PEP EXCLUSIVE. Pauleen Luna on May-December romance with Vic Sotto: “Dito ko na-prove na age is just a number!”

Hangad ni Pauleen Luna na balang-araw ay ikakasal sila ng boyfriend na si Vic Sotto. Pero kung hindi mangyayari yun, baka raw may ibang plano ang Diyos para sa kanila.

Saad niya, “Sana po, pero kung hindi naman ibibigay e okay lang naman din po. I mean, kung simple lang whatever, okay lang din naman po. Pero, of course, if ibibigay, e, di better.”


Ramdam pa rin ni Pauleen Luna ang kilig sa ginawang pag-amin ng kasintahang si Vic Sotto, on national television, ng kanilang relasyon.

Nakangiting sabi ng Kapuso actress-TV host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito, “Hindi rin naman kasi kami nagdi-deny but we’re just… napilitan ‘ata, nanonood kasi ako.”

Ang tinutukoy ni Pauleen ay ang guest appearance ni Vic sa late-night newscast ng ABS-CBN na Bandila noong December 13, 2013.

Inamin ng Eat Bulaga! host kay Boy Abunda na ang laman ng kanyang puso ay si “Pauleen.”

Read: Vic Sotto finally admits relationship with Pauleen Luna

Dagdag pang kuwento ni Pauleen, “Well, you know, yung pag-amin is not really a very big thing for me.

"Kasi, ang akin naman po, ang importante e yung relasyon talaga namin, na pag kaming dalawa na lang.

"Pero added kilig na lang siguro na umamin siya on national TV.

"But really, what’s important is our relationship.”

Read: Pauleen Luna on Vic Sotto’s confirmation of their relationship: “Kinilig ako. Yun lang!”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP si Pauleen sa presscon ng bago nitong teleserye sa GMA, ang The Borrowed Wife, kagabi, January 14, 2014.


MORE VOCAL. Masaya raw si Pauleen na ngayon ay wala na silang kailangan pang itago ni Vic.

Aniya, “Opo, pero hindi pa rin naman ganun ka-open.

"Pero more vocal, yeah, you can say that.”

Kahit noong hindi pa sila hayagang umamin sa publiko, wala naman daw silang nararamdamang pagkailang sa mga kasamahan nila sa Eat Bulaga!

Saad ni Pauleen, “A no, no, no...

"Kasi that’s a thing, yung pag-amin po sa TV, I think it’s more for the people who watch TV.

“Pero the people around us, alam naman nila yung relasyon po namin.

"Hindi naman po namin itinatago. Except, hindi naman po namin sasabihin din kung hindi tinatanong."


34 YEARS AGE GAP. Gaano na kalalim kung susukatin ang relasyon ni Pauleen kay Vic?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang tugon ng aktres, “Malalim-lalim na rin naman po. Kasing-lalim ng balon!”

Naging seryoso naman ang dating 1995 Little Miss Philippines contestant ng Eat Bulaga! nang mausisa ng PEP tungkol sa tatlumpu’t apat na taong agwat ng kanilang edad.

Fifty-nine years old na si Vic ngayon, si Pauleen naman ay 25 pa lamang.

Saad niya, “You know, dito ko na-prove na age is just a number.

“Kasi pag swak ang personality niyo, if your personalities’ gel, wala yung numero.

"E, meron nga akong kaedad, kaso nga lang pinapatulan naman ako pag inaaway ko, so it won’t work.

"At the end of the day, it’s the personalities.

"Yun talaga ang importante, hindi naman yung edad.”

Sa isang panayam noon kay Pauleen, sinabi nitong huwag ikumpara ang relasyon nila ni Vic sa kontrobersiyal na relasyon ni Freddie Aguilar sa isang menor de edad.

Read: Pauleen Luna on her liaison with Vic Sotto being compared with Freddie Aguilar’s romance with a 16-year-old: "Hindi ako minor."

Sa ngayon ba, wala nang masyadong nangungutya sa kanilang relasyon dahil sa agwat ng edad nila ni Vic?

Nahihiya nitong sagot, “Hindi ko po alam... I don’t know what to say.

“Siguro po kasi, we try to break it to them gently. Hindi siya yung surprise.

"Look, it took us two years para finally maging open [sa publiko].

"Slowly siguro, kasi hindi naman lahat nakukuha sa mabilisan.”


ON MARRYING VIC. Lagpas dalawang taon na ang relasyon nila ni Vic, pero ayon kay Pauleen, wala silang exact date kung kailan naging sila.

“Wala naman, hindi naman po kami maganun masyado.

"Hindi nga po rin kami maregalo."

Umabot na kaya ang usapan nila ni Vic sa pag-aasawa o pagli-live in?

Bantulot niyang sabi, “A, no... not living together.

"Hindi po ako sang-ayon sa living in at hindi rin po siya sang-ayon sa living in.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“About marriage, yeah, napag-uusapan po namin, but nothing final, nothing concrete.”

Pangarap din daw ni Pauleen na ikasal at maglakad nang naka-traje de boda sa isang simbahan.

Saad pa niya, “Sana po, pero kung hindi naman ibibigay e okay lang naman din po.

"I mean, kung simple lang whatever, okay lang din po.

"Pero, of course, if ibibigay, e, di better.”

Pero wala pa bang sinabi sa kanya ang komedyante?

Gulat niyang tugon, “Na proposal? Wala pa, wala pa, wala pa po!

"Basta we talk about things.

"Sa amin na lang muna yun... basta we talk about things.”


ON RELATONSHIP WITH VIC’S CHILDREN. Pagdating naman sa mga anak ni Vic, sinabi ni Pauleen na okay ngayon ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa.

Matatandaang nagpahayag ng disgusto noon ang lalaking anak ni Vic sa dating asawang si Dina Bonnevie, si Oyo Sotto, sa relasyon ng ama kay Pauleen.

Read: Oyo Sotto on Vic Sotto-Pauleen Luna romance rumors: "Hindi ako galit, pero hindi ako approve."

Sabi ni Pauleen, “Okay na po, yeah. We talk.

"Uhm, nakikita ko naman po sila once in a while, okay naman.”

Pero hindi naman daw parang barkadahan ang turingan nila.

“Hindi naman po ganun, pero we’re civil to each other, and the respect to each other is there.

"Yun lang naman po talaga ang importante dun.”

Sa kabilang banda, okay rin daw si Vic sa kanyang mga magulang.

Ani Pauleen, “A, they’re okay. Close sila ng mom ko, nagti-text sila.

"Yeah, they’re okay.”


“WE REALLY HOPE NA KAMI NA PO TALAGA.” Sa ngayon ay masasabi ba ni Pauleen na sila na talaga ni Vic habambuhay?

Sagot niya, “Yeah, lahat naman po siguro ng relasyon, we think na hopefully ay kami na nga.

“But then, kung ibibigay ng Diyos, okay.

"Kung hindi, then there’s something better for both of us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But of course, right now, we really hope na kami na po talaga for each other.

“Kasi pangit naman kung kayo, you’re in a relationship, tapos you don’t talk about that.

"E, what for? Para saan pa yung relasyon ninyo."

Sa huli, sinabi rin ni Pauleen na minsan ay napag-uusapan na rin nila ni Vic ang pagkakaroon ng anak.

Natatawa niyang sabi, “Sometimes, sometimes, opo.

“Pero ano lang ‘to, daan-daan lang ‘to.

"Yung small talk lang, kumbaga!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN