Kristoffer Martin posts Instagram appeal for help in tracking down drunk hit-and-run driver

Kristoffer Martin narrates some details about the hit-and-run incident he got involved in earlier this morning, Saturday, January 18: “Lasing po yung driver. Tinakbuhan ako nang isang beses tapos hinabol ko. Tapos nung nahabol ko, ayaw bumaba ng sasakyan. Pinilit ko pang bumaba siya. Paglabas niya amoy na agad na alak. Tapos tinanong ko kung lasing siya. Ang sabi sa ’kin, ‘Baka ikaw yung lasing.’ Sabi ko hindi ako umiinom. Sagot niya bigla, '


Humingi ng tulong si Kristoffer Martin, sa pamamagitan ng social media, upang mahanap ang nakabangga sa kanyang sasakyan kaninang madaling araw, January 18.

Sa photo-sharing site na Instagram, nag-post si Kristoffer ng larawan ng sasakyang nakabangga sa kanya, na isang violet na Toyota RAV 4 na may plate number na WTM 898.

Sa caption ng larawan, inilahad ni Kristoffer ang insidente sa pagitan niya at ng di pa nakikilalang driver ng sasakyang kanyang nai-post.

Kuwento ng young Kapuso actor, “Ito po yung sasakyang nanghit-and-run sa ’kin kaninang 12:40am.

“Lasing po yung driver. Tinakbuhan ako nang isang beses tapos hinabol ko.

“Tapos nung nahabol ko, ayaw bumaba ng sasakyan. Pinilit ko pang bumaba siya.

“Paglabas niya amoy na agad na alak.

“Tapos tinanong ko kung lasing siya. Ang sabi sa ’kin, ‘Baka ikaw yung lasing.’ Sabi ko hindi ako umiinom.

“Sagot niya bigla, ’Di rin ako umiinom,’ hanggang sa tumaas na nang tumaas yung tension.

“Ilang beses niyang sinabi na, ’Uupakan kita pag di ka umalis,’ tapos sabi ko magtatawag ako ng police.

“Sumakay [siya] ng sasakyan tapos sabi, ’Habulin mo muna ako gago!’ so proven na lasing nga talaga siya.

“Tapos may tumulong sa ’kin na tricycle driver, kinausap ko lang yung driver biglang umalis na yung RAV 4.

“Sa makakakita sa sasakyang ’to o sa may kakilala man, pakisabi naman sa ’kin. Salamat po.”

Sa pamamagitan ng GMA Corporate Communications, inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang naging damage ng sasakyan ni Kristoffer na dulot ng insidente.

Sa kanyang reply sa pamamagitan ng text message, sinabi ng lead actor ng Paraiso Ko’y Ikaw, “Madaming gasgas at dents from 2nd door to rear bumper.”

Naganap daw ang insidente habang pauwi siya sa kanilang bahay.

Sa detalyeng ibinigay naman ng manager ni Kristoffer na si John Fontanilla, naganap ang insidente sa Eusebio Street, Pasig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang Honda City na may kulay na urban titanium ang sasakyan ni Kristoffer.

Sabi pa ni John sa pamamagitan ng text message, "Nag-post lang si Ton [palayaw ni Kristoffer] ng details sa Twitter, then may tumulong na hanapin sa Internet."

Mula sa tumulong na ito sa Internet ay nakita niya ang aktuwal na kulay at itsura ng sasakyang nagmamay-ari ng plakang nai-post niya.

Nai-report na raw ni Kristoffer ang insidente sa pulisya.

Bukas naman ang PEP para ilathala ang panig ng may-ari ng sasakyang idinidiin ni Kristoffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN