng GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.

SOAP ON TV5. Ngunit ngayon ay magpo-focus muna si Bianca sa taping ng Obsession, isang intense drama soap kung saan tampok din sina Marvin Agustin, Martin Escudero, at Neri Naig.

Kaugnay nito, sinabi ni Wilma Galvante, TV5 Entertainment Division Head, na malaki ang kumpiyansa niya kay Bianca na maiangat ang naturang show.

Saad ng dating SVP for Entertainment TV ng GMA, “Kilala ko si Bianca. And I know she’s been wanting to do an intense drama.

"Kasi yung projects given to her when I was in GMA pa, maraming fantasy, support roles...

“Nagli-lead siya, pero eto, mabigat na drama.

"Nung nag-iisip ako, ‘Sino kaya yung puwede?’

"Siyempre, sino rin yung ia-allow nung network based on the schedule nung talents nila.

“So, we zeroed in on Bianca, kasi bagay sa kanya yung role niya.

"Yung look niya na pag tiningnan mo, ang ganda, yun pala ang daming deceit na itinatago, kayang-kaya ng hitsura niya yun."

Para naman kay Bianca, sa halip na ma-pressure ay mas naramdaman niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng bosses at pati na rin staff ng TV5.

“Hindi ko talaga masasabing malaki yung pressure because since day one, everybody in TV5 has made me feel so welcome.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, there’s really no transition or adjustment period for me.

“I don’t want to dwell on the pressure [to meet the bosses’ expectations]. I’m just really excited and hoping for the best.

“I’m just really excited to offer a refreshing treat to the audience.

"Hindi lang siya yung nakasanayan na daily soap opera na napapanood natin.

Mag-uumpisang umere sa TV5 ang Obsession sa February 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN