Pinay caregiver Rose Fostanes declared winner in X Factor Israel

Ang Pinay caregiver na si Rose Fostanes ang nanalo sa unang edition ng X Factor Israel na ginanap kagabi, January 14, sa Tel Aviv, Israel. Ang kinanta ni Rose sa finals night ay ang iconic "My Way" ni Frank Sinatra.


Gumawa ng kasaysayan sa Israel ang 46-year-old Filipina caregiver na si Rose Fostanes dahil siya ang itinanghal na winner sa first edition ng The X Factor Israel.

Ginanap ang grand finals sa Tel Aviv, Israel, kagabi, January 14 (Israel time).

Napanood ito sa Pilipinas kaninang madaling-araw (3 a.m. to 5:28 a.m.), January 15, via livestreaming.

Standing ovation ang natanggap ni Rose mula sa audience nang kantahin niya ang "My Way," ang iconic song ni Frank Sinatra.

Masigabong palakpakan din ang tinanggap ni Rose at ng kanyang X Factor mentor na si Shiri Maimon sa duet nila ng "If I Ain’t Got You" ni Alicia Keys.

Napaluha sa matinding tuwa si Rose sa announcement ni Israeli supermodel Bar Refaeli na siya ang kauna-unahang winner ng X Factor Israel.

Si Refaeli ang host ng programa.

Pinasalamatan ni Rose ang lahat ng mga bumoto sa kanya at naniwala sa kakayahan niya.

Aniya, “Thank you all to the Israelis who gave me the chance to be on the X Factor even though we’re only Filipinos. Thank you so much."

Nagpasalamat din si Rose kay Philippine Ambassador to Israel Generoso D. G. Calonge, na sinuportahan siya at kabilang sa live audience ng programa.

Doble ang kaligayahan na naramdaman ni Rose dahil lumipad mula sa Pilipinas ang kanyang kapatid na si Nancy at ang longtime partner niyang si Melinda Adel para panoorin ang finale night.

Ito ay sa imbitasyon ng X Factor Israel production.

ROSE’S PARTNER. Nang sumali si Rose sa auditions ng X Factor Israel, sinabi niyang single siya.

Hindi na raw siya nakahanap ng boyfriend dahil sa kanyang trabaho.

Pero isang linggo bago ginanap ang grand finals, inamin ni Rose ang pagiging tomboy niya at ang tatlong dekadang relasyon nila ni Melinda.

THE AUDITIONS. Libu-libo ang bilang ng mga sumali sa X Factor Israel auditions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ring Pinoy ang lumahok, ngunit tanging si Rose ang Pilipino na nakapasa.

Ang "This Is My Life" ng Welsh singer na si Shirley Bassey ang audition piece ni Rose na binigyan ng audience ng standing ovation, pati na ng X Factor judges na sina Rami Fortis, Moshe Peretz, Ivri Lider, at Shiri.

Maituturing si Rose bilang counterpart ni Susan Boyle, na nakuha ang international attention nang sumali sa Britain’s Got Talent sa edad na 48.

Malakas ang inferiority complex ni Rose dahil sa kanyang physical appearance at katayuan sa buhay.

Sa second round ng audition ng X Factor Israel, ipinagtapat ni Rose ang kanyang mga kahinaan.

Saad niya, “I feel that everybody’s looking at me like I’m an alien.

"I’m afraid that nobody will talk to me because the Israelis see Filipinos working here as cleaning houses.

"Maybe they will get shocked, ’What’s this Filipino doing here?’

"Communicating with people is a big challenge for me. I have a very small confidence.

"Maybe this is why I’m afraid and when somebody tells me, ‘You’re very good,’ I don’t believe them.

"This is not a game.

"I am not only competing for myself but also for my family because I want to help them.

"They’re very poor in the Philippines."

Muli, standing ovation ang ibinigay kay Rose ng kapwa niya X Factor aspirants nang kantahin niya ang "You And I" ni Lady Gaga.

Sa tagumpay niya sa X Factor Israel, nagkatotoo ang pahayag ni Rose na, “We have to move, we have to fight. You have to make your best. Maybe it’s not too late for me to have a good life...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN