Jef Gaitan leaves behind sexy image for new career as showbiz news anchor

Bata pa lang daw siya ay pangarap na ng former Survivor Philippines castaway na si Jef Gaitan ang maging artista at news anchor. Nasubukan na daw niya ang pag-aartista kaya naman ita-try niya ngayon ang pagharap sa kamera bilang tagapaghatid ng balitang showbiz sa News+ ng ABS-CBN Sports + Action simula January 20.


Hindi na muling magpapa-sexy sa magazine covers ang former Survivor Philippines castaway na si Jef Gaitan.

Ilang beses na rin kasing nagbilad ng katawan si Jef, lalo na sa FHM Philippines kung saan tampok muli siya sa January 2014 issue nito.

Sasabak na kasi sa isang seryosong career si Jef simula Lunes, January 20.

Siya ang magiging showbiz news anchor ng programang News+ (News Plus) ng ABS-CBN Sports + Action sa Channel 23.

Sabi ni Jef sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sinabi ko naman sa FHM na ito na yung huli ko na magpapa-sexy.

“Ngayon, gusto ko namang i-explore yung side na hindi na tayo nasa katawan, nasa talent na tayo.”

Nakausap ng PEP si Jef sa launching ng mga bagong programa ng ABS-CBN Sports + Action, kahapon, January 16, sa T.G.I. Friday’s, Glorietta 3, Makati City.



CHILDHOOD DREAM. Bata pa lang daw, isa na sa mga pangarap ni Jef ang maging newscaster.

Aniya, “Actually, bata pa lang po ako, ito na po yung sinasabi ko na kung hindi ako magiging artista, gusto ko po talagang maging news anchor.

“Tapos ngayon nagkaroon ng… nag-open sila ng audition… nag-audition ako, masaya naman ako na nakuha nila ako.

“Ito po yung bagay na gusto kong gawin. Pero dahil nasa entertainment ka, medyo mahirap makapasok.

"Kaya noong tinanong nila ako kung gusto kong gawin, e, di gino ko na po talaga agad.”

Paano naman niya hinaharap ang pagbabago sa kanyang karera mula sa pagiging sexy model at ngayon bilang showbiz news anchor?

Saad ng 25-year-old model turned TV personality, “Actually po, ako po, naniniwala na, sa ngayon, hindi naman po kailangan na mag-transform kaagad.

"Kasi ako po, ang tingin ko po, ang pagsi-sexy, iba naman po yun sa pagbabalita, e.

“As long as credible ka naman na showbiz host, as long as na ginawa mo nang maayos trabaho mo, hindi ka nag-iimbento, nasa tama palagi yung sinasabi mo, andun po yung basehan kung magiging magaling ako na showbiz host o hindi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa pa niyang dugtong, “At saka dito naman po, pag naghu-host, may damit naman po ako.

"Di naman po ako magpapakita ng katawan!"



“PINAG-AARALAN KO PO TALAGA…” Ang news programs ay live na ginagawa sa studio. Paano naman kaya niya ito pinaghahandaan?

Excited na sagot ni Jef, “Ay, naku po, sa maniwala po kayo, hanggang ngayon pa rin po ay hindi po masyadong nagsi-sink in sa akin yung trabaho na ‘to.

"Pero nag-rehearse naman po kami, tapos napagaan naman ni Anthony [Taberna, main host], na hindi naman po ako naging stiff around.”

Dagdag pa niya, “Tsaka supportive po yung buong team namin na talagang ini-encourage nila ako every time na kaya ko ‘to.

"And also, ako naman po, ginagawa ko yung assignment ko.

“Mula nung nalaman ko po na nakuha ko ‘to, naku po, araw-araw nanonood talaga ako ng iba’t ibang news program para lang po malaman ko kung ano yung dapat, ano yung tama.

"Tsaka pinag-aralan ko po talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN