Vic Sotto respects Lourd de Veyra’s "open letter"; My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser

My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg"> My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg"> My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg">

My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg"> My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg"> My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg"> My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg">

Vic Sotto on box-office success of My Little Bossings: "Walang pagsidlan yung aming tuwa at saya, kaligayahan namin. Dahil sa totoo lang, hindi ko ini-expect na ganun kalaki ang aabutin. Bago nga mag-Pasko, kumpiyansa naman ako na isa kami sa mga topgrossing film. Pero hindi ko in-expect na bukod sa mag-number one kami e nakapagtala pa ng mga record-breaking na first day, first week, at yung total nung buong festival."


Nakarating kay Vic Sotto ang open letter ng blogger na si Lourd de Veyra tungkol sa pananaw nito sa My Little Bossings, ang entry ng comedian sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

Lumabas ang blog na ito ni Lourd sa SPOT.ph noong January 3, 2014.

Inilabas ng author/musician/radio jock/TV personality ang kanyang sentimiyento matapos mapanood ang My Little Bossings.

Hindi itinago ni Lourd ang kanyang pagkadismaya sa pelikula, na pinagbibidahan din nina Ryzza Mae Dizon, Bimby” Aquino Yap, at Kris Aquino.

Pinuna ni Lourd ang storyline, na tila minadali raw ang paggawa nito, pati ang pagkakaroon ng di mabilang na product placements.

Read: An Open Letter to Vic Sotto

Ayon kay Vic, hindi niya nabasa ang blog ni Lourd, ngunit nalaman niyang na-offend ang girlfriend niyang si Pauleen Luna nang nabasa ito.

Sabi ng comedian-host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sana nga lang nabasa ko kung ano man yung open letter.

"Mas maganda siguro kung diniretso na niya sa akin."

Sabi pa ni Vic, nasasanay na siya sa mga puna sa mga pelikula niya at hindi na raw ito bago sa kanya.

“Ako naman, I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive.

“Eto yung tinatawag nating demokrasya.

“Nirerespeto ko ang opinyon ng kung sino man, ganun din ang pagrespeto sa milyun-milyong nanonood, nasiyahan, at natuwa sa aming pelikula.”



OFFICIAL MMFF TOPGROSSER. Samantala, hanggang ngayon ay tila hindi pa rin makapaniwala si Vic na ganun kalakas ang My Little Bossings.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang My Little Bossings ang topgrosser sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Saad ni Vic, “Walang pagsidlan yung aming tuwa at saya, kaligayahan namin.

"Dahil sa totoo lang, hindi ko ini-expect na ganun kalaki ang aabutin.

“Bago nga mag-Pasko, kumpiyansa naman ako na isa kami sa mga topgrossing film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi ko in-expect na bukod sa mag-number one kami e nakapagtala pa ng mga record-breaking na first day, first week, at yung total nung buong festival."

Kaya paulit-ulit na nagpapasalamat si Vic sa lahat ng tumangkilik at pati na raw sa advertisers na tumulong sa kanila.

Aware din si Vic sa ikinakalat ng kampo ng pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy—entry ni Vice Ganda—na nalagpasan na raw nito ang kinita ng My Little Bossings.

Pahayag ng Eat Bulaga! host, “Hindi ko na pinapansin yun.

"Ang importante, kung ano yung nasa official records ng festival committee ng Metro Manila Film Festival.

“Numbers lang yun, e.

"Ang mahalaga, record-breaking itong festival na ito.

“If I’m not mistaken, almost one billion [pesos] ang kabuuan.

"At kami, on our part , My Little Bossings, proud to be a part of history."

Hindi pa raw nila napag-uusapan kung may Part 2 o kung ipupursigi pa rin ni Kris na gawing sitcom ang My Little Bossings.

Sabi ni Vic, “Hindi pa kasi ako nagising sa isang napakagandang panaginip dahil hindi ko talaga inaasahan.

"Pero pag nagising na ako, ’yan, puwede nang pag-isipan.

“Medyo matindi kung paano mo malalampasan, as far as production and, of course, yung box-office success.

"Paano mo malampasan kahit konti o mapantayan man lang."

HOUSE FOR RYZZA. Hindi naman itinatanggi ni Vic na malaking dahilan sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap kaya tinangkilik nang husto ang My Little Bossings.

Hindi rin niya itinatangging isa sa bonus na matatanggap ni Ryzza ay ang bahay na matagal na nilang gustong magkaroon.

“Kulang yung bahay sa ganda ng resulta ng pelikula ng mga bata!” natatawang sabi ni Vic.

Aniya pa, “Sa totoo lang, matagal nang naghahanap ang TAPE.

"Medyo natatagal na sila sa paghahanap ng bahay, dahil importante kung saan yung lugar.

"Malapit sa kanila, yung hindi naman kalayuan sa trabaho, accessible sa eskuwela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siguro, within this month, bago matapos itong buwan na ito, makakalipat na si Ryzza.”

Inulit namin ang tanong kung bonus nga ba ni Ryzza ang bahay na lilipatan ng child wonder.

Sagot ni Vic, “Ke bonus, ke hindi, tulong yun ng Eat Bulaga.

"Yung personal na tulong ko... at sigurado ko, marami ding itutulong si Kris kasi nagpalit na yata ng apelyido si Ryzza—Aquino na yata!" natatawang biro ni Bossing Vic.

AI-AI DELAS ALAS. Nagpasalamat din si Vic kay Ai-Ai delas Alas.

Nung nagsimula pa lang daw kasi silang mag-shooting ay nagpaparating na ng mensahe ang komedyana sa kanila na susuportahan niya ang My Little Bossings.

Saad ni Vic, “Nakakatuwa naman si Ai-Ai, kasi nagsisimula pa lang ang shooting namin, nagti-text na siya na all out ang suporta niya.

"Tapos, pagdating ng premiere night, nandun siya, kasama namin.

"Tapos pagdating pa ng testimonial, nandun siya, nagna-‘number one’ siya.

“Isa sa mga kaibigan ko rin ‘yan, kumbaga, tunay na kaibigan.”

Nilinaw rin ng PEP kay Vic kung totoong kalahating milyon piso ang ibinigay niyang abuloy nang sumakabilang buhay ang biological mom ni Ai-Ai.

Natatawang niyang sagot, “Hindi totoo yun, exag lang konti yun!”

My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg"> My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg"> My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg">


My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg"> My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg"> My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg"> My Little Bossings is the official MMFF 2013 topgrosser" data-url="https://www.pep.ph/news/41955/vic-sotto-respects-lourd-de-veyra39s-open-letter-my-little-bossings-is-the-official-mmff-2013-topgro" data-desc="Vic Sotto: "I’m open to all criticisms, lalo na kung constructive."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96083c4fd.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN