Miss International Bea Rose Santiago still mum about feud with her dad

Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik si Miss International Bea Rose Santiago tungkol sa mga inilabas na akusasyon ng ama nitong si Paul Valencia Santiago sa Facebook. Rason ng beauty queen, ayaw na kasi niyang lumaki pa ang isyu nila ng kanyang ama.


Tikom ngayon ang bibig ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago kaugnay ng mga salitang binitawan ng kanyang amang si Paul Valencia Santiago sa Facebook.

Ang mga pahayag na ito ng ama ni Bea ay bilang sagot sa sinabi ng beauty queen na iniwan daw sila ng ama noong siya’y sampung taong gulang pa lamang.

Sa Facebook post noong January 8 ng kanyang ama—na kasalukuyang konsehal sa Mandaon, Masbate—mariin nitong pinabulaanan ang mga naging pahayag ng beauty queen.

Bunsod nito, pinaratangan ni Mr. Santiago si Bea na naghahabi ng sapot-sapot na mga kasinungalingan.

Gusto rin niyang mag-public apology ang anak dahil sa mga paratang nito laban sa kanya.

Read: Bea Rose Santiago’s father slams Miss International 2013 for her "web of lies"; wants public apology from daughter

Dalawang beses sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag ang kampo ni Bea.

Una na rito ang Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI), pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong ipinapadalang opisyal na pahayag.

Pangalawa, kay Bea na mismo, ngunit tanging "I don’t wanna talk about it, lalaki pa" ang sinabi nito sa PEP nang subukang hingan ng reaksiyon tungkol sa isyu.

Natiyempuhan ng PEP si Bea sa guest appearance nito sa programang It’s Showtime ng ABS-CBN kahapon, January 13, 2014.



“WE SEE WHAT WE WANT.” January 8 nang inilabas ng ama ni Bea sa Facebook account nito ang mahabang reaksiyon laban sa mga sinabi ng anak.

At press time ay burado na ang naturang post sa timeline ni Mr. Santiago.

January 10, tila may parinig si Bea tungkol sa nasabing Facebook post.

Sa kanyang Instagram account (@bearosesantiago), nag-post ito ng isang photo-quotation na walang caption.

Nakasaad dito: “There are some things that money can’t buy… like manners, morals and integrity."


Kahapon, January 13, naging mainit na usapin sa social media ang tungkol sa Facebook post ng ama ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Karamihan ng mga komento ay hindi pabor sa beauty queen.

Kahapon din, nag-post si Bea sa kanyang Instagram ng photo-message na may nakasulat na: “We see what we want.”

Naka-caption dito ang mga salitang: “If you dont know the truth then leave it. #killthemwithkindness #goodmorning.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN