Tom Rodriguez wants to explore other roles this year

Tom Rodriguez on playing another gay role: "Kasi pag na-typecast ng ganung role, hindi ka na makaka-grow. Hindi naman sa ayaw, pero kung yun ang gusto nila [GMA], sila ang boss ko, sila ang masusunod. I’m open for that pa rin. Pero sa akin, personally, I would like to explore other roles.”


Nagmistulang baguhan daw sa pagharap sa kamera ang aktor na si Tom Rodriguez nang sumalang siya sa Sunday All Stars ng GMA noong Linggo, January 12.

Aniya, kahit masaya siya sa kanyang pagbabalik sa trabaho, kinabahan siya nang muli siyang tumuntong sa entablado at sa harap ng kamera.

Tatlong linggong nagbakasyon si Tom sa U.S., partikular na sa Oklahoma, kung saan naroon ang kanyang mga magulang at ibang kamag-anak.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Para akong nanibago.

"Feeling ko, ngayon lang ako magsisimula sa career ko sa TV.

“Na-miss ko kasi yung mag-travel saka yung pamilya ko.

"And humaba pa yung bakasyon ko, nakatatlong linggo ako kaya nasulit nang husto.

“Napuntahan ko yung mga gusto kong puntahan. Doon lang naman sa nearby ng Yuma, Arizona.”

Umalis si Tom bago mag-Pasko at doon na rin siya nag-New Year.

Kuwento pa niya, “Pagdating ko dito, umaga, then natulog ako.

"Nag-hibernate ako buong araw, natulog lang akong buong araw."

TOMDEN FEVER. Huling napanood si Tom sa phenomenal hit na My Husband’s Lover, kasama sina Carla Abellana at Dennis Trillo.

Dahil sa teleseryeng ito ay nabuo ang "TomDen loveteam" nina Tom at Dennis.

Nakapag-move on na ba si Tom sa tandem nila ni Dennis?

Sagot niya, “Hindi pa nga, e... meron uli, e.

"Meron nga kaming number sa show [Sunday All Stars], then may mall show kami mamaya sa San Fernando [Pampanga].

“Akala ko nga, pagbalik ko, wala na. Okey na yung 2013 na TomDen.

"Pero meron pa rin pala... okey naman. Happy.”

Sa U.S. ba, mayroon ding TomDen fever?

Sagot ni Tom, “Oo, nagulat nga ako ang daming nanood ng My Husband’s Lover, daming tumangkilik ng TomDen.

"Daming bumili ng album [TomDen] kahit sa iTunes, kaya nakakataba ng puso.”

Dahil sa "loveteam" nila ni Dennis, wala pa bang nagdududa sa sexuality niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Tom at sinabing, “Sana wala, sana wala!”

Sa States ba ay walang nagtatanong tungkol sa sexuality niya?

“Hindi, wala, wala... alam naman nila.

"Mas liberated din naman sila doon kasi exposed na rin sila sa mga ganung klaseng portrayal ng mga homosexual sa media.

“Feeling ko, mas sanay sila kaysa sa atin dito.”

PROJECTS IN 2014. Ngayong nandito na muli si Tom sa Pilipinas, paano niya sisimulan ang kanyang career sa taong ito?

“Sana continous pa rin yung mga blessings sa akin ni Lord.

"I’m very thankful doon sa mga ibinigay sa akin nung 2013, kaya siguro katulad ng ginawa ko noon, tingnan ko lang kung ano ang mangyayari?

“Sabi nga nila, roll with the punches. Kaya abang lang tayo.”

May naka-lineup na ba siyang project sa GMA?

Sabi niya, “Ako, wala pa akong balita.

"Pero yung gagawin ko, yun ay yung Let’s Take A Chance, yung movie namin ni Carla.

"And let’s hope and pray na makasali uli sa isang project o show na katulad nung My Husband’s Lover."

Bagamat wala pa siyang sisimulang teleserye, aware ba siyang mas tataas ang expectation ng mga manonood sa kanya?

"Yun nga, e. Sa totoo lang, gusto ko sanang wala.

"Pero ayokong magsinungaling, e. Pero meron.

"May pressure akong nararamdaman.

“Siguro ang gagawin ko na lang, pag may project na gusto nila akong isali, I have to take that out of my head.

"Kasi hindi yun makakatulong sa performance mo.

“A little bit of pressure, healthy yun. Parang makakatulong yun.

"Pero kung sobra na, hindi mo na magagampanan yung trabaho mo. Madadaya mo rin yung bagong project mo.

“So, kailangang i-let go mo yung conception mo sa lumang show at i-embrance mo nang husto yung bagong show.”

EXPLORE OTHER ROLES. Kung siya ang papipiliin ng susunod niyang show, ano ang gusto niyang tema?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Tom, “Siguro iba naman sa MHL.

"Hindi naman yung gay theme, kasi nakailan na ring project ako na medyo nasa LGBT side.

“Pero gusto ko magdrama uli. Gusto ko ma-explore pa.

"Kasi parang nag-uumpisa pa lang ako.

"Hindi pa ako ganun kahasa or kasanay.

"Mas marami pa akong gustong matutunan."

Nangangahuluhan ba na sa taong ito ay pahinga muna siya sa gay roles?

“Kung maaari," sagot ni Tom.

"Although I like doing different kind of roles, gusto ko namang mag-try ng iba’t ibang roles, kasi mahirap ma-typecast.

"Kasi pag na-typecast ng ganung role, hindi ka na makaka-grow.

“Hindi naman sa ayaw, pero kung yun ang gusto nila [GMA], sila ang boss ko, sila ang masusunod.

"I’m open for that pa rin.

“Pero sa akin, personally, I would like to explore other roles.”

Ano ang reaksiyon ni Tom na may clamor pa rin para sa My Husband’s Lover, at parang gusto pa ng iba na magkaroon ito ng Book 2 o isalin ito sa pelikula?

“Siyempre, parang bittersweet siya.

"Kasi, sabi ko nga, gusto kong sumubok ng ibang roles, pero sobrang napamahal na rin sa akin yung roles nina Vincent, nina Eric, nina Lally.

"Sobrang napamahal na sa akin yung show, na kapag naririnig ko na gusto pa rin nilang maulit o masundan, ang sarap ng feeling.

“Kasi ibig sabihin, nandun din sila kasama rin silang nagmahal sa show na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN