Freddie Webb wants son Hubert to settle down; reveals opinion about past relationship of daughter Pinky with Edu Manzano

Freddie Webb on son Hubert: “You know, that guy, somehow you have to appreciate him because with what he’s gone through, he’s able to forget that and look forward. Kasi sinasabi ko sa kanya, ‘Forget what you lost but rather what’s left of your life.’ Importante ‘yon.”


Ang buhay ng kanyang mga anak na sina Pinky at Hubert ang ilan sa mga itinanong ng entertainment press kay former Senator Freddie Webb sa presscon ng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw.

Ginanap ang presscon ng bagong teleserye ng Kapuso network, na pinagbibidahan ni Marian Rivera, sa Studio 7 ng GMA Network Center kagabi, January 16.

Ginagampanan ni Freddie sa Carmela ang papel ng isang masamang pulis at kaibigan ni Roi Vinzon.

HUBERT WEBB. Ayon sa actor-politician, normal na uli ang takbo ng buhay ng anak niyang si Hubert Webb mula nang lumabas ito sa kulungan, matapos masangkot sa Vizconde Massacre case noong 1991.

Labinlimang taong nakulong si Hubert, kasama ang iba pang suspek sa Vizconde Massacre, bago sila napalaya noong 2010 pagkatapos ma-acquit ng Supreme Court.

Read: Hubert Webb, 6 others acquitted by the Supreme Court in Vizconde murder case

Sabi ni Freddie, “Hubert is okay now.

“He’s gone back in the stream of our society. He’s happy."

At kung siya ang tatanungin, gusto niyang magpakasal na ang kanyang anak.

“I just hope he gets married soon.

“You know, that guy, somehow you have to appreciate him because with what he’s gone through, he’s able to forget that and look forward.

“Kasi sinasabi ko sa kanya, ‘Forget what you lost but rather what’s left of your life.’

“Importante ‘yon.”

Nagpahayag naman ng pagkagulat si Freddie nang tanungin ito tungkol sa naging relasyon ni Hubert sa aktres na si Ana Capri.

Wala raw siyang alam kaya tatanungin niya si Hubert kapag nagkausap sila.



ABOUT PINKY. Sumunod naman naming pinag-usapan ang bunso niyang anak na si Pinky Webb, news anchor ng ABS-CBN.

Kuwento ni Freddie, “I have two girls. When my elder daughter got married, I wept.

“I was very sad kasi babae, di ba?

“Si Pinky at that time was around 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkasama kami sa bahay, sabi ko, ‘Pinky, huwag ka munang mag-aasawa, malulungkot ako. Puwede ba, mag-asawa ka at the age of 30?’

“’Oo, Dad, gagawin ko. Ano ang ibibigay mo sa akin?’

“We agreed na meron akong ireregalo. Hindi nga nag-asawa.

“So, at the age of 30, sabi niya, ‘Nasaan na yung regalo?’

“Pinky is probably… I’m guessing ha, kasi alam mo, ang alam ko lang na age, yung sa akin at sa asawa ko.

“Mga anak ko, hindi ko na alam ang age.

"Pinky must be around 36… I will ask her, ha?” sabi pa ng dating senador.

Naging boto ba siya kay Edu Manzano, ang ex-boyfriend ni Pinky?

Isang makahulugan na tingin ang ibinigay sa amin ni Freddie, sabay sabing “So you know what the answer is?”

Dagdag niya, “So, you know what the answer is?

“Kung ikaw ako, boto ka if you have a daughter na younger, single?

“Edu came from so many… I’m not saying he’s a bad person, but Pinky can get somebody better.”

Natuwa ba siya nang hindi magkatuluyan sina Pinky at Edu?

Sagot ni Freddie, “Hindi naman, bakit ako matutuwa?

“Sa akin, okey na lang… it’s her decision.”

Baggit pa niya, “Pinky has a boyfriend now.

“This guy is a businessman. He’s very smart in restaurant business.


“Marunong siyang magluto, marunong siya na magpatakbo ng hotel. Kastila siya...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN