Claudine Barretto expresses anger toward "lawyers" on Twitter; calls them "abusado na, bastos pa!"

Nitong nakaraang linggo, may mga taong pinaringgan si Claudine Barretto sa kanyang Twitter. Hindi ito gaanong nagbigay ng detalye pero mahihinuhang patungkol ito sa ongoing feud niya sa estranged husband na si Raymart Santiago.


Noong Biyernes, January 17, 2014, nag-post si Claudine Barretto sa Twitter, (@itsmeclaudineb), tungkol sa pagiging "bastos at abusado" ng ilang abugado.

Aniya (published as is), “hay Sum LAWYERS sobrang Feeling talaga.Abusado na Bastos pa!”

Dahil dito, agad humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng karagdagang pahayag kay Claudine sa pamamagitan ng direct messaging (DM). At press time, wala pang sagot ang aktres.

Sumunod naming kinontak sa pamamagitan ng text messaging at DM sa Twitter account niyang @FerdieTopacio ang legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio.

Tinanong ng PEP kung siya ba ang pinaparinggan ng kanyang kliyente at kung nagkaroon ba sila ng falling out.

Itinanggi ni Atty. Topacio na siya ang tinutukoy ni Claudine.

Ayon sa kanyang text message na eksklusibong ipinadala sa PEP, "We wish to state that our office continues to represent Ms. Claudine Barretto.

"We also confirm that we have received reports of rude and uncouth behavior outside of the courtroom by a lawyer representing the other party."

Pero hindi nito binanggit kung sinong "lawyer" ang tinutukoy ng kampo nila.

Dagdag pang pahayag ni Atty. Topacio, "We shall deal with that to the fullest extent of the law.

"We want to send this clear message to the adverse party: do not mess with our client in an inappropriate manner, for we will go after you as far as the law will allow.

"As for me personally, Claudine is not only a client but a friend who I will defend ’till my last breath."

Para lubos na maunawaan ang context ng galit ni Claudine, pinadalhan din namin ng text message ang abugado ni Raymart Santiago na si Atty. Ruth Castelo, pero wala pa itong sagot. Bukas ang PEP sa magiging pahayag ng kampo ng aktor, na sa kasalukuyan ay may ongoing legal battle sa dating asawa tungkol sa kustodiya ng kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INSTAGRAM COMMENT. Samantala, matagal-tagal nang walang post sa kanyang Instagram account (@claubarretto) si Claudine.

Five weeks ago pa ang huling update nito sa naturang photo-sharing website.

Pero napukaw ang atensiyon ng mga users nang mag-comment si @claubarretto "one week ago" ng hindi magagandang salita sa account ng sinasabing sister-in-law ni Claudine.

Naghahagilap pa ang PEP ng karagdagang detalye tungkol dito.

Kinontak na rin namin ang mga taong sangkot sa isyu, at bukas ang website na ito sa anumang magiging pahayag nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN