THE PEP LIST. Anne Curtis: “All the negativity, iiwan ko na lang sa 2013.”

Isa sa mga pinakamalaking balita sa showbiz noong nakaraang taon ay ang slapping incident na kinasangkutan ni Anne Curtis. Nominado ang aktres para sa Female Newsmaker of the Year ng PEPsters’ Choice 4th Quarter.

Para makaboto, pumunta lamang sa www.pep.ph/pep-list.


Mas pinili ni Anne Curtis na huwag na lang ibahagi pa ang mga natutunan niyang aral noong 2013.

Sa ginanap kasing press conference sa ABS-CBN noong January 9, Huwebes, kung saan opisyal na inanunsiyo na si Anne ang gaganap na bagong Dyesebel, tinanong ng entertainment press ang aktres kung ano ang mga natutunan niyang aral noong 2013.

Read: Anne Curtis is the new Dyesebel; faces the press for the first time after slapping incident

Matatandaang bago magtapos ang 2013 ay nasangkot ang host ng It’s Showtime sa slapping incident sa Privé Luxury Club noong November.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

“Sa akin na lang po ‘yon… basta may lessons learned.

“Whatever it is, all the negativity, iiwan ko na lang sa 2013,” sagot ng actress-TV host sa presscon.

Naging malaking kontrobersiya ang isyung kinasangkutan ni Anne noong nakaraang taon.

Ito rin ang basehan para maging nominado ang aktres sa Female Newsmaker of the Year category sa 4th quarter ng PEPsters’ Choice 2013.

Ito ang huling quarter ng PEPsters’ Choice 2013, na component ng The PEP List, kung saan nasa kamay ng PEPsters ang kapangyarihang bumoto kung sino ang mananalong artista sa iba’t ibang katergorya.

Ang botohan ay mag-uumpisa ngayong January 15 at magtatapos sa February 28, 2014.

Sa kabuuan, sinabi ni Anne na maganda naman ang kanyang career noong 2013, subalit malaking pagsubok ang dumating sa kanyang personal na buhay noong pumutok ang balita tungkol sa slapping incident.

Pakli ni Anne, “But I’m leaving that in 2013.

“2014, what am I looking forward to? Becoming Dyesebel.”


UNEXPECTED. Nang simulan ipakita ang teaser ng Dyesebel sa ABS-CBN, inamin ni Anne na sumagi sa isip niya na maaari siyang gumanap sa iconic fantasy character, lalo pa’t bata pa lang daw siya ay isa sa dream roles niya ay ang karakter na nilikha ni Mars Ravelo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman daw siya umasa masyado na ibibigay sa kanya ang role dahil nakagawa na raw siya ng ilang fantaserye, kagaya ng Kampanerang Kuba (2005) at Dyosa (2008).

Sa Dyosa ay gumanap din bilang sirena si Anne.

Saad niya, “Overwhelming lang and it brings me tears of joy.

"2014 pala is going to be a great year.

“It’s a great way na maumpisahan ko ang 2014 knowing na [ako] si Dyesebel.

“It doesn’t happen every day and it won’t happen every day in your career.

“Sobrang honored and a dream come true.”

Ilan sa mga gumanap na Dyesebel sa pelikula man o telebisyon ay sina Vilma Santos, Alma Moreno, Alice Dixson, Charlene Gonzalez, at Marian Rivera.

Sino naman sa kanila ang pinakagusto ni Anne?

Aniya, “Lahat sila may iba’t ibang flavor na ibinigay.

“Naiiba lang yung mga buntot nila as time changes… nakakatuwa.

“Hindi [ako] puwedeng pumili.

“I just hope I will be able to live up to the avid followers ng Dyesebel.”

Para iboto si Anne at iba pang artista sa iba’t ibang kategorya para sa PEPsters’ Choice 4th Quarter, mag-log on sa www.pep.ph/pep-list.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN