Rochelle Pangilinan predicts Marian and Dingdong to wed first before her and boyfriend Arthur Solinap

Rochelle Pangilinan says she and Marian Rivera joke about being future cousins-in-law. Their boyfriends, Dingdong Dantes and Arthur Solinap, are cousins. She says, “Sa biruan, nag-uusap-usap kami nang ganun. Basta merong mauuna. Hindi naman puwedeng sabay." And her guess is that Marian and Dingdong will wed first.


Bilang isang kontrabida muli kay Marian Rivera ang karakter na gagampanan ni Rochelle Pangilinan sa pinakabagong primetime serye ng GMA-7 na magsisimulang mapanood sa January 27, ang Carmela.

“Scheming girlfriend” ni Raymond Bagatsing ang deskripsiyon ng karakter ni Rochelle sa bago nilang serye.

Pinaghandaan daw niyang talaga ang pagsabak muli sa drama, lalo na sa aspeto ng pisikal.

“Grabe ‘tong pagdyi-gym. E, kasi nag-Pasko.

"Hindi ko alam kay Marian kung bakit hindi siya tumaba, e,” natawang sabi niya.

May pumuna naman sa kanya na hindi naman daw siya mataba, sexy naman.

“Dapat akong magpa-slim pa. Kasi, malaman ako. Mataba ako sa TV,” saad niya.

LIGHT CHARACTER ACTING. Kung titingnan naman daw ni Rochelle, mukhang mas matindi pa rin ang mga pinaggagawa niya noon sa Amaya kaysa sa mga gagawin niya ngayon sa Carmela.

Unang nagkontrabida si Rochelle kay Marian sa epicseryeng Amaya bilang Bai Marikit.

Katuwiran nga ni Rochelle, “I think, iba naman yun. Iba yun, e. Grabe yun…

"Although, doon kasi, ang nanay ko isang masama. Palagi ko siyang kasama hanggang sa naloka ’ko ro’n.

“Ewan ko ‘to kung saan pupunta ang story nito [Carmela]. Pero, tingin ko naman, ila-light nang konti ang pagiging kontrabida ko rito.

“Parang masyadong metikulosa si Direk Dom [Dominic Zapata]. So, iba naman yung atake niya ngayon dito.”

Dugtong pa niya, “Girlfriend ako ni Raymond dito at magkakagusto siya kay Marian Rivera.

"Ano ba ang normal na nararamdaman ng isang legal girlfriend sa isang napadaan lang naman. Maybe ganun,” ang natatawang sabi niya.

BOYFRIEND AS PEG. Parang feel na feel niya ang karakter niya kaya naitanong namin kay Rochelle kung naire-relate ba niya ito sa totoong buhay niya.

“Kailangan,” mabilis namang sagot ng dating Sex Bomb Dancer.

Ayon kay Rochelle, ang boyfriend niyang si Arthur Solinap daw ang iniisip niya kapag kailangang ipakita ng karakter ang matinding pagmamahal sa kalaguyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan kong ilagay sa kanya [Raymond] si Arthur. Sinasalin ko talaga.

"Actually, noong nag-pictorial kami, inilalagay ko talaga sa kanya na siya si Art, siya si Art.

“Ang tawag ko sa kanya, boyfriend. Sinasanay ko na ang sarili ko para pagdating sa eksena, maging swak na kami sa lahat.

"Mararamdaman yun ng manonood, e. Kung malayo kami.

"Kaya kailangan [mapalabas namin] na close na close kami at matagal na kaming magdyowa.”

Ano ang sinasabi ni Raymond kapag tinatawag niya itong boyfriend?

“Natatawa lang," nakangiting tugon ni Rochelle.

Hindi pa raw alam ni Rochelle kung may love scene sila ni Raymond sa Carmela. Pero kung meron man, okey lang naman daw sa kanya.


FUTURE COUSINS-IN-LAW. Muling naitanong kay Rochelle kung kailan sila magpapakasal ng boyfriend.

Sagot niya, “Naku, matagal pa. Kapag nag-propose. Come what may naman kami ni Art, e.”

Kung magpu-propose si Arthur sa kanya, "oo" ba agad siya?

“Siyempre, hindi naman ako magtatagal sa kanya nang ilang taon kung sasabihin ko lang sa kanya bandang huli ng hindi.

"Ano ‘to, lokohan?,” natatawang sabi ni Rochelle.

Kapag nagkakakuwentuhan sila ni Marian, napag-uusapan ba nila na posibleng maging “cousins-in-law” sila in the future?

Pinsan ng boyfriend ni Rochelle ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.

“Sa biruan, nag-uusap-usap kami nang ganun. Basta merong mauuna. Hindi naman puwedeng sabay.

"Basta kapag nabuntis, dapat sabay. Sana same year, para magkalaro sila.

“Kami, nagtsitsikahan lang, sila [mga anak], naglalaro.

“Yung mga ganoong pangarap, pangarap lang naman. Wala namang masamang mangarap.

"Kaming tatlo, pati si Luanne Dy.”

Ang pinsan din nina Arthur at Dingdong na si Carlo Gonzalez ang boyfriend naman ni Luanne.

Sa palagay niya, sino kaya sa kanilang tatlong pares ang posibleng mauunang magpapakasal?

“Feeling ko, si Yan at saka si Dong,” mabilis niyang sagot.

Pero bawi niya rin, “Although, hindi ko rin masasabi. Baka si Carlo at saka si Luanne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, feeling ko, mauuna si Yan-Yan.”

Bakit ganoon ang pakiramdam niya?

“E, kasi iba... Ang tagal mag-propose ni Art, e,” natawang sabi niya.

Puwedeng isipin sa naging pahayag niya na baka nag-propose na nga si Dingdong kay Marian.

“Ay, hindi ako sure. Hindi ko pa alam ‘yan. Si Marian ang makakasagot niyan,” natatawang sabi na lang niya.

ON FORMER MANAGER. Naitanong din kay Rochelle ang tungkol sa naging isyu bago magtapos ang taong 2013 sa dati niyang manager na si Joy Cancio.

Pero, simula nang mabalita na diumano’y isinugod sa ospital si Joy, wala pa raw siyang nagiging komunikasyon sa dating manager noong siya ay miyembro pa ng Sex Bomb Dancers.

Read: Rochelle Pangilinan and SexBomb dancers deny rumors of a suicide attempt by talent manager Joy Cancio

Ayon kay Rochelle, “Actually, nabalitaan ko yun. Pero, hindi naman siya sumasagot sa mga tawag ko.

“Nagri-ring naman, kaso, dedma. Hindi ko rin naman alam kung nasa kanya pa ang phone or hawak pa ba niya ang phone.

"Feeling ko, baka wala sa kanya. Kasi, hindi yun makakatiis kung makikita niya ang mga pangalan na tumatawag sa kanya.

“Feeling ko, may mga nag-decide sa paligid niya na ‘Wag muna sa ‘yo ang phone mo.’ Baka ganun. Naisip ko lang naman po.

"Kaya ako, ayoko rin sumagot sa mga tanong n’yo, kasi hindi ko naman siya nakausap. Wala rin naman akong masasagot."

Ang nakita raw niya ay ang anak na bunso ni Joy na si Jiro.

“Nakita ko siya rito [sa GMA]. Sabi ko, ’Kamusta na ang mommy mo?’

"Sabi naman niya, ’Okey naman.’

"So, sabi ko, ’Good!’ Hindi na ’ko nagtanong pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN