Wenn Deramas on Girl, Boy, Bakla, Tomboy breaking box-office record of Sisterakas: "Medyo malayu-layo na naman ang ibe-break ko!"

"Hampas-himas" daw ang shoutout ni Wenn Deramas nuong 2013 dahil sa trials na idinulot nito sa kanya. Pahayag ng direktor ng matagumpay na Girl, Boy, Bakla, Tomboy: “May mga hindi magandang nangyari, may mga nawala, may mga bagong dumating, nagkasakit ako… Pero mas gumanda ang katawan ko ngayon. Yung mga anak ko, maayos pa naman ang pag-aalaga ko sa kanila. Yun lang naman yun—magandang pamilya, may maayos na trabaho. Panalo


Ayon sa direktor na si Wenn Deramas, nalagpasan na ng Girl Boy Bakla Tomboy ang kinita ng Sisterakas.

Si Wenn ang direktor ng dalawang pelikula na parehong naging entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF)—ng Sisterakas noong 2012 at ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy nitong 2013.

Sabi pa ng direktor, umabot na sa P412 million ang kinita sa takilya ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa loob ng tatlong linggong pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Ang Sisterakas daw ay kumita ng P397 million sa loob ng tatlong linggo.

Bida sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy si Vica Ganda.

Ang Sisterakas naman ay pinagbidahan nina Vice, Ai-Ai delas Alas, at Kris Aquino.

Saad ni Wenn, “Medyo malayu-layo na naman ang ibe-break ko. Nakakaloka, di ba?

“Pero, of course, nagpapasalamat na nabi-break namin yung sarili naming trabaho ni Vice.

“Sobra talaga yung tao, plus sobrang ganda ng feedback, ng reviews.

“Sobra kaming nagpapasalamat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wenn sa telepono noong Linggo, January 12.

Patuloy niyang kuwento, “Kanina nga lang, kahit nagsisimba ako, yung mga tao, binabati ako, ‘Good job. Congrats, Direk!’ May ganun.

“Hindi pa rin sila maka-recover.

“Ako, fully recovered na ako sa hirap na pinagdaanan namin ni Vice nung ginagawa namin yung pelikula.

“Nakita naman nila na hindi namin sila tinipid, hindi namin tinipid yung pagpapatawa sa istorya.

“Lahat pam-Pasko talaga yung inireregalo namin.

“Promise ko naman lagi ‘yan, every time na may filmfest ako, pam-Pasko talaga ang mapapanood nila.”



THE REAL NO. 1. Base sa mga nakaraang ulat, nanguna noong unang linggo ng MMFF 2013 ang My Little Bossings nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Bimby Aquino Yap, at Kris Aquino.

Pero humabol daw noong mga huling araw ang Girl Boy Bakla Tomboy.

Kumpara noong mga nakaraang MMFF, hindi naglabas ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)—na siyang nangangasiwa sa taunang film festival—ng final figures ng mga kalahok na pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sinasabi lamang nila ay halos P1 billion daw ang inabot ng box-office gross ng lahat ng entries.

Ano ang reaksiyon ni Wenn sa sinasabing ang My Little Bossings ang nanguna sa takilya nitong MMFF 2013?

Saad niya, “Ang totoo niyan, hindi ko na rin talaga alam dahil wala naman akong nakikita, nababasa o nagsasabi ng figures nila, e.

“Very vocal naman kami sa kinikita ng Gir Boy Bakla Tomboy.

“Pero sa akin, immaterial na kung sino ang number one, number two, number three.

“Ang importante, masaya kung ikaw ang number one.

“Pero hindi naman dun nakabase ang lahat dahil hindi naman pinabayaan ng tao ang GBBT.

“Na-break na niya yung last year, Sisterakas.

“Sa akin, kung sila ang number one, congratulations.

“Kung kami ang number one, masaya kami, ganun lang.

“Hindi problema kung sino ang nanguna, kasi iisang industriya lang ang ginagalawan nating lahat.

“Sana nga lang kumita ang lahat—kila Robin [Padilla], kila KC [Concepcion], kila Uge [Eugene Domingo].

“Kasi talagang kinakampanya ko yung Kimmy Dora, kasi maganda naman talaga yun.

“Pero siyempre, hindi naman talaga natin madidiktahan ang gustong panoorin ng mga manonood.”



KRIS AND MARICEL. Kung inamin nina Vice at Kris na nagkaroon ng tensiyon ang pagkakaibigan nila dahil sa pagtatapat ng kanilang mga pelikula sa MMFF, sinabi ni Direk Wenn na baka gumawa ulit sila ng pelikula ni Kris.

Kuwento niya, “Nagkita kami before Christmas sa party ni Deo [Endrinal].

"Nagpasalamat ako dahil nagpadala siya ng gift sa bahay.

“Sabi niya, ‘O, next year, together again tayo, ha?’

“Sabi ko naman, ‘Why not?’”

Sinagot din ni Wenn ang pagkuwestiyon ng ilan sa pagkapanalo ni Maricel Soriano bilang MMFF Best Actress para sa pagganap nito sa Girl Boy Bakla Tomboy.

Sinasabi kasi nilang suporta lang ang role ng Diamond Star sa pelikula ni Vice.

Ayon sa direktor, “Kung ako talaga ang tatanungin ninyo, bida talaga si Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung napanood nila yung pelikula, kuwento rin talaga ng nanay yun, bukod sa POV [point of view] ni Mark, nung bakla.

“Pero, di ba, from the start, hindi lang basta support yung role ni Maricel dito sa Girl Boy Bakla Tomboy.

“Puwedeng exposure-wise, mas marami yung girl, boy, bakla, tomboy [Vice] dahil apat sila.

“Pero yung kuwento, yung narrative nun, di lang basta support yung nanay.

“Ako din naman, dahil sa magaling na pagpo-portray ni Maricel dun sa kanyang role, hindi mo matatawaran talaga.

“May nakikita ang mga hurado na siguro hindi nakikita ng ilan... kaya nila pinapanalo si Maricel.

“Talaga namang hindi mo makukuwesityon yung galing, e.

“May mga nag-aano lang na baka support-support daw. Pero ang tanong, kung magaling ba?

“Yes, definitely, magaling.”



HAMPAS-HIMAS. Dahil sa pagkakasakit ni Wenn noong 2013, nakiusap ang direktor sa management ng ABS-CBN na magbabawas muna siya ng trabaho ngayong 2014 para na rin sa kanyang kalusugan.

Nakalinya na raw ang anim na projects na pwede niyang gawin. Pero sa pakiusap niya sa network, sinabi ng direktor na kung gusto pa nila na mas marami pa siyang magawa, kailangang humaba pa ang buhay niya.

Pahayag ni Wenn, “Sa anim na yun [projects], nagbawas ako ng tatlo.

“Nakikiusap ako sa pamunuan, imi-meeting pa raw nila ako.

“Marami pa rin ang tatlo, sobrang blessed pa rin ang tatlong yun.

“Pero para mas marami pa akong magawa sa mga susunod na taon.”

“Hampas-himas” ang deskripsiyon ni Wenn sa kanyang 2013.

“Sabi ko nga lang lagi, naging shoutout ko ito na ang 2013 ay naging hampas-himas sa akin ‘yan, e.

“May mga hindi magandang nangyari, may mga nawala, may mga bagong dumating, nagkasakit ako…

“Pero mas gumanda ang katawan ko ngayon.

“Naging mas conscious at mas minahal ko ngayon ang sarili ko dahil kailangan.

“Huwag mong pabayaan ang sarili mo, importante yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre yung mga anak ko, maayos pa naman ang pag-aalaga ko sa kanila.

“Ako, yun lang naman yun—magandang pamilya, may maayos na trabaho.

“Of course, may mga trials.

"Pero pag nalalagpasan naman yun, mas maganda ang nagiging outcome, mas nagiging maganda ang result nun.

“Panalo pa rin.”

Patuloy niya, “Okay ang Galema, extended pa kami for another month.

“Ang binabalak at iniisip ko ngayon ay yung kapalit ng Galema ay matindi rin, parang Galema.”

Ang Galema ang afternoon soap na idinidirek niya para sa ABS-CBN at pinagbibidahan ni Andi Eigenmann.

Kumusta naman ang kanyang lovelife?

“Ang saya-saya ko!” bulalas ni Wenn.

“May nawawala, pero may pumapalit na mas maganda, mas bongga. Higit, sobra!

“Walang shortcut sa ganitong klase.

“Minsan, sasabihin mo sa sarili mo, ‘Bakit ka pa ba dumaan dun sa marami, sana ito na agad-agad.’

“Nanamnamin mo yung experience... maganda naman yung experience.

“Ganun lagi, positive ka lang lagi sa mga nangyayari.

“Iwe-welcome mo lang ang lahat—maganda man o pangit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN