Alden Richards treats orphans, fans to celebrate birthday

Nanahimik na lang daw si Alden Richards at hindi pinatulan ang mga patama sa kanya ng ilang DongYan fans sa tambalan nila ni Marian Rivera sa Carmela. Aniya, “Handa naman po ako, e, tanggap ko naman po lahat. Pero tahimik na lang po ako sa bagay na ’yan.”


Nagdiwang ng kanyang 22nd birthday si Alden Richards noong January 2.

Kahapon, January 14, Lunes, nag-celebrate naman siya kasama ang mga bata sa Holy Trinity Home for Children, sa Commonwealth, Quezon City.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden.

Kuwento ng Kapuso heartthrob, pangalawang taon na niyang ipinagdiriwang ang kaarawan kasama ang mga batang kinukupkop ng naturang institusyon.

Ang Holy Trinity Home daw ang napili niya nang nagtanung-tanong siya tungkol sa mga bahay-ampunan.

"Kasi parang sila po yung gusto kong bigyan last year," pahayag ni Alden, habang kalong ang mga batang babae at lalaki na nasa pangangalaga ng institusyon.

“So, in-arrange po ito ng [GMA] Artist Center, tapos lumaki, at nagkaroon ng sponsors.

"Hindi ko po in-expect na ganito ang mangyayari.”

Nagpa-games, namigay ng mga regalo, pagkain at goodies si Alden sa tulong na rin ng kanyang sponsors.

Masarap daw sa pakiramdam ang makapagpasaya ng mga batang hindi ganoong kasuwerte o kaganda ang buhay.

Sabi niya, “Hindi nila nararanasan kung ano yung feeling, kasi nga wala silang magulang, iniwan sila ng magulang, o minamaltrato ng magulang.

"I symphatize with them po, e.

“So, gusto ko namang makatulong, gusto ko silang mabigyan kahit papaano ng panandaliang happiness through this.”

ACTUAL BIRTHDAY. Noong mismong kaarawan naman niya, noong January 2, ay nasa bahay nila sa Laguna lang daw siya.

Kuwento ni Alden, “Nagpunta po kaming church, dinner with my family.

"Kasi sabi ko po, huwag na pong mag-celebrate.

"Kasi nag-Pasko na, nag-New Year na, so sobra-sobra naman na.

“Actually, every year naman po, ganun.

"Kumbaga, yung handa nung New Year, iyon na rin yung handa sa birthday para tipid!” at tumawa si Alden.

FANS’ TREAT. Noon namang December 26 ay isinama niya ang kanyang fans na mag-swimming sa Los Baños, Laguna, bilang treat niya sa mga ito.

“Every year po, I arrange talaga something for the fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang thanksgiving, at the same time, celebration na rin po.

"Anniversary po kasi namin noong January 7, tapos all-in-all na po yun para may bonding din.”

Wala rin daw nagregalo sa kanya ng "talagang mahal na mahal" nang tanungin siya kung ano ang pinakaespesyal o pinakamahal na materyal ang natanggap niya nitong birthday niya.

“Halos lahat po okay naman, pero wala po yung talagang mahal na regalo,” nakangiting sabi ng aktor.

Ang birthday gift naman daw niya sa kanyang sarili ay isang bathrobe.

“Bumili po ako ng bathrobe sa Rustan’s!” natatawa niyang sabi.

Bakit bathrobe?

“Wala lang po... hindi ko nga po alam.

"Kasi nung birthday ko po, since walang celebration, nagpagupit lang po ako.

"Tapos iyon, bumili po ako ng bathrobe.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN