PEP EXCLUSIVE. FAP petitions court to stop turnover to MMDA of amusement tax from MMFF 2013 earnings

Bukod sa P82 million na pondong hindi pa naibigay ng Metro Manila Development Authority sa beneficiaries ng Metro Manila Film Festival mula 2002 hanggang 2008, gusto ring harangin ng Film Academy of the Philippines ang pagre-remit ng theater owners ng amusement tax mula sa kinita ng 2013 MMFF.


Nagsampa ng "Petition for Mandamus" ang Film Academy of the Philippines (FAP) upang pigilan ng korte ang mga may-ari ng mga sinehan sa pag-turnover sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ng amusement tax mula sa kinita ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

Ang petisyon na nilagdaan ng pangulo ng FAP na si Leo Martinez ay nakatuon kay Francis Tolentino, bilang chairman ng MMDA, at Dominic Du, bilang tagapamuno ng National Cinema Association of the Philippines (NCAP).

Sa ngayon, base sa unofficial reports, umabot na raw sa lagpas P930 million ang kinita ng MMFF 2013.

Ginawa ng grupo nina Martinez ang pagsampa ng nasabing petisyon kaninang umaga, January 15, 2014, sa Quezon City Regional Trial Court.

Sa ipinadala na kopya ng isinampang petisyon ng abugado ni Leo na si Atty. Ariel Inton sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, January 15, nakasaad dito ang prayer for “Issuance of a Temporary Restraining Order and/or Writ of Preliminary Injunction.”

THE CASE. Sa pamamagitan ng telepono, ipinaliwanag ni Atty. Inton ang buod ng kaso.

Aniya, “Kaya may filmfest every year kasi may beneficiary.

"Ang beneficiaries niyan ay ang Film Academy of the Philippines, Mowelfund, and then three others.

"They share in the amusement tax.”

Ang iba pang mga beneficiaries ng MMFF ay ang Motion Picture Anti Film Piracy Council (MPAFPC), Optical Media Board (OMB), at ang Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Maghati-hati ang mga ito sa malilikom na amusement tax mula sa festival sa ganitong porsiyento: 50 percent to Mowelfund, 20 percent to FAP, 20 percent to MPFAPC, 5 percent to FDCP, at 5 percent to OMB.

Dagdag pa ni Atty. Inton, “Ngayon, ang amusement tax, siyempre based on gross.

"Nagpa-COA report sina Leo Martinez kasi nagtataka sila na lumalaki ang gross ng filmfest, lumiliit yung share nila [beneficiaries].”

Ang COA ay ang Commission On Audit.

Saad pa nito, “Bakit ganun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"COA found out so many violations ng MMDA.

"And then, naso-shortchange ng P82 million yung mga beneficiaries, so yun ang kaso.”

Ano ba ang pinakagusto ng FAP na maging hakbang ng korte sa isinampa nilang kaso?

Saad ng abugado, “First sa prayer namin, accounting.

"Second, for the theater owners not to deliver to MMDA muna yung amusement tax ngayong taon na ‘to, yung nakaraan na filmfest.

“Third, to compel them to give the beneficiaries the correct amount of the filmfest amusement tax receipts.”

CHAIRMAN TOLENTINO’S REACTION. Sa pamamagitan ng text message, hiningan ng PEP ng reaksiyon ukol dito si MMDA Chairman Tolentino.

Isang maiksing text naman ang naging tugon niya sa aming hininging pahayag:

“I assumed MMFF 2010! I was city mayor still of Tagaytay in 2002!”

Sagot naman ng abugado ng FAP tungkol dito, “Kaya nga, hindi siya chairman [noon], pero as chairman now, he has to look into it.

"E, sino ang idedemanda namin? Ang past chairmen? E, siya yung chairman ngayon.

“Hindi naman siya nakademanda in his personal capacity.

"Nandun siya [sa demanda] because he is the chairman of the MMDA.

"So, hindi naman namin sinasabi na siya ang kumukuha ng pera. Ang sinasabi namin, MMDA.

“And since he is the chairman, kailangan i-account yun.

"At yun sinasabi niya mismo, e, admitted siya na may problema ng 2002-2008. Di ba?

“Maganda yun.

"All we have to do is for the chairman to sit with the Film Academy people para makita niya na, eto ngayon, ibang usapan na ito.

"Hindi pa nga siya ang chair noon, pero sino ang mga nagpatakbo ng film festival [dati]?

"Yung mga taong andun pa rin sa MMDA.

"So, he knows those people.

"Since 2002 to 2008, who were the people designated by the MMDA chairman to manage the film festival?

“Hindi naman mismo yung chairman ang nagma-manage ng film festival e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There is an executive committee. Dun niya na titingnan.”

“MMDA CHAIRMAN IS NOT OUR ENEMY.” Sa huli, nilinaw ni Atty. Inton na hindi nila kalaban si Chairman Tolentino.

Saad niya, “Basta ganito, hindi namin kalaban si Francis.

"But as chairman of the MMDA, he must look into this, di ba?

“Dito sa gobyernong ito, we’re looking at past mistakes di ba?

"So, why not look into this? May COA report naman.

"This is something that they should look into unless they [MMDA] consented to this all throughout the years during his [Tolentino] term.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN