Manilyn Reynes saddened by separation of showbiz couples

Manilyn Reynes on 17-year marriage to Aljon Jimenez: "Importante sa aming mag-asawa ang communication, e. Lahat ay dapat pinag-uusapan... Tsaka ‘yang mag-asawa, habang nagkakaedad kayo, habang dumarami ang mga anak ninyo, hinding-hindi dapat mawala sa pagitan ninyong mag-asawa yung pagtuturingan din na magkaibigan din kayo."


Kinakabahan si Manilyn Reynes sa tuwing mayroong nagbibigay ng magandang salita at pumupuri sa magandang samahan nila ng asawang si Aljon Jimenez.

Takot daw si Manilyn sa sinasabi ng marami, na maipagmamalaki nila ang kanilang relasyon sa panahong ito sa showbiz na sunud-sunod ang paghihiwalay ng mga sikat na mag-asawa, at humahantong pa minsan sa paglalantad ng kung anu-anong lihim at baho.

Mabilis daw maapektuhan ng lungkot si Manilyn kapag mayroon siyang nababalitaang kakilalang mag-asawa sa showbiz na naghiwalay.

Kaya nga raw, sa abot ng kanilang makakaya ni Aljon, hindi nila hinahayaang ang maliliit nilang tampuhan at konting problema ay lumaki pa hanggang sa maging malaking isyu sa loob ng kanilang tahanan.

Seventeen years nang kasal sina Manilyn at Aljon na nagbunga ng tatlong anak na lalaki.

Sabi ni Manilyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masarap pakinggan yung mga sinasabi na nagtatagal na raw kami ni Aljon, dahil ang dami-dami na ngang nagkakahiwalay sa showbiz, di ba?

“Ngumingiti na lang ako at walang masyadong masabi kapag ganun na ang usapan.

“Kasi, sa mga nangyayari ngayon na kontrobersiya sa showbiz tungkol sa maraming hiwalayan ng mga kasamahang artista, dapat talaga ay mayroon din tayong natututunan sa kanilang mga kuwento.

“Pero ang malungkot, yung nagsisiraan na sila talaga.”

Patuloy ng Pepito Manaloto actress, “Nung si Ruffa Gutierrez ang mapahiwalay sa husband niya, sobra akong nagulat at nalungkot.

“Kasi talagang naging malaking balita iyon, di ba?

“Nung sina Sunshine Cruz at Cesar Montano, nakakalungkot din.

“Itong kina Claudine Barretto at Raymart Santiago, sobrang nakakalungkot at nakakagulat, kasi ang tagal pinag-uusapan sa showbiz.”



COMMUNICATION. Ayon pa kay Manilyn, “Wala naman kasi talagang perpektong relasyon, e.

“Kaya kaming mag-asawa, we’re trying our very best na maging maayos ang relasyon namin.

“Kasi, mahirap talaga. Nangyayari talaga na kahit matagal na kayong kasal, nagkakahiwalay pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sa simula pa lang ng mga problema, dapat kung puwedeng ayusin, ayusin na kaagad.”

Ang isang simple at importanteng maipagmamalaki raw ni Manilyn sa pagsasama nila ni Aljon ay ang palagiang pag-uusap, kahit pa nga sa ngayon ay siya ang mas abala sa showbiz kumpara sa kanyang mister.

Saad ng 41-year-old actress, “Importante sa aming mag-asawa ang communication, e.

"Lahat ay dapat pinag-uusapan.

“Hindi lang puro seryosong bagay ang pinag-uusapan namin, kundi maging mga tawanan.

“’Yang mga ganyang pag-uusap, diyan kayo mas magkakaintindihan, e.

“Tsaka ‘yang mag-asawa, habang nagkakaedad kayo, habang dumarami ang mga anak ninyo, hinding-hindi dapat mawala yung pagtuturingan din na magkaibigan din kayo.

“Sa totoo lang kasi, kapag problema at hiwalayan na ang usapan, okey lang sana kung mag-asawa kayo na magkakahiwalay nang wala pa kayong anak.

“Pero yung ilan na yung mga anak ninyo, at sa panahong nagkakaproblema na kayo at nag-aaway na kayong mag-asawa patungo sa pagkawasak ng inyong relasyon, malungkot yung nakikita kayo ng mga bata.

“Malungkot.

“Hindi magandang makita ng mga bata ang pag-aaway ng kanilang mga magulang, hanggang sa ang mga susunod na eksenang makikita nila sa loob ng kanilang bahay ay maghihiwalay na nga ang mga magulang nila.

“Nakakaawa ang mga bata. Sila ang higit na maaapektuhan.”

Dagdag ng dating child actress, “Kung nagkahiwalay na rin ang mag-asawa, ang sa akin na lang, sana ay huwag na lang parang nagbabatuhan kayo ng putik sa pagsisiraan sa bawat isa.

“Kasi nga, kung mayroon kayong mga anak, sobrang malungkot iyon para sa kanila.

“Maghiwalay na lang.


“Kasi, pagkatapos ng inyong mga siraan, kung hindi man kayo magkabalikan, sana ay may natirang respetuhan na para man lang sa mga anak ninyo.

“Kasi, magsisilakihan sila na maiisip nila na malungkot yung nakaraan nila, na nakita nilang nagkahiwalay nang hindi maayos ang kanilang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung maghihiwalay kayo, kung ano man ang dumi na hindi na dapat ikalat, hayaan na lang iyon kesa marami pang masaktan sa hiwalayan niyo.”



SMALL PROBLEMS. Masaya ang pagsasama nina Manilyn at Aljon, kasama ang kanilang mga anak.

Pero hindi raw talaga puwedeng mawala sa relasyon ng mag-asawa ang pakonti-konting problema at mga tampuhan.

Pero hindi raw isyu sa kanila ni Aljon kung sino ang unang susuko kapag siya ang may kasalanan sa mga tampuhan o maliit na gusot.

“Sa amin talaga ni Aljon, sa tagal na rin namin bilang mag-asawa, it doesn’t matter kung sino ang may kasalanan, e.

“Natural, kung sino ang may kasalanan, oo, dapat na siya ang unang sumuko at bumati sa asawang nagtatampo.

“Pero kapag mag-asawa kayo, dahil nagmamahalan kayo, madalas din nangyayari na hindi na isyu kung sino yung dapat unang babati o magpapakumbaba.

“Kasi kumbaga, hindi na tayo mga bata, e.

“Hindi puwede ang pataasan ng pride. Dapat alam na natin ‘yan sa buhay.

“Pero siyempre, ano ba naman yung lumapit ka at magsabing, ‘A, mali nga ako doon. Sorry!’ Ganun.

“Pero ako, dun pa rin talaga ako sa laging pag-uusap namin ni Aljon tungkol sa pamilya ang gusto ko at hindi dapat mawala, dahil doon kami talaga nagkakaintindihan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN