Kris Lawrence wishes for a baby boy this year

Kris Lawrence on baby number two: “Boy! Para may magdadala ng pangalan ko kasi ako yung last na boy sa family, para may magpapatuloy ng lahi namin... Para may Little Kris Lawrence."


Lucky charm daw nina Kris Lawrence at Katrina Halili ang kanilang baby girl na si Katrence.

Simula raw nung dumating sa buhay nila ang kanilang very cute at bibang-bibang baby ay mas sinuwerte sila at nabiyayaan pa ng mas maraming trabaho.

Ito ang kuwento ni Kris Lawrence nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa GMA Annex Studio 7.

Pahayag niya, “Since pinanganak kasi si Katrence, mas dumami na yung mga projects ko.

"Hindi ako nawawalan ng projects kaya nga super blessed ako nung 2013, and this 2014, sobrang dami pa rin ng mga projects ko.

“Even si Kat, sunud-sunod din ang trabaho and sobrang saya talaga namin.

“Like ako this 2014, I have a new album para sa mga loyal supporters ko at sa lahat ng may gusto ng music ko.

“And then, new look, para this year ibang Kris Lawrence naman ang mapapanood nila.

"Mas maganda kasi na may maiiba sa ’yo para may aabangan sa ’yo ang mga fans mo.

“’Tapos, more concerts here and abroad.

“Sa February 4, may concert kami ni Jay-R, yung Soul Brothers, back-to-back concert namin sa Music Museum."

KATRENCE’S TALKING STREAK. Tungkol naman sa kanyang baby girl, tuwang-tuwang nagbida ang ama.

“She’s more active [Katrence], mas talkative siya, she understands things more.

"When you make her laugh, tatawa talaga siya.

"She knows her papa and she knows her mama.

“Marami na rin siyang nababanggit na salita and that makes us happy, kasi ang bilis na niyang magsalita.

“Like, ilan sa mga nababanggit na niyang words ay ’gaga, papa, mama,’ and a lot more.

“She’s so talkative. Nakakatuwa kasi nakakausap na namin siya.

"Nakakawala talaga ng pagod, especially, kapag galing akong trabaho tapos sasalubong siya.

"Iba yung feeling, sobrang happy."

How about another baby this year?

“Wow, nice! Ang ganda ng tanong!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ayaw pa niya [Katrina]. Pero ako gusto ko na for the sake na magkalapit ang age nila.

“Pero ayaw pa muna ni Kat, kaya yun na yun. Ha-ha-ha!” natatawang pag-amin ni Kris.

So, ngayon hindi muna?

“I don’t know, depende kay Kat if gugustuhin niya.

“Lahat-lahat nga ng friends namin nagsasabi na, ’If you guys are really planning to have another baby, ngayon na yun!’

“Dapat ngayon na daw, kasi mahirap na kapag three years yung gap, maganda kung magkalapit sila.

“Pero sabi ni Kat sa akin, ’wag na daw muna ngayon."

KRIS WANTS A BABY BOY. Kung sakali ngang puwede nang sundan si Katrence, ano ang gusto ni Kris: babae ba ulit or lalaki naman?

“Boy! Para may magdadala ng pangalan ko.

"Kasi ako yung last na boy sa family, para may magpapatuloy ng lahi namin.

“May girl na kasi kami, so sana this time, if magkaka-baby kami ulit ni Kat, gusto ko boy para may Little Kris Lawrence.

“Pero sa akin naman, whatever. Kung ano ang ibigay sa amin ni Kat—boy or girl—okey lang naman. Basta healthy at okey yung baby.

“Pero given a chance to choose, mas gusto ko talaga ang boy,” pagtatapos ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN