Dasma Village Association fires security agency involved in encounter with Mayor Junjun Binay

Lumikha ng malaking kontrobersiya ang engkuwentro sa pagitan ni Makati Mayor Junjun Binay (larawan sa kaliwa) at ng kanyang bodyguards sa security guards ng Dasmariñas Village (DVA) noong November 30, 2013 (larawan sa kanan).

S kasagsagan ng naturang kontrobersiya, kaagad humingi ng paumanhin si Ram Antonio, may-ari ng Right Eight Security Agency, kay Mayor Binay at sinabing nagkaroon ng lapses sa security protocol ng village.

Umalma an


Napagdesisyunan ng Dasmariñas Village Association (DVA) na palitan ang security agency na nasangkot sa engkuwentro sa pagitan ni Mayor Jejomar Erwin "Junjun" Binay Jr. at ang tatlong village guards noong November 30, 2013.

Ito ay sa kadahilanang nawalan ng kumpiyansa ang opisyales ng DVA sa ginawang aksiyon ng Right Eight Security Agency noong kasagsagan ng naturang kontrobersiya.

Ayon sa ulat ng GMA News Online kagabi, January 14, 2014, naglabas ng circular ang DVA kung saan ipinaalam sa mga residente ang dahilan kung bakit tinanggal nila ang serbisiyo ng nabanggit na security agency.

MISREPRESENTATION. Wala raw kasing awtoridad si Ram Antonio, ang may-ari ng Right Eight Security Agency, na magbigay ng opisyal na pahayag tungkol sa nangyaring insidente noon.

Matatandaang ikinagalit ng DVA ang ginawang paghingi ng paumanhin ni Ram kay Mayor Binay nang walang pahintulot sa kanilang pamunuan.

Iginiit din ng DVA na “inaccurate” ang impormasyong sinabi ng security agency owner sa media tungkol sa kortesiyang ibinibigay sa government officials—tulad ng presidente, bise presidente, at alkalde—na dadaan sa entrance/exit points sa Dasmariñas Village sa Makati.

Sabi pa sa DVA circular na pirmado ni Association President Jay Pantangco, “Right Eight management cited inaccurate policies [on] VIPs.

“Our existing policy covers the President and Vice President of the Philippines.

“On a case-to-case basis, exceptions are granted provided that ample lead time is given to DVA.”

Ang First Eagle Security Agency ang napiling pumalit sa Right Eight sa pangangasiwa ng seguridad ng Dasmariñas Village at mga residente ng lugar, simula January 19.

Sa kabila nito ay inirekomenda ng DVA na manatili ang security guards ng Right Eight at i-absorb na lamang ang mga ito ng First Eagle.

Ito ay dahil sa ipinamalas na tapang at magandang performance ng naturang security guards sa kanilang trabaho.

“The Security and Safety of Dasmariñas Village is our primary concern, given the drastic improvements in security the past year, we have high regards for the current security guards assigned to our village.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thus they have been given priority to be absorbed by First Eagle Security to continue serving in Dasmariñas Village,” dagdag pa ni Pantangco.

THE ALTERCATION. Lumikha ng malaking kontrobersiya ang engkuwentro sa pagitan ni Mayor Junjun Binay at ng kanyang mga bodyguards sa security guards ng Dasmariñas Village noong November 30, 2013.

Ayon sa ulat ng GMA News Online noong December 19, pasado alas-onse ng gabi nang mangyari ang insidente, kung saan hindi pinahintulatan ng security guards ang convoy ng alkalde na makalabas ng Banyan Gate ng exclusive village.

Ito ay alinsunod sa security protocol ng Dasmariñas Village na ipinagbabawal na gawing exit point ang Banyan Gate pagsapit ng 10 ng gabi.

Ngunit maaaring daanan palabas ng village ang Palm Avenue Gate, na 150 meters lang ang distansiya mula sa Banyan Road.

Kasabay ng ulat na ito ay kumalat sa Internet ang kopya ng video mula sa closed circuit television camera (CCTV) ng North Forbes Park at Dasmariñas Village.

Dito ay mapapanood na tila naiinis at ilang beses pinagduduro ni Mayor Binay ang village security guards, na makikitang nanindigan ang mga ito na hindi payagang makadaan ng gate ang convoy ni Mayor Binay.

Read: Mayor Jun Jun Binay’s aides bring out guns amid altercation with Dasmariñas security guards.

Sa gitna ng naturang kontrobersiya, dinepensahan ni Vice President Jejomar Binay ang anak na si Mayor Junjun Binay laban sa pambabatikos na natanggap nito.

Ayon sa bise presidente, tama lang na bigyan ng karampatang kortesiya si Junjun bilang pinuno ng lungsod ng Makati.

Naniniwala rin siya na “distorted” ang mga lumabas na ulat tungkol sa diumano’y pagpapaaresto ni Mayor Binay sa security guards ng Dasmariñas Village na humarang sa convoy ng alkalde.

Giit ni Vice President Binay sa hiwalay na ulat ng GMA News Online noong December 19, “From what I have gathered, distorted naman ata ito sa totoong nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka wala na, nagkapaliwanagan na. Maliwanag na yung paliwanagan ng bawat isa.”

Read: Vice President Jejomar Binay defends Mayor Jun Jun Binay; Senator Nancy Binay cries foul over "biased" newspaper report


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN