MMDA explains reduction of amusement tax distribution to MMFF beneficiaries

MMDA execom, the committee which handles the organization of the annual Metro Manila Film Festival (MMFF), points out in a statement that there have been changes in the amusement tax structure in Metro Manila, which resulted in the reduction of allotment for MMFF beneficiaries.

The Film Academy of the Philippines (FAP) has filed a court petition for a Temporary Restraining Order to stop Metro Manila theaters from turning over the amusement tax to MMDA, which is assig


Ipinaliwanag ng executive committee ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang dahilan ng umano’y pagliit ng bahagi ng mga beneficiaries mula sa kinikita ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon sa isang dokumentong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa MMDA execom kahapon, January 17, sinasabing ang dahilan nito ay ang pagbaba ng amusement tax na sinisingil ng ilang local government units (LGU) sa Metro Manila.

Ito ay lumabas kasunod ng paghiling ng Film Academy of the Philippines (FAP) ng Temporary Restraining Order para ipahinto ang pag-remit ng Metro Manila theaters sa MMDA ng amusement tax mula sa kinita ng MMFF 2013.

Ang MMDA ang awtoridad na naatasang tagapamahala ng taunang film festival.

Read: PEP EXCLUSIVE. FAP petitions court to stop turnover to MMDA of amusement tax from MMFF 2013 earnings

Nakasaad sa Executive Order 86-09 na tungkulin din ng MMDA na ibahagi sa beneficiaries ang malilikom na amusement tax mula sa kinita ng MMFF.

Sa ngayon, may limang beneficiaries ang naghahati-hati rito. Ito ay ang mga sumusunod: 50 percent para sa Movie Workers Welfare Fund (MOWELFUND); 20 percent sa FAP; 20 percent sa Motion Picture Anti-Film Piracy Council (MPAFPC); 5 percent sa Optical Media Board (OMB), at 5 percent sa Film Development Council of the Philippines.

Sa kabuuan, inaalam ng MMDA ang gross revenue ng MMFF sa Metro Manila at provincial theaters upang ma-monitor ang performance ng taunang festival.

Gayunman, ang amusement tax mula sa Metro Manila theaters lamang ang kinokolekta ng pamunuan ng MMFF.



MMDA EXPLAINS. Sa petisyon ng FAP, kinukuwestiyon nila ang patuloy na pagliit ng share ng beneficiaries gayong lumalaki ang gross ng MMFF taun-taon.

Ayon sa dokumento na nakuha ng PEP, ang pagbabago ng amusement tax structure sa Metro Manila ang dahilan kung bakit bumaba ang nakukuha ng MMFF committee.

Naipaliwanag dito na noong 2003, naging 15 percent na lamang mula 30 percent ang amusement tax sa Quezon City, Manila, Caloocan, Malabon, at San Juan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2007, ginawa naman ng Quezon City na zero percent na ang amusement tax.

Samantala, ang mga natitira pang LGU sa Metro Manila ay ibinaba sa 10 percent ang sinisingil na amusement tax.

Binigyang-diin ng MMDA execom ang zero amusement tax sa Quezon City, dahil 30 percent ng mga sinehan sa Metro Manila, o 102 na sinehan, ang matatagpuan sa naturang lungsod.

Dahil dito, mas bumaba pa raw ang amusement tax na naibibigay sa kanila.

Noong 2011, ginawa na ring zero percent ng Marikina City ang amusement tax.

Habang sa Pasay City ay bumaba sa 5 percent ang amusement tax.

Ang Resorts World Cinemas ay tax-free dahil sakop ito ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Kasama rin sa sinabing dahilan ng MMDA execom ang pagsasara ng ilang sinehan.

Dahil sa mga nabanggit, ikinatuwiran ng MMDA execom na hindi dahil tumaas ang gross revenues ng MMFF ay malaki na rin ang makukuha nilang pondo na ipapamahagi sa beneficiaries.

PLEDGE OF SUPPORT. Kasama rin sa dokumento na nakuha ng PEP ang liham ng pagsuporta mula sa mga beneficiary ng MMFF maliban sa FAP.

Ito ang nakasaad sa liham:

“For the past 39 years, the Metro Manila Film Festival has not only been a showcase of the Filipino talent for art and storytelling through filmmaking but more importantly, it has served an integral part of the movie industry through its tireless efforts in raising funds for the following beneficiaries: The Movie Workers Welfare Fund (MOWELFUND), The Film Academy of the Philippines, The Motion Picture Anti-Film Piracy Council, The Optical Media Board and The Film Development Council of the Philippines.

“The Metro Manila Mayors, through the Metro Manila Development Authority, have been generously waiving the amusement taxes during the 10-day Festival period in favor of the Metro Manila Film Festival to benefit these organizations. We are truly grateful to the Metro Manila Mayors whose support has made the successful conduct of the Festival possible for the past 39 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It is in this spirit that we, the members of the movie industry, pledge our support to the 39th Metro Manila Film Festival, the Metro Manila Development Authority and the Metro Manila Mayors who make this tradition possible.

“Mabuhay ang pelikulang Pilipino!”

Ito ay nilagdaan nina: Marichu Maceda, Chairman of the Board ng MOWELFUND; Orly Ilacad, President of Philippine Motion Pictures Producers Associations; Wilson Tieng, President of Motion Producers and Distributors Association of the Philippines; Leonardo Monteverde, Chairman of MPAFPC; Ronnie Rickets, Chairman of OMB; at Ronaldo Duenas, VP External of National Cinema Association of the Philippines.

Samantala, bukas ang PEP sa anumang komento o pahayag mula sa FAP tungkol sa naging pahayag ng MMDA execom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN