Vilma Santos wins Best Actress award at Dhaka International Film Festival in Bangladesh

Vilma Santos-Recto and Armenian-born Iranian actor Levan Hafevan emerged as the top winners at Bangladesh’s 13th Dhaka International Film Festival.



Sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at ang Armenian-born Iranian actor na si Levan Hafevan ang top winners sa 13th Dhaka International Film Festival, ang biennial at prestigious international film festival ng Bangladesh.

“Better Film, Better Audience, Better Society” ang theme ng 13th DIFF na itinatag noong 1992 para ipakilala ang mainstream global cinema sa local film makers at i-promote ang mga pelikula ng Bangladesh.

Ginanap kahapon, January 18, ang awarding ceremonies ng 13th DIFF sa National Museum Auditorium.

Pinarangalan si Vilma bilang Best Actress para sa kanyang pagganap sa Ekstra, at tinanghal naman na Best Actor si Levan dahil sa performance nito sa Parviz.

Kalahok sa Australasian Film Section ng 13th DIFF ang Ekstra pero walang nanalo na Best Film sa 22 entries dahil walang napili ang mga hurado.

Ang mga sumusunod ang ilan sa winners ng 13th DIFF:

Best Director: Parviz Shahbazi (Trapped, Iran)

Best Screenplay: Miss Zombie (Japan)

Best Cinematography: Satellite Boy (Australia)

Best Children Film Badal Rahman Award: The Rooster Trademark Paper

Audience Award: Plastic (Iran)

Special Audience Mention Awards: Siri Perakum (Sri Lanka) and Chokhaunee (Nepal)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN