PEP EXCLUSIVE. Quezon City court grants Sunshine Cruz full custody of daughters; Cesar Montano gets visitation rights

Ayon kay Sunshine Cruz, ang mga anak nila ni Cesar Montano ang nagdesisyong manatili sa kanyang poder pagkatapos silang kausapin ng Judge sa custody battle na ito.

"It was their choice. That has always been their choice… it’s not a matter of who they love more. Pareho naman kaming mahal ng kids," pahayag ni Sunshine.


"Full custody" ang iginawad ng Quezon City court kay Sunshine Cruz para sa tatlong anak nilang babae ng estranged husband niyang si Cesar Montano.

Inanunsiyo ni Sunshine ang desisyong ito ng korte sa kanyang Instagram account (sunshinecruz77) noong Huwebes, January 16.

Nagsimula ito nang mag-post ang aktres ng larawan niya at ng tatlong anak habang nasa loob sila ng sasakyan.

May caption itong: “Good morning ♥♥♥”

Isang follower ni Sunshine ang nagtanong: “Where you going beautiful ladies? Ang agang pasyal.”

Sagot dito ng aktres: “@happyako88 custody hearing. J full custody awarded to me. J Thank God.”

Pagkatapos nito ay sunud-sunod na ang pagbati ng followers ni Sunshine sa kanya.

Sa kanyang Facebook account ay nag-post din si Sunshine ng mensaheng ito: “Finally!:)—Feeling Wonderful”

Sinagot din nito ang ilang bumati sa kanya: “Yes! Masaya ako, kami ng kids. Finally awarded ako sa full custody ng kids. This is what they really want naman talaga noon pa. The father can visit at pwede silang ipasyal.”

PEP INTERVIEW. Kaugnay nito, nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine, sa pamamgitan ng Facebook private messaging, para sa karagdagang detalye.

Noong Huwebes, January 16, daw lumabas ang desisyon ng korte.

Dagdag ni Sunshine, "It was my children who spoke to the judge.

"I was awarded full custody while Cesar have visitations rights.

"Hope everything will be better lalo na para sa mga kids."

Ang humawak ng custody battle nina Sunshine at Cesar ay si Judge Jose Bautista Jr. ng Branch 78 ng Quezon City Regional Trial Court.

Tinanong ng PEP si Sunshine kung nandoon din ba si Cesar nang basahin ang desisyon ng korte.

"He was there," sagot ng aktres.

Kumusta naman silang dalawa ngayon?

Ani Sunshine, “I’m hoping that in time, puwede maging civil, because we have three kids naman.

"Sa ngayon, I’m not ready. We are both not ready.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “It wasn’t easy for him, but Judge is just after happiness of kids.

"It was their choice.

"That has always been their choice… it’s not a matter of who they love more.

"Pareho naman kaming mahal ng kids."

Sinubukan din ng PEP na kunan ng pahayag si Cesar, sa pamamagitan ng manager nitong si Shirley Pizarro.

Ngunit ayon sa ipinadalang text message ni Shirley sa amin, hindi pa niya nakakausap ang aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN