Imelda Marcos’s former aide faces up to six years of imprisonment in New York; posts bail amidst court appeal

“The evidence clearly shows Miss Bautista stole property from the Philippines government and Imelda Marcos. These were masterpieces by Claude Monet, Sisley and other well known and respected artists… She clearly sought to sell that artwork to benefit herself and her family,” pahayag ni Manhattan Supreme Court Justice Renee White kaugnay ng$32-million Claude Monet painting na ibinenta ni Vilma Bautista (inset) sa isang London art gallery noong 2010.


Hinatulan na ng Manhattan Supreme Court si Vilma Bautista ng dalawa hanggang anim na taong pagkakakulong matapos mahatulang guilty sa kasong conspiracy, tax fraud, at offering of false instrument.

Ito ay kaugnay ng pagbebenta niya ng $32-million Claude Monet painting, isa sa apat na mamahaling art pieces na pag-aari ng Philippine government na napasakamay ni Bautista sa mahabang panahon.

Si Bautista, 75, ay nagsilbing unofficial, New York-based secretary ni dating Philippine First Lady Imelda Marcos, mula early 1970s hanggang 1986.

Read: Imelda Marcos’s former secretary convicted in art heist; PCGG statement: "New York has seen justice today."

GUILTY VERDICT. Sa ulat ng New York Post online news site kahapon, January 13, nagbigay ng pahayag si Manhattan Supreme Court Justice Renee White kaugnay ng kaso ni Bautista.

Sabi ni Justice White, “The evidence clearly shows Miss Bautista stole property from the Philippines government and Imelda Marcos.

“These were masterpieces by Claude Monet, Sisley and other well known and respected artists…

“She clearly sought to sell that artwork to benefit herself and her family.”

Ang naturang 1899 Claude Monet painting—na kilala sa tawag na “Le Bassin aux Nymphéas” o “Japanese Footbridge Over the Water-Lily Pond at Giverny”—ay binili ni Imelda noong panahon ng panunungkulan ng asawa niyang si President Ferdinand Edralin Marcos (1965-1986).

Napag-alamang nawawala ito at iba pang mamahaling art pieces na pag-aari ng gobyerno ng Pilipinas noong mapatalsik sa puwesto si Marcos noong February 25, 1986, sa pamamagitan ng Edsa People Power Revolution.

Lumabas sa pagdinig ng kaso sa Manhattan Supreme Court na itinago ni Bautista ang Claude Monet water lily painting sa tinitirhan niyang apartment sa East 44th Street, Manhattan, New York.

Ang tatlo pang mamahaling artworks na napasakamay ng akusado ay ang “L’Englise et La Seine a Vetheuil” na ipininta rin ni Claude Monet, “Langland Bay” na ipininta ni Albert Sisley, at “Le Cypres de Djenan Sidi Said" na ipininta naman ni Albert Marquet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa matinding ebidensiya laban sa akusado ay ang natagpuang irregularity sa isinumite niyang income tax return noong April 2011.

“She reported an income of $5,000 in a year she received $28 million.

“She was clearly being deceitful to the state and city and not reporting the sale and paying taxes that were rightfully due,” dagdag na pahayag ni Justice White.

Inutusan din ng korte si Bautista na magbayad ng multa na nagkakahalaga ng $3.5 million dahil sa hindi niya pagbayad ng tamang buwis sa New York State.

ONE-MONTH BAIL. Ngunit ayon sa hiwalay na ulat ng New York Times online site, pinayagan ni Justice White na makapagpiyansa ang dating secretary ni Imelda sa halagang $175,000.

Ito ay sa kadahilanang binigyan ng isang buwang palugit si Bautista na maghain ng apela kaugnay ng kanyang kaso sa Manhattan Supreme Court.

Pahayag ni Justice White ukol dito, "The court agrees with the people, the evidence was overwhelming.

“But you never really know what the appellate division will do on any case. "

Paliwanag naman ng legal counsel ni Bautista na si Atty. Susan Hoffinger, hindi dapat patawan ng pagkabilanggo ang kanyang 75-taong-gulang na kliyente dahil sa maselang karamdaman nito.

Mayroon umanong pacemaker at chronic heart disease si Bautista.

Ang pacemaker, ayon sa webmd.com, ay isang maliit na pulse generator device na ini-implant sa dibdib ng pasyente upang maging maayos ang heart rate at rhythm nito.

Sabi pa sa webmd.com, “A pacemaker may also be used to treat fainting spells (syncope), congestive heart failure, and hypertrophic cardiomyopathy.

Ayon pa kay Atty. Hoffinger, noong dinidinig pa lang ang kaso ni Bautista ay dalawang beses itong inatake sanhi ng heart palpitations at saka hinimatay.

Kaya’t hindi malayong lumala raw ang sakit ng akusado kung sakaling tuluyan itong makulong.

“Incarceration for her would be a death sentence, or at least a life sentence,” sabi ng abugado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin tungkol sa planong depensa ng kampo ni Bautista, sinabi ni Atty. Hoffinger na kuwestiyonable ang ebidensiyang inihain sa korte laban sa kanyang kliyente.

Ito ay base sa nakalap ng prosekusyon na lampas isang dosenang palitan ng email messages sa pagitan nina Bautista at dalawa niyang pamangkin na sina Chaiyot Jansen Navalaksana, 37, at Pongsak Navalaksana, 40.

Napag-alaman na bandang July 2009 nang humingi ng tulong si Bautista kina Chaiyot at Pongsak na maghanap ng private collector na papayag na bumili ng Claude Monet painting.

HOW BAUTISTA SOLD THE CLAUDE MONET PAINTING. Ayon pa rin sa New York Times online site, lumabas sa pagdinig ng kaso ni Bautista sa korte na kasabwat ng akusado ang dalawa niyang pamangkin sa pagbenta ng 1899 Claude Monet painting sa isang London art gallery.

Mula sa kamay ni Bautista ay inilipat ang naturang mamahaling art piece sa isang Panamanian company.

Mula sa Panamanian company ay ipinadala ito sa isang London art gallery, ang Hazlitt, Gooden & Fox, na pumayag na bilhin ang naturang painting noong 2010.

Pagkatapos ay ibinenta naman ng Hazlitt, Gooden & Fox ang Claude Monet painting, sa halagang $43 million, sa isang art collector na nagngangalang Alan Howard, na isang bilyonaryong hedge-fund manager sa Switzerland.

Ngunit iginiit ni Atty. Hoffinger na hindi dapat ginamit na basehan ang nakalap na emails sa pagitan ni Bautista at ng dalawa niyang pamangkin upang madiin ang kanyang kliyente sa kasong conspiracy.

Ito ay sa kadahilanang hindi umano si Bautista ang nagpadala ng naturang emails at hindi properly authenticated ang mga ito.

Gayunman, pinanindigan ng prosekusyon na valid ang mga iprinisinta nilang ebidesiya laban kay Bautista sa korte.

“We believe there are no viable grounds to reverse the jury’s verdict,

“The evidence in this case is simply overwhelming,” kumpiyansang saad ni Ted Starishevsky, assistant district attorney na isa sa prosecutors ng kasong inihain laban kay Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, bagamat humarap sa korte si Bautista, tumanggi itong magbigay ng karagdagang pahayag tungkol sa desisyon ng Manhattan Supreme Court na patawan siya ng pagkabilanggo mula dalawa hanggang anim na taon.

Hinatulan ding guilty para sa kasong conspiracy ang dalawa niyang pamangkin na sina Chaiyot at Pongsak, na patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad hanggang sa kasalukuyan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN