Rachelle Ann Go admits dating ex-PBB housemate Slater Young

“Basta happy naman ako sa nangyayari ngayon. Pero ‘yon lang, siyempre kailangan alam ko pa rin yung priorities ko,” says Rachelle Ann Go when asked about Slater Young, who she is dating now.


Idinaan ni Rachelle Ann Go sa pagtawa ang sagot niya sa mga tanong tungkol sa napapabalitang madalas na pagde-date nila ni Slater Young.

Kamakailan kasi ay umamin ang dating Pinoy Big Brother housemate sa entertainment blogger na si Darla Sauler na lumalabas siya kasama ang Kapuso singer-actress.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Rachelle tungkol dito matapos ang photo shoot niya kagabi, January 13, para sa gaganaping send-off concert niya sa February 22.

Tumawa lamang ang 27-year-old singer, sabay sabing, “Wala namang problema kasi nakikita rin naman ako ng mga tao na lumalabas with Slater, dating.”

Sa unang linggo ng March ay aalis si Rachelle patungong London, para paghandaan na ang pagiging bahagi niya ng muling pagtatanghal ng West End musical na Miss Saigon.

Ang Pinay singer ang napiling gumanap bilang Saigon bar girl na si Gigi Van Tranh.

Ayon kay Rachelle, aabutin ng 14 months ang pamamalagi niya sa London.

Dahil dito, hindi pa matiyak ni Rachelle kung hanggang saan mapupunta ang pagde-date nila ni Slater.

Sabi niya, “Ako kasi, focus na muna ako sa gagawin ko.

"Fourteen months din ‘yon, kaya focus na muna ako doon.”

Dagdag pa niya, “Ito lang ang masasabi ko, mahirap kasi ang magsalita kasi nandoon ang focus ko sa trabaho.

“Basta dapat dalawin niya ako doon. Joke lang!

“Parang ako talaga, lagi ko ring sinasabi, kailangan akong mag-focus doon.

“Dapat maintindihan, kung mayroon mang nagpe-pursue sa akin dito, dapat maintindihan niya ‘yon.

“At dapat makapaghintay, kung sino man ‘yon.”

Ayon pa kay Rachelle, sinabihan naman niya si Slater tungkol sa kanyang pag-alis.

“Basta lagi kong sinasabi, noong umpisa pa lang, ‘Naku, aalis ako. Kung liligawan mo ako, mahirap ‘yan!’

“Pero mukhang ano... tingnan na lang natin.

“Nasa sincerity na rin ‘yan ng tao, di ba?

“Kung kayo talaga ang para sa isa’t isa, di ba? Test na rin ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat isa sa mga hiling noon ni Rachelle ang magkaroon ng lovelife, mas prayoridad raw niya ngayon ang malaking oportunidad na ibinigay sa kanya.

Sabi ng Sunday All Stars mainstay, “Siguro happy ako ngayon sa kabuuan, kasi ngayon, parang okay ang lahat, e.

“Okay lahat, wala na akong mahihiling sa ngayon.

“Pero ayaw ko rin kasing masyadong mag-expect. Mahirap kasing mag-expect.

“Basta kung ano ang mangyayari, mangyayari rin naman.

“Ang daming puwedeng mangyari roon sa London.

“After fourteen months, let’s see kung makakapaghintay kung sino ang dapat maghintay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN