Rafael Rosell returns to dating game after three years

Aminado si Rafael Rosell na sobra siyang natsa-challenge sa kanyang father role sa seryeng The Borrowed Wife ng GMA. Nagsilbi na rin daw itong pamamaraan niya upang laliman ang atake sa kanyang pag-arte.


Ibang Rafael Rosell daw ang mapapanood sa bagong afternoon series ng GMA, ang The Borrowed Wife.

Makakasama ng Fil-Norwegian actor dito sina Camille Prats, TJ Trinidad, at Pauleen Luna. Magsisimula ito sa January 20, Lunes.

Paglalarawan ni Rafael sa kanyang role, “Siya yung husband na may asawa na tumakas at nagpahiram sa ibang lalaki.”

Ang tinutukoy ni Rafael na nagpahiram sa ibang lalaki (TJ) ay si Camille, ang kanyang asawa sa serye, na sasailalim sa cosmetic surgery.

Sa trailer na ipinalabas sa grand presscon ng The Borrowed Wife noong Martes, January 14, kapansin-pansin na malalim ang pag-atake ni Rafael sa kanyang role.

Sabi niya tungkol dito, “Naghanap kasi ako ng ibang dahilan… ng ibang source para mapaghuhugutan ko ng emotions ko this time, e.

“Dati, usually, it’s about my mom.

"I think, this time, ginawa ko… yung tatay ko.

"At dahil yung paghuhugot ko ng emosyon ay galing sa tatay ko, siguro yun yung dahilan kung bakit parang iba na yung atake."

Dagdag pa ni Rafael, “It’s a very mature role, e, dahil father figure siya dito.

"Hopefully, after nito, huwag naman father figure ulit dahil gusto ko ulit bumalik sa pagiging single, di ba?”



“BECOMING THE RIGHT MAN…” Speaking of being single, natanong din ang 31-year-old actor tungkol sa pagiging single pa rin niya hanggang ngayon.

Lagpas tatlong taon na mula nang huling magkaroon ng kasintahan si Rafael.

Pero noong 2013, sinimulan daw niyang makipag-date muli.

Saad niya, “Nung November, I’ve started dating again.

"It’s a very good experience para sa akin, so far, dahil the three years prior to last year’s date, its been about fixing myself, e.

“About becoming the man that a… not the man for the… not finding the right woman, pero becoming the right man for whoever woman I will be with.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, in that process siguro, I think, in that stage wherever I am right now, I just have to find the one I like dahil sa totoo lang… the one that I love, of course, always follow, love.

“Pero personal kasi. I think I went to a process na hindi muna ako masyadong magtitiwala sa love na galing sa iba.

"So, I have to fix myself up talaga. I had to become that—the right man to whoever.”



NEW OUTLOOK IN LIFE. Napansin ng media na malalim ang mga pananalita ni Rafael.

Paliwanag niya tungkol dito, “Let’s just say na… I’m in a very happy place right now.

“It’s affected by friends, affected by relatives, lalo na yung pagbangon nila galing Yolanda.

"The fact na nakukuha ko yung importance ko by helping others, which is a very big development mula nung dati pa.

"Dahil dati, I would find importance in money, I would find importance in awards, I would find importance in the roles na ibinibigay sa akin.

"Pero ngayon, since nagbago na yung outlook and perspective ko sa buhay, parang yung importance na nakukuha ko ngayon sa pagtutulong… sa pagsi-share ng knowledge sa ibang tao, sa pag-e-educate… re-education of the mind sa ibang tao, so definitely malaking pagbabago talaga."

Malaking impluwensiya raw sa pagbabagong ito sa buhay ni Rafael ang dalawa niyang kapatid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN