Kylie Padilla says she and boyfriend Aljur Abrenica are sticking to their no-visit-on-the-set agreement

Kylie Padilla does not have a timetable yet, but she is already writing a screenplay for an indie film that she wants to direct herself. She says, "Pero baka kailangan ko ng parang mentor sa set. Gusto ko kasi, hands-on ako. At saka yung story, medyo malalim. Hindi siya yung parang pampakilig lang. May sense. Para siya sa mga kababaihan. Natapos ko na ang synopsis.”


Napapabilib ni Kylie Padilla ang direktor niya sa primetime fantaserye na Adarna na si Ricky Davao.

Ang eksaktong komento nga ng direktor pagdating sa fight scenes ni Kylie: “Talo pa niya ang lalaki.”

“Well, pinalaki naman po akong parang lalaki,” natatawang sabi naman ni Kylie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa taping ng Adarna sa West Fairview noong January 14.

Hindi naman bago kay Kylie ang fight scenes dahil nag-action na rin siya sa serye na pinagsamahan nila noong ng amang si Robin Padilla, ang Joaquin Bordado ng Kapuso network.

“Mas mahirap pa nga po ang ginagawa ko dun dati,” sabi niya.

NO-VISIT DEAL WITH BF ALJUR. Kinumusta rin namin kay Kylie ang tatlong leading men niya sa Adarna na sina Mikael Daez, Benjamin Alves, at Geoff Eigenmann.

Ayon sa young actress, “Okay naman, wala namang lumalabas na si Ada [pangalan niya sa serye] e malandi.”

Bakit naman?

“E, kasi, tatlong lalaki, bakit, di ba? Siyempre kailangang bantayan [ang pagganap ng karakter].

"Kasi kung hindi babantayan, baka magmukhang malandi si Ada.”

Binantayan ba ng boyfriend niyang si Aljur Abrenica ang naging kissing scene nila ni Geoff?

Ayon kay Kylie, “Sinabi ko naman sa kanya na may kissing scene.

"Pero wala siya rito noong taping. Wala po,” saad niya.

May usapan nga raw sila ni Aljur na walang bisitahan sa kani-kanilang taping.

“Minsan lang siya dumalaw. Nagba-bye po kasi pupunta siya ng Singapore,” banggit ni Kylie.

Ano ang naging reaksiyon ni Aljur sa kissing scene nila ni Geoff?

“Yung eksena po kasi na yun, hahalik siya sa akin, tapos sasampalin ko.

"Sabi niya [Aljur], ’Bakit ang hina ng sampal mo?’

"Sabi ko, ’Siyempre, gusto pa rin ni Ada si Migo [Geoff’s character].’

“Pero, joke lang niya yun. Baka mamaya iba na ang kinalabasan niya kapag nabasa ko!” natatawang babala pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na nga ba ang relasyon nila?

“Okay naman po. Actually, wala naman po kayong mapapanood kasi tahimik lang kami,” nakangiti niyang sabi.

DAD ROBIN ON KISSING SCENE. Unang beses lang daw na napanood si Kylie na may kissing scene.

“Well, puwede na ’kong mag-kissing scene.

"Actually, una po, sa Good Daughter, kay Rocco [Nacino], pero hindi siya ipinakita.

"Ito [sa Adarna], hindi siya ganoon ka-big deal sa akin.

“Yung first kiss, medyo dun, medyo mas malala.”

Bakit hindi ipinakita yung sa kanila ni Rocco dati?

“Hindi kaya nina Papa na mapanood!” natawang sabi niya.

Ang kissing scene nila ni Geoff sa Adarna ay hindi na ipinaalam ni Kylie sa ama dahil halos dampi lang naman daw ito.

Posible kayang sa mga susunod, handa na siya sa hindi lang dampi na klase ng kissing scene?

Sagot ni Kylie, “Depende siguro sa story.

"Dito kasi sa Adarna, love ko na rin ang character.

"At saka ang daming lumalabas tungkol sa akin na masyado akong maarte… pumipili ng project, leading man.

"Ano raw ako, demanding masyado, e, hindi naman po yun ang totoo.

“So, ayoko nang magsalita masyado.

"Basta go lang nang go kung anuman ang gustong mangyari.”

Kung si Aljur ang ka-kissing scene niya, mas all-out na siya?

“Huwag naman masyado siyempre!” natatawang sagot niya.

Pero mas magiging kumportable siya?

“Oo naman,” pag-amin niya.

Noong kaarawan daw ni Robin ay nagpunta si Aljur.

Okay na ba talaga ang a,a niya at si Aljur?

“Opo,” sagot ni Kylie.



AIMING FOR INDIE FILM. Unang primetime series ni Kylie ang pinagbibidahan niyang Adarna. Ano ang fulfillment na nakukuha niya rito?

Sagot niya, “Fulfillment po na superhero ako rito, kasi walang superhero sa totoong buhay.

"Nakakagaan ng loob na kahit sa show man lang, yun ang image ko, na tumutulong sa mga tao.

“At saka, nabasa ko nga, maraming batang nanonood ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, nakaka-relate sila. Hindi sa kissing scene, kay Ada,” biro pa niya.

Saan siya mas nag-e-enjoy—sa drama o action?

“Nag-enjoy naman po ako sa lahat. And I wanna try indie film din.

"Kasi, iba rin yung acting ng indie film, natural. Hindi yung kailangan mong maghanap ng anggulo.

"Hindi yung sobrang awkward ng reaction na after ng take, sobrang kailangan mong makita yung mukha mo.

“Sa indie, susundan ka ng camera.

“Gusto kong ma-try yun. Ma-experience yung ganun.”

May offer na ba sa kanya na indie film?

“Meron akong isinusulat ngayon,” excited niyang sagot.

Dugtong pa niya, “Yun ang hihingan ko—’Papa, puwede ko bang mahiram ang mga camera mo.’”

Plano rin pala niyang maging direktor?

“Gusto kong idirek yun.

"Pero baka kailangan ko ng parang mentor sa set. Gusto ko kasi, hands-on ako.

"At saka yung story, medyo malalim.

"Hindi siya yung parang pampakilig lang. May sense. Para siya sa mga kababaihan.”

Siya nga raw ang nagsulat ng indie film na gusto niyang idirek.

“Natapos ko na ang synopsis.

"Pero nahilo ako kanina sa kakasulat sa kotse. So, itinigil ko muna.”

OWN CONDO. Ngayong 2014, marami raw inaasahan na magagandang bagay na gustong mangyari si Kylie.

Pagdating sa career, maganda ang pasok nito sa kanya dahil sa kasalukuyan niyang primetime series at ipapalabas na
rin ang pelikula nilang Sa Ngalan ng Ama, Ina, at Mga Anak.

Ayon pa kay Kylie, “Actually a lot.

"Gumawa nga ako ng envelopes at isinulat ko iyong mga wishes ko. Sana matupad yun.

“Kasi, may nagsabi po sa akin, kapag nagsulat ka ng ganun, mangyayari.

"Hindi mo lang pinaplano, mangyayari lang, kasi inilagay mo na sa isip mo.”

Naging okay ba ang 2013 para sa kanya?

“Masyado lang talagang madrama!” natatawa niyang sabi.

Sa lovelife ba ang tinutukoy niya?

“Sa lahat po, sa lahat. Maraming adjustments na nangyari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Living independently na rin naman si Kylie dahil matagal na siyang nagsasarili sa condo na pag-aari ng amang si Robin. At may nakuha na rin siyang sariling condo niya sa Rockwell.

Pero pinag-iisipan pa raw niya kung lilipat siya.

“Gusto ko munang kausapin ang manager ko.

"Kasi, kapag kukuha ka po ng condo sa ganun, sa Rockwell, yung income dapat tuloy-tuloy.

"Siyempre, effort-an kong masyado. Pagandahin ko, tapos yun pala, iiwan ko rin.

“Actually, iniisip ko pa kung titirhan ko or kung ipapa-rent ko.

"Sa ngayon po kasi, sa condo ni Papa ako nakatira. Pero hindi po ako nagbabayad dun!” natatawa niyang sabi.

Mula noong bumukod siya ng tirahan sa Papa niya, siya na ang solong gumagastos sa sarili niya?

“Yes,” sagot ni Kylie.

“Siyempre, nagreregalo pa rin si Papa kung birthday. Pero allowance, mga bayarin, ako na.

"Noong nagsarili na ako, parang may tampo pa ng konti. Lahat, itinigil niya.

"Siguro, akala niya, babalik ako sa bahay. Tapos, sabi niya, ’Oo nga, kaya mo nga.’”

Biniro naman namin na sabihin na lang niya sa Papa niya na sagutin ang monthly niya sa nakuhang condo sa Rockwell.

Aniya, “Ay, huwag!” bulalas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN