Robin Nievera on parents Martin Nievera and Pops Fernandez: “They’re still friends. That’s going to be a good thing, di ba?”

Robin Nievera on the lasting friendship between parents Martin Nievera and Pops Fernandez: “Before they were a couple and before they got married, they were friends. In any relationship, if you guys are friends first even after the marriage, the rough times will always come, but in the end you’re still friends.”


Mas malinaw na raw ang mga plano ni Robin Nievera tungkol sa mga magiging kaganapan sa kanyang singing career ngayong 2014.

Ayon sa panganay na anak ng Concert King and Queen na sina Martin Nievera at Pops Fernandez, ginugugol daw niya ang kanyang mga oras sa pag-iisip at pagpaplano kung ano ang mga isusunod niyang mga hakbang sa mga nagawa niya noong nakaraang taon.

Sabi pa ng mang-aawit, “For 2014, I’m trying to do a lot of things, music-oriented, Internet-oriented, and out of music-oriented.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin sa presscon ng bagong bukas na music bar, ang The Crowd, nung Lunes, January 13.

Isa si Robin sa mga artist na magpi-perform every week sa nabanggit na music bar na matatagpuan sa Madison Square, Pioneer St., Mandaluyong City. Doon din ginawa ang presscon.

WORKING ON THIRD ALBUM. Paliwanag ni Robin sa mga tinutukoy niyang projects, “With my music-oriented plans, I’m trying to release my third album.

"I’m starting a new band but it’s going to be an independent release.

“Because at the end of this month, I won’t be with PolyEast Records anymore.

"My contract is expiring and I don’t think they’ll be renewing me.

“I won’t get a record label. I wanna do it on my own, parang independently. I wanna know how it works.

“I did that before.

"My first album was released under a record label. My second album was released by myself.

"And the third album nga is going to be with a band and then I’ll release it myself again.”

“So, I’m going to do an album with friends, and we’re going to promote it as a band, not just Robin Nievera.

“I don’t know the name yet [of the band]. So, we’re going to do a third album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully it will come out in June and be released online.

Paliwanag niya sa pagri-release ng gagawing digital album, “Kasi yung logic ko, people download music anyway—even my first album.

"Royalties are very slow in this country.

“Although I wrote all the songs and produced it, parang it’s like I won’t earn from it as much as I would initially expect.

“As a consumer for music, I want my music to be free.

"Parang I’m trying to beat piracy per se by just giving it away myself. I don’t know how I’m gonna do it yet.

“But my second album, which I also released for free online, it obviously did better because I gave it away for free.”

Ang unang album daw ni Robin ay medyo rock-oriented na musika. Malayo sa ikalawa niyang album na tila mas mahinahon naman.

Ang gagawin niyang bagong album ay nasa gitna raw ng dalawa niyang naunang album.

Paano ba niya idi-describe ang genre ng kanyang original music?

“I don’t have a genre. I love music.

"I love listening to old, old music—blues, country, anything with the guitar. I like playing guitar.

"I don’t like listening to a lot of Broadway. I love Broadway, like, in my car. But it’s not in my iPod.

"In my iPod there’s rock, a little bit of Justin Timberlake. It’s mixes.

“So, the third album will be fun. Me, not trying to be a rock star or a singer-songwriter. It’s going to be fun.”

OTHER BUSINESS VENTURES. Pagdating naman sa sinasabi niyang plano na walang kinalaman sa musika, plano raw ni Robin na magtayo ng bottled water at mobile fast food business.

Kasalukuyang nasa real state din daw siya kung saan nagbebenta siya ng mga condos at house and lot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga ito ang mga naiisip ni Robin sa taong ito para mas maging productive daw siya.

Umaasa si Robin na hindi na siya hihiram ng pera sa kanyang mga magulang para lang mabigyang-katuparan ang mga pangarap niya.

Pagmamalaki niya, “I don’t wanna keep borrowing money naman from my parents.

"There were times siyempre when I was much younger, oo. But that wasn’t for business naman. For going out lang.”

Nilinaw ni Robin na hindi pa siya mag-aasawa kaya siya nag-iisip na ng seguridad sa kanyang kinabukasan.

“Not there yet,” paglinaw niya.

“The level where I’m at now is, I just wanna be me.

"No family yet, that’s far pa from me.

"I just want something I can hold and call mine, be it in the music industry or corporate, whatever.”

NO TO ACTING. Hindi ba niya naisipang tumawid sa acting naman?

Natawa si Robin sa tanong at umaming, “I don’t like, e. Dancing and acting I don’t like.

"Hosting I can do. I still do every now and then sa Viva TV. Yung Daily Top Ten show nila.

“Their main host is Sam Pinto. Minsan, if she doesn’t make it, they call me. So, that’s not regular naman.

“I’m okay naman sa hosting, but my Tagalog is really bad. So, that is why they don’t call me every time.

“Acting talaga I never liked it. I like watching pero doing it, I don’t like.”

Maging ang kanyang mga magulang ay hindi talaga naging full-time sa acting.



ON POPS AND MARTIN. Samantala, kinumusta naman namin ang relationship ng kanyang Mommy Pops at Daddy Martin.

Napangiti si Robin at nagsabing, “They’re friends.”

Patuloy niya, “They’re still friends. That’s going to be a good thing, di ba?”

Ginawan ba nila ng kapatid niyang si Ram ng paraan para maging friends ang kanilang mga magulang, o kusa na lang naging magkaibigan sina Pops at Martin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You saw them, I wasn’t there during the start of their careers, di ba?" sagot naman ni Robin.

“But before they were a couple and before they got married, they were friends.

“In any relationship, if you guys are friends first, even after the marriage, the rough times will always come. But in the end you’re still friends.”

Kinumusta kay Robin ang kanyang inang Concert Queen na si Pops.

Sagot ni Robin, masaya raw ito sa kabila ng pagiging loveless.

Sinasabi ba ni Robin sa mommy niya na puwede na itong magkaroon ng makakasama sa buhay ulit?

Napangiti ang 27-year-old musician at saka nagsalita, “Both my parents they wanna get married… I know that.

"That’s the last I heard. But I haven’t spoken to them [about the subject].

“When I say that, I say that years ago, they told me that.

"The last time, I know they didn’t wanna get married.”

Payag ba naman sila ni Ram na magpakasal ang kanilang parents sa kani-kanilang partners?

“Well, I am. It’s their life. I’m not twelve [years old] anymore.”

Sa sariling lovelife naman, may girlfriend daw si Robin ngayon pero hindi pa nila napag-uusapan ang kasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN