Dennis Trillo weighs pros and cons of having a sequel to My Husband’s Lover

Dennis Trillo: “Sa totoo lang, maganda kung iba pero maganda rin naman yung team-up namin ni Tom. Kaya kung magkakaroon ng Part 2 or Book 2 yung My Husband’s Lover, why not, di ba? Siyempre maganda kung iba naman [ang role], ako personally kung ako ang tatanungin, nagsasawa na rin sa napapanood ko sa TV. Gusto kong iba-ibahin ang mga projects na ginagawa ko para di rin magsawa ang mga tao sa akin.”


Pagkatapos ng mga kontrobersiya at intrigang kinasangkutan ni Dennis Trillo dahil sa past relationships nito sa mga kapwa artista, mas pipiliin na raw niya na isang non-showbiz girl ang magiging next girlfriend niya.

Ito ang pahayag ng aktor sa phone interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong nakaraang Huwebes, January 16.

Ang mga aktres na sina Carlene Aguilar, Cristine Reyes, Jennylyn Mercado, at Bianca King ang naging karelasyon ni Dennis mula nung pumasok siya sa showbiz.

Paliwanag ni Dennis, “Para sa akin, bilang isang artista at base sa mga naging experience ko dati, palagay ko mas makakabuti kung non-showbiz siguro.

“Di naman ako nagmamadali. Tulad ng sinabi ko, maraming magandang proyekto na naghihintay ngayong taon, so dun muna ako magpu-focus talaga.

“Trabaho, pamilya, kaunting oras sa mga kaibigan. Pero ngayon, pamilya talaga.”

QUIET, FOCUSED. Sa ngayon ay walang girlfriend ang aktor.

Ayon kay Dennis, halos hindi nabakante ang lovelife niya mula nang pumasok siya sa industriya.

“Sa ngayon tahimik, mas maganda na rin yun.

"Wala akong pinagkakaabalahan na lovelife [kaya] mas nakakapagpokus ako sa mga bagay na dapat i-prioritize ko.

“Simula nung pumasok ako ng showbiz, medyo di tayo nabakante sa lovelife.

“Ngayon naging focused ako, napakaganda naman ng nangyari.

"Kaya pipiliin ko muna siguro na i-maintain ng ganito, ayoko munang pilitin hangga’t wala pa talaga yung tamang para sa akin,” dagdag pa niya.

TOM-DEN STAYING POWER. Mainit na tinanggap ng publiko ang team-up nila ni Tom Rodriguez sa seryeng My Husband’s Lover.

Bukas naman siya sa ideyang magkakaroon ng Book 2 ang pinagbidahang serye.

Pero aminado si Dennis na mas gusto niya kung iba at di siya nakatali sa isang role lang.

“Sa totoo lang, maganda kung iba. Pero maganda rin naman yung teamup namin ni Tom, kaya kung magkakaroon ng Part 2 or Book 2 yung My Husband’s Lover, why not, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang ngayon wala pa akong idea sa kung ano ang mangyayari sa akin.

"Pero nakakaramdam ako na maganda ang susunod na pangitain.

“Siyempre maganda kung iba naman [na role]. Ako, personally, kung ako ang tatanungin, nagsasawa na rin sa napapanood ko sa TV.

"Gusto kong iba-ibahin ang mga projects na ginagawa ko para di rin magsawa ang mga tao sa akin,” paliwanag pa niya.

Bilang patunay na talagang mainit ang pagtanggap sa Tom-Den loveteam, hindi halos mahulugang karayom ang bumili ng kanilang TomDen album sa SM Pampanga, kung saan nagkaroon sila ng mall show bago nangyari ang phone interview na ito.

Masaya niyang kuwento, “Actually, galing ako sa mall show namin, sa SM Pampanga.

"Akala namin, medyo nag-lie low na ang mga sumusuporta sa Tom-Den.

"Pero pagdating namin dun, talagang di mahulugan ng karayom yung lugar, kasi punung-puno talaga ng tao.

“Kami ni Tom talagang nanibago kami, dahil galing kami pareho sa bakasyon. Itong week na ito ang unang trabaho namin para sa taon, kaya medyo nanibago dahil parang na-miss nila kami.

“Talagang napakaraming tao, sobrang ang sarap lang mag-perform na ganun kasabik ang mga audience.

"Napakasarap ng pakiramdam na ang dami pa ring nagmamahal pagkatapos ng My Husband’s Lover.

“Yun nga, na-late kami ng uwi kanina dahil sa sobrang dami naming pinirmahang CDs, dahil lahat ng bumili ay gustong papirmahan yung mga binili nila bilang remembrance.

“Kami naman talagang natuwa dahil ang daming bumili. Akala namin walang bibili, e. Kanina, ang dami pa rin.

"In-advise ng management na malapit na kasing magsara yung mall kaya binilisan namin.”

BRIGHT PROSPECTS. Napakasuwerteng taon kung ilarawan ni Dennis ang 2013.

Nakikita din niya na magiging maganda rin ang 2014 at ang susunod pang taon para sa kanya.

“Napakasuwerte itong 2013, para akong nabuhayan uli, hindi lang sa career kundi buong buhay ko talaga.

“Kumbaga naiba ang lahat dahil siyempre sa success ng My Husband’s Lover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro na-apply ko lahat ng natutunan ko, naging effective siya kaya naging mapalad ang taon sa awa ng Diyos.

“Base sa aking horoscope, magiging napakasuwerte ng 2014 and 2015 sa akin. Goat kasi ako, Year of the Ram.

"Medyo confidential pa, pero maraming magagandang mangyayari ngayong darating na taon,” masaya pa niyang balita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN