Geoff Eigenmann on tackling gay roles: “I’m open to it.”

Malalim ang paliwanag ni Geoff Eigenmann kung bakit wala siyang alinlangan na gumanap bilang bakla sakaling bigyan siya ng pagkakataon: "Kasi, dito sa atin sa Pilipinas, it’s always been accepted. MHL [My Husband’s Lover] brought in a new topic to talk about, new ground to tackle. So, hopefully we can dig deeper into the third sex and how they live dito sa society natin and all that. It’s good to find out where their lives really g


Maganda ang pasok ng taong 2014 para sa Kapuso leading man na si Geoff Eigenmann.

Lalo pa nga raw at kasalukuyan pa ring umeere ang kanyang primetime series na Adarna.


Nasa taping nga siya ng Adarna nang makausap si Geoff ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, January 11, sa West Fairview.

Ayon sa kanya, “So far so good, maganda ang pasok ng 2014."

Kababalik lang ng aktor sa telebisyon pagkatapos ng halos pitong buwang pagkawala sa sirkulasyon.

Pagmumuni niya, “Right before 2013 ended, balik-trabaho ’ko.

"Working New Year, so sana, tuluy-tuloy. Hindi parang 2013.”

Bukod sa pagiging leading man, may mga gusto pa ba siyang gawin para mas maipakita ang kakayahan niyang talaga bilang isang aktor?

Ayon kay Geoff, “Well, hindi naman necessarily to prove.

"Pero, in a way, medyo naging may pagka-typecast ang nangyari sa akin and all that.

"So, I’m looking for challenge rin and I’ve lost weight, nag-a-adjust.

“Tingin ko, marami pa rin akong puwedeng patunayan for myself.”

Dugtong pa niya, “Gusto ko rin ng kontrabida, action. Do something else.”

Magpapaka-daring na siya?

Nangiting sagot naman ni Geoff, “Not necessarily daring. But I’d like to play gay roles too.”

READY FOR GAY ROLES. Dahil nabanggit ni Geoff na gusto niyang gumanap ng gay role, naitanong namin sa kanya kung na-inspire ba siya sa My Husband’s Lover (MHL) na pinagbidahan ng girlfriend niyang si Carla Abellana.

Paliwanag ni Geoff, “Hindi naman, but it’s always been... kasi, dito sa atin sa Pilipinas, it’s always been accepted.


"MHL brought in a new topic to talk about, new ground to tackle.

"So, hopefully, we can dig deeper into the third sex and how they live dito sa society natin and all that.

"It’s good to find out where their lives really go, anong nangyayari sa life nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung hamon na intimate scenes sa gay roles, kaya niya?

Tumango si Geoff at saka sinabing, “I’m open to it.”

Sa tingin daw niya, mukhang walang ideya ang karamihan na okey siya sa mga ganoong klase ng karakter.

“Siyempre, depende rin naman kay Perry [Lansigan, his manager] ‘yan.”

ACTING AS FORM OF RELEASE. Biniro namin si Geoff kung kailangan ba nito ng maraming pera dahil parang lahat yata ay gusto nitong gawin.

Tila hindi pa siya kuntento sa leading man status na kasalukuyan niyang ini-enjoy.

“Hindi naman, I guess, I’m speaking on behalf of mga artists, itong ginagawa namin, release ‘to, e.

“Para sa amin, there are other things we hold back.

"Dito namin nilalabas.

"Kung ano ang sama ng loob, kung masaya kami, so it’s a release.

"Kumikita ka na, nakakapag-release ka pa,” natawang sabi niya.

WEDDING RUMORS. Naaliw rin si Geoff nang tanungin siya tungkol sa balita na yayayain na niya si Carla na magpakasal ngayong taon.

Sabi ni Geoff, “Last year pa yun, ah.”

Pero, may pagkakataon ba na seryosong inisip niyang mag-propose kay Carla ng kasal.

Pag-amin niya, “Oo, siyempre naman!

“I’m not getting any younger. Siyempre, naisip ko na yun.

"Pero, it’s just all about those things. Hindi pa nangyayari.

"I don’t like planning kasi. I just let things fall into place. Ayokong pinipili.”

SUKOB. Ang dalawang kapatid ni Geoff, sina Ryan at ang bunso nila na si AJ Eigenmann, ay pareho nang kasal.

Dahil siya na lang ang binata pa, posible kayang doon din nag-uugat ang kagustuhan niyang tumulad na rin sa kanyang mga kapatid?

“Hindi naman, ginagamit ko lang yun,” natatawa niyang sabi.

Sukob daw kasi kapag nagpakasal siya sa taong ito.

“AJ kasi is marrying here, dito sa Philippines. Kasi, family namin at saka family ng wife niya, dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ang nangyari sa States, civil wedding lang [sila] to make it legal.

"Then, dito is a bigger wedding, hopefully, before the end of this year.

“Tapos, sister rin ni Carla, this year,” saad niya.

Malabo pala silang magpakasal ngayong 2014?

“Malabo talaga,” diin ni Geoff.

READY FOR MARRIAGE? Tatlong taon na raw ang relasyon nila ni Carla.

Ayon kay Geoff, “Kung masaya naman, if everything is going well, everything is positive, oo, naisip ko rin [magpakasal].

"Kung sigurado ka naman na magandang bagay ang pinapasok mo.”

Wife material ba para sa kanya ang girlfriend?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman, hindi na kailangang tanungin.”

Husband material naman ba siya?

Pag-amin niya, “Yeah, sa tingin ko naman I’m ready.

"I’ve always wanted kids. Mahilig talaga ako sa mga bata.

"I guess it’s about time and the step na kailangan kong i-take is to be more responsible.

"But yeah, I’m ready.”

LOVE IS STRONGER THAN FAT. Noong tumaba siya, naisip ba niya na baka hindi na siya makabalik sa mga leading man characters niya?

“No, hindi ko naisip yun, hindi talaga,” saad niya.

Dugtong din niya, “But, of course, kaya ako nagpapayat dahil ayokong umabot sa puntong yun.

"I’m just glad it didn’t reach that point.”

Naisip ba niyang baka iwan siya ni Carla?

“Yun ang never talaga. It never even crossed my mind,” nakangiting sagot niya.

Ganoon siya ka-confident talaga?

“Of course, kahit umabot pa ’ko ng 300 pounds,” natatawa niyang sabi.

CLEAN, WHOLESOME IMAGE. Base sa kanyang maamong mukha at disenteng hitsura, di nakapagtataka kung bakit nabansagan si Geoff bilang “goody-goody” na tipong lalaki.

May topak din ba siya, gaya ng ibang normal na tao?

Natatawa niyang pag-amin, “Oo naman, meron, siyempre meron din.”

Palagi lang kasi siyang nakangiti, palaging guwapo.

Natawa ito at sinabing, “Siyempre, it’s part of the job.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman to put up a front, but to be a role model especially with kids.

"Lalo na sa show na ‘to [Adarna}, they look up to us.

“So, dapat presentable ka. Wala silang masamang masasabi about you.

"So, I guess, in a way, you can say, nice. But, never ako na...

"Well, hindi ko gusto yung nambabastos ng mga tao unless they do something bad to me.

“Pero, kung clean slate naman for nothing, there’s no reason na mag-ugali or mag-a-attitude.”

Nag-drugs ba ito?

“Lahat naman yata ng tao, pinagdaanan, sinubukan. One way or the other.

"I’ve been exposed to it but I made it a point na hindi ako maapektuhan.

"Trabaho, personal life ko.

“I guess, growing up also, nakita ko ang dinaanan ng mga magulang namin.

"And yung extent na kung ano ang nangyari sa kanila before.

“Especially with my uncle mismo, naaksidente siya, ilang beses na-hospital.

"So, ako, hindi ako umabot sa ganun.

“I think, it’s a good thing that we learned from our parents,” pagpapasalamat niya.

Pahabol pa niya, “Ang problema ko lang talaga, nagge-gain ako ng weight.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN