Ai-Ai delas Alas on ex-husband Jed Salang after divorce: “Hindi ko siya kayang maging friend pa.”

“Hindi pa ako ready na makipag-usap, makipag-heart-to-heart talk. Hindi pa ako ready. Dun siguro sa sarili ko, in my heart, kaya kong magpatawad. Kasi for my peace of mind na rin kaya tina-try ko siyang patawarin,” pahayag ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa kanyang dating asawa na si Jed Salang.


Ang approval ng divorce sa asawang si Jed Salang ang isa sa sinasabi ni Ai-Ai delas Alas na pasabog niya para sa taong 2014.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Comedy Concert Queen sa bahay nito nung Huwebes, January 16, inilahad nitong nalaman daw niya mula sa kanyang father-in-law ang balitang divorced na siya kay Jed.

Kuwento niya, “Tinext ako ng father-in-law ko na okey na, nasa website na ng Las Vegas County.

“So, ‘ayun approved na yung decree ng divorce.

Dagdag pa niyang pahayag, “Mixed emotions ang nararamdaman ko nun siyempre.

“Masaya ako, kasi ito na yung closure nung pag-aasawa ko.

"Pero siyempre may certain sadness dun sa puso ko.

“Wala namang babaeng gustong diborsyada siya, hiwalay.

“Siyempre, lahat ng babaeng nag-asawa, ang goal niyan e matagal ang magiging mag-asawa nila, matagal yung magiging pagsasama nila.

“But in my case siyempre, yung aking desisyon ko naman na ayoko na, hindi ko na kaya.”

Nilinaw na rin ni Ai-Ai na si Jed ang nag-file ng divorce dahil hindi naman siya puwede, gawa nang hindi naman siya ang American citizen.

Kasabay ng divorce ay tapos na rin daw ang kasong isinampa niya rito, pati ang Permanent Protection Order (PPO) na iginawad sa kanya ng korte.

“Kapalit nun, tapos na parang ida-drop na yung case. Pati yung PPO, wala na.

“Kaya lang hindi puwedeng i-discuss unless tapos na yung divorce,” paliwanag ni Ai-Ai.

“Mabuting ang mga abugado ko na lang ang tanungin tungkol diyan, mas alam yun nina Fortun,” banggit pa niya, at ang tinutukoy niya ay si Attorney Raymond Fortun.

Diretsahang sinabi ni Ai-Ai na ayaw niya muna talagang makipagrelasyon sa ngayon.

“Siguro date. Pero relationship, huwag muna. Dapat mas maingat na ngayon.

“Pero naka-focus ako kasi ngayon sa career,” napapangiti niyang sagot sa PEP.

FORGIVENESS. Kasabay ng divorce ay nais na rin ni Ai-Ai na tuluyan na niyang mapatawad si Jed pati ang mga babaeng na-involve sa kanilang hiwalayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit hindi pa raw sila humihingi ng tawad ay tinuturuan na raw niya ang sariling patawarin silang lahat.

"I’m praying na mapatawad ko siya, sila—meaning yung mga babaeng na-involve sa kanya during our time.

“Isa sila sa sumira at nakasira nung relasyon. Isa sila sa dapat kong ipagpatawad sa puso ko."

Pero hindi pa raw siya handang kausapin ang dating asawa para mapanatili man lang sana ang pagkakaibigan.

Sabi niya, “Hindi ko siya kayang maging friend pa.

“Hindi pa ako ready na makipag-usap, makipag-heart-to-heart talk.

"Hindi pa ako ready.

“Dun siguro sa sarili ko, in my heart, kaya kong magpatawad.

"Kasi for my peace of mind na rin kaya tina-try ko siyang patawarin.”

Ilang beses na raw nagpahiwatig si Jed na makipag-ayos pero tumanggi si Ai-Ai.

“Noon pa, sa Amerika pa lang, nung pumunta ako, nagpahatid na siya dun sa bestfriend ko, na sana maging friends kami.

“E, sinabi ko, hindi na ngayon.

"Siguro after five years, hindi natin alam, di ba? Depende.”

Hindi rin nagtangkang pumunta ni Jed sa lamay nung namatay ang biological mother ni Ai-Ai.

Binanggit ng komedyante noon na welcome lang sa lamay ang kanyang father-in-law.

Doon lang daw siya nakipag-communicate sa ama ni Jed dahil hanggang ngayon ay malaki raw ang kanyang paggalang dito.

“My father-in-law is a very decent man.

“I think isa yun sa dahilan bakit tinuloy ko pa or bakit ako nakisama pa ako kay Jed, nagtiis ako.

“Kasi mabait yung father-in-law ko sa akin,” pagtatapat ni Ai-Ai.

NEW TRIAL. Ngayon ay may bagong pinagdadaanan na naman si Ai-Ai.

Sa susunod na linggo ay ipapasok na niya sa hospital ang kanyang 86-year-old adoptive mother na si Justa.

Hindi na niya idinetalye kung ano ang karamdaman nito, pero maaaring operahan daw kaya pinaghahandaan na niya ito sa ngayon.

“Utang ko sa kanya yung napaaral niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Utang ko sa kanya yung napunta ako dito sa Maynila.

“Kumbaga marami akong utang na loob dun sa nanay ko.”

Pinipigilan ng komedyanang umiyak nang sinabi niyang patuloy lang siya sa pagdarasal na makaya niya itong bagong pinagdadaanan niya sa buhay.

“Dasal, prayers, believing in God.

“Meron Siyang malaking plano for me.

“And yung plano Niya siguro, kailangan lahat ito dadaanan ko.

“Para pag binigay Niya yung planong yun, ano pa rin ako, humble.

"Hindi ako magbabago, matibay,” maluha-luha niyang pahayag.

SUPPORT SYSTEM. Nagpapasalamat si Ai-Ai dahil nandiyan ang mga anak niya na nagbibigay rin ng lakas sa kanya.

Nandiyan din ang mga malalapit na kaibigan na hindi siya pinababayaan.

Pagdating sa kaibigan, napunta ang usapan namin sa napabalitang tampo niya kay Kris Aquino.

Saad niya, “About Kris, promise ko that hindi ako magsasalita ng kahit ano about sa kanya, anything.

“Any questions about Kris, anything, no, wala akong…

"No comment ako now and forever. Amen.”

Pero napangiti siya nang tinanong namin si Vic Sotto sa kanya.

Sinabi kasi ni Bossing Vic na in-exaggerate lang daw ni Ai-Ai na nagbigay ang Eat Bulaga host ng abuloy na kalahating milyong piso sa lamay ng kanyang biological mom.

“Natawa naman ako dun.

"Sabi ko sa kanya, ‘Huwag mong i-deny,’” natawa niyang sagot sa amin.

“Si Bossing naman, mahal na mahal ako nun, and mahal na mahal ko yun.

"Sobrang pagmamahal at respeto ko dun."

Natatawa pa niyang pahayag; “Hindi ko alam na ganun kalalim ang pagmamahal sa akin ni Bossing.

"Kasi ganun din kalalim ang pagmamahal ko sa kanya, e.

“Pero, kasi hindi naman ano yun… Ang lalaki, hindi naman vocal na ganyan.

“So, nagugulat ako pag sinasabi niya sa akin na mahal niya ako, na walang, kumbaga, pagmamahal na...

"Alam mo na although maganda ako, na hindi naman natin masisisi kung magkagusto siya sa akin, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pagmamahal na walang malisya!” nakangiting sabi ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN