Ogie Alcasid and Regine Velasquez not pushing for second baby

Hindi raw nagpaplano si Ogie Alcasid pagdating sa kanyang career. Paliwanag niya, "Ako, I don’t go with vibes, e. I always go with what God offers me. I just follow what is offered to me under His provision. Good or bad, it’s good ’coz God has plans for each of us."


Naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ogie Alcasid kung ano ang inaasahan niya sa taong 2014 pagdating sa kanyang career at family life.

Pahayag ng singer-comedian, "Ako, I don’t go with vibes, e.

"I always go with what God offers me.

"I just follow what is offered to me under His provision.

"Good or bad, it’s good ’coz God has plans for each of us.

"Yung plans namin sa TV5, as you can see, ang programming ngayon sa TV5, may porma na.

"We’re offering something different sa primetime, which is hindi masyadong madrama, masaya lang, cute lang.

"We’re offering more comedy programs."

Tampok si Ogie sa upcoming primetime series na Confessions of A Torpe.

Nabanggit din ni Ogie ang tungkol sa mga plano niya bilang head ng Music department ng Kapatid network.

Sabi ng presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), "Ako nga, dahil nasa music ako, I’ll cater more sa music programs.

"We’ve been planning. So this year, makikita niyo naman ang improvements.

"I know na malaking responsibility ang nakaatang sa akin, so I’m here to do my homework as well."

SECOND BABY. Tungkol naman sa kanyang personal and family life, masasabi ba niyang tahimik at smooth sailing ito?

"Hay, wala tayong problema diyan!" pagmamalaki ng mister ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

"Talagang nag-uumapaw ang kasiyahan namin sa bahay.

"At kami naman ni Misis, lalo na may isa kaming makulit na kasama sa bahay [ang kanilang anak na si Nate], hindi namin nararamdaman na may edad na kami.

"He keeps us on our toes at, alam mo yun, ang saya-saya."

Wala pa ba silang sundan ang kanilang panganay ni Regine?

"We all know naman that it was a difficult pregnancy for Regine, di ba?" sabi ni Ogie.

"Kaya makikita mo talaga kung paano ang mga mother mag-alaga sa kanilang mga anak. Yung bonding nila, kakaiba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami naman, wala, e. Wala pang dumarating na kasunod,walang lumalabas, e.

"Kung ano ang ibigay sa amin, okay lang kami.

"We’re not trying to push na. Kung anuman, happy na kami.

"Sa ngayon, full-time parents kami sa anak naming dalawa.

"Yun naman ang beauty dun, kasi lahat ng atensiyon ay sa kanya namin ibinubuhos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN