Solenn Heussaff on now-famous "I can buy you" line of Anne Curtis: “At least, naging bongga yung lines niya ngayon, naging pasok. Buying.”

Sabi ni Solenn Heussaff, ayaw niyang ma-involve sa isyung kinasangkutan ng kaibigan niyang si Anne Curtis na unang nailathala sa PEP nung Disyembre. Pero nakakatawa lang daw para sa kanya ang linyang nakakabit na kay Anne dahil sa isyung iyon. “Hindi pa ‘ko nag-joke. Pero it’s funny talaga how people use it as a line. Naging line talaga. Naging famous line. So, yun, funny lang para sa akin,” ani Solenn.


Hindi lang kaibigan ni Solenn Heussaff ang aktres na si Anne Curtis, girlfriend pa ito ng kapatid niyang si Erwan Heussaff.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Filipina-French leading lady sa pelikulang Mumbai Love tungkol sa isyung kinasangkutan ni Anne nung nakaraang taon.

“I just laughed it out,” sabi ni Solenn nang makausap ng PEP sa press conference ng Mumbai Love sa Annabel’s Morato nung Miyerkules, January 15.

“Hindi ako… Well, alam ko naman ang tsismis sa showbiz. So, I don’t want to get involved.

“I don’t wanna comment about it.”

Hindi naman ba umiyak si Anne sa kanya?

“Hindi, hindi siya umiyak,” sagot ni Solenn.

Kumusta naman si Erwan nung kasagsagan ng isyu kay Anne?

“Si Erwan, naku, siya ang pinaka-hate ang showbiz. So, wala siyang comment.

“He just said, ‘Don’t mind them.’”

Pahabol na pahayag pa ni Solenn, “At least, naging bongga yung lines niya [Anne] ngayon, naging pasok. Buying.”

Matatandaang sa iskandalong kinasangkutan ni Anne na inilathala ng PEP nung Disyembre, naging viral ang linyang in-attribute sa kanya ng nagkuwento sa PEP na si J.R. Isaac: “I can buy you, your friends, and this club.”

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Ginagawa na rin ba nilang joke ang linyang iyon?

Natatawang sagot ni Solenn, “Hindi pa ‘ko nag-joke. Pero it’s funny talaga how people use it as a line.

“Naging line talaga. Naging famous line.

"So, yun, funny lang para sa akin."

EASY TO GET ALONG CAST. Tungkol sa Mumbai Love, kinumusta ng PEP ang pakikipagtrabaho niya sa leading man na si Kiko Matos.

“Super-mabait siya. Easy to work with.

“Actually, mabait siya.

"Yung buong cast, sobrang nag-get along. Parang family na kami.

“When we’re doing something, we text each other. Fun, refreshing, walang drama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-starstruck daw sa kanya ang leading man.

“Really?” nakangiti niyang sabi.

“Sa beginning yata na-starstruck daw siya.

"Pero kasi, baka iniisip ng mga tao dun sa akin, baka feeling nila, isnabera ako or mataray.

"Pero, hindi ako ganoon.

“Super-kalog, easy to get along, at nakita nila na after ng audition, we’re joking na around.

"Parang friends kami, naging close kami."

Iba naman ang kuwento niya tungkol sa isa pa niyang co-star sa pelikula na si Martin Escudero.

“Si Martin, nabaliw ako sa kanya!

"He really gets into the character na minsan, natatakot ako.

“Sabi ko, ‘Martin, puwede bang doon ka na lang. Masyadong into character ka ngayon!’” natatawang kuwento ni Solenn.

Dagdag niya, “You’ll see sa movie kung bakit may pagka-scary side yung character niya.”

Sa premiere night pa lang daw niya mapapanood nang buo ang pelikula.

Naganap ang premiere night kagabi, January 16, sa SM Megamall Cinema 6.

May nararamdaman ba siyang pressure sa pagpapalabas ng kanyang pelikula?

Tugon niya, “Somehow pressured ako. Iba ang role ko rito.

"Walang dubbing. So, my accent is what you get.

“Hindi ako puwedeng mag-fake ng mga lines.”

DOING A MOVIE IN JAPAN. Tinanong ng PEP kay Solenn kung ano na ang maaasahan sa kanya ngayong 2014.

“2014, I don’t know what’s gonna happen,” tugon niya.

“Ako, I’m just open to anything.

“May project din ako sa Japan. I’m leaving Sunday [January 19].

“It’s for a short film. Kaya black ang hair ko ngayon kasi half-Japanese ako [sa gagawing movie].

“Tapos, may teleserye sa GMA News TV that we’re talking about it, kaya yun na muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN