Charice on mom Raquel Pempengco: "Hindi pa mag-sink in sa kanya the fact that I love Alyssa."

Sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan ngayon ng inang si Raquel Pempengco, nananatiling positibo si Charice na magkakaintindihan sila. Tutol ang ina ni Charice sa relasyon nila ng kasintahang si Alyssa Quijano.


Sinagot ni Charice ang pahayag ng inang si Raquel Pempengco na kasikatan lamang ang habol ng girlfriend ngayon ng singer na si Alyssa Quijano.

Read: Raquel Pempengco explains why she is against Alyssa Quijano for daughter Charice

Sa panayam ni Charice sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, January 12, tinanong siya ni Boy Abunda kung bakit ganun ang tingin ng kanyang ina sa babaeng minamahal niya.

Tugon ng international Pinay singer, “Kasi po dati, magkalaban kami ni Alyssa.

“Siyempre, ang tingin na ni Mommy sa amin, siyempre, yung mother din ni Alyssa, is talagang rivalry. Alam niyo po yun?

“And until now, yun pa rin po ang nasa isip ni Mommy.

“Siyempre, hindi pa mag-sink in sa kanya the fact that I love her [Alyssa].

“Pero alam ko lang po, ang ending nito, magkakaintindihan kami dahil mahal ko siya.

“Mahal niya ako… and I know that.”

May mensahe ba siyang nais iparating sa kanyang ina at sa kapatid na si Carl?

Ayon kay Charice, “Gusto ko lang pong sabihin kay Mommy at saka kay Carl, I love you both.

“At kahit na anong challenges ang pareho nating nakukuha right now, I know you guys, we’re family.

“I’m confident that someday, everything will really be fine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN