Marian Rivera shrugs off primetime showdown with Angel Locsin

Marian Rivera on being the "number one star" in Vietnam and Cambodia: “Siyempre, nagiging posible ang mga bagay-bagay na ‘to dahil sa GMA. Dahil sila yung nagdi-distribute sa iba-ibang bansa para mapanood ako.”


Marami ang nag-aabang sa salpukang magaganap sa pagitan nina Marian Rivera at Angel Locsin sa primetime television, simula sa January 27, Lunes.

Sa unang pagkakataon ay sabay na magsisimula ang pinagbibidahang teleserye ng dalawang sikat na aktres.

Si Marian ang pangunahing karakter sa Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw ng GMA Network.

Habang si Angel naman ang lead actress sa The Legal Wife ng ABS-CBN.

Sa grand launch ng Carmela kagabi, January 16, sa Studio 7 ng GMA Network Center, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian tungkol sa pagtatapat ng mga programa nila ni Angel.

Sa kasalukuyan ay hindi pa matiyak kung ano ang eksaktong timeslot ng kani-kanilang teleserye, ngunit malaking bagay para sa mga manonood ang pagsisimula ng mga programa ng dalawang aktres sa parehong araw.

Pahayag ni Marian tungkol dito, “Well, network lang naman ang nagkakaroon ng competition.

“Ako, para sa akin, wala akong kakumpitensiya.

“Basta ako, gagawin ko yung trabaho ko, masaya ako sa Carmela.

“At yun ang mahalaga para sa akin.”

Nang tanungin naman kung kinakabahan siya para sa una niyang primetime series, pagkatapos ng siyam na buwan, ani Marian: “Ayoko ng kaba! Siguro excited na lang ako kasi…”

Ipinagkikibit-balikat lang din ni Marian ang mataas na expecations ng mga manonood sa Carmela.

Sabi niya, “Palagi naman, e.

“Siguro hindi lang naman sa akin, lahat naman ng shows e malaki talaga ang expectations ng mga tao.”



ASIAN SUPERSTAR. Ngunit hindi maipagkakaila na hindi lamang sa Pilipinas sikat si Marian, kundi maging sa mga karatig-bansa, gaya ng Vietnam at Cambodia.

Ayon nga sa direktor ng Carmela na si Dominic Zapata, “number one star” si Marian sa Vietnam at Cambodia.

Ito ay dahil sa tagumpay na tinatamasa ng mga teleserye ng aktres na ipinapalabas sa mga bansang ito.

Ano ang reaksiyon dito ni Marian?

“Wow!” bulalas muna niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, nagiging posible ang mga bagay-bagay na ‘to dahil sa GMA.

“Dahil sila yung nagdi-distribute sa iba-ibang bansa para mapanood ako.”

Dagdag ni Marian, “Tapos, may nalaman ako na ipinapalabas daw naman ngayon ang Endless Love sa Africa.”

Ang Endless Love ang primetime series na pinagbidahan nina Marian at Dingdong Dantes noong 2010.

Isa pang patunay ng kasikatan ni Marian sa Vietnam ay ang pagkilala sa kanya bilang “Most Favorite Foreign Artist” sa isang TV network doon.

Iyon nga lang, hindi nakapunta si Marian sa Vietnam upang tanggapin nang personal ang kanyang award.

Sabi niya, “Well, dapat pupunta ako nung [December] 19, para tanggapin yung award ko sa Vietnam.

“Kaso mo, nag-taping ako. E, hindi ako napayagan ng GMA kasi kailangan kong i-tape ‘tong Carmela.

“So, nag-VTR na lang ako, nag-Skype-Skype na lang, nag-thank you ako sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN