Rafael Rosell ends self-imposed vow of celibacy; happily dating non-showbiz girl

Rafael Rosell is finally putting a end to his vow of celibacy for three years: “I wanted to heal my soul. Hindi ko naman magagawang mag-heal if I get a new girlfriend or be reckless with my relationships. The journey that I took really helped me a lot—mentally, spiritually and physically."


Tinapos na ni Rafael Rosell ang kanyang self-imposed “vow of celibacy” at bumalik na siya sa pakikipag-date ulit.

Sinimulan ng Kapuso leading man ang kanyang tinatawag na “journey of life and self-discovery” noong 2011, at kasama raw nito ang kanyang desisyon na maging “celibate” para raw mas makapag-concentrate siya sa kanyang “journey.”

Ang taong celibate ay umiiwas sa anumang sexual relationship.

Kinaya raw ng aktor ang pag-abstain sa sex dahil may gusto siyang matupad na pangako sa kanyang sarili.

“It was a hard yet fulfilling journey for me.

“Akala ko na in the first few months, hindi ko magagawa.

“But it has been three years and I think I have proven something sa sarili ko.

“It was something that I have to do for that long. And now, I’m back to dating and I can really say that I missed it,” ngiti pa ni Rafael nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng The Borrowed Wife last January 14, sa GMA Network Center.

TRAUMATIZED BY LAST RELATIONSHIP. Matatandaang nasaktan nang husto si Rafael nang maghiwalay sila ni Malaya Lewandowski noong 2009.

Si Malaya ay dating singer, actress, VJ, at beauty queen.

Tatlong taon tumagal ang relasyon nila at inakala nga raw niya na si Malaya na ang babaeng makakasama niya habang buhay.

Pero bigla na lang daw nakipag-break sa kanya si Malaya na labis niyang ikinalungkot.

Kuwento niya, “Yes it was traumatic for me because she was everything to me.

“Ever since I came to the Philippines, I never became open to anyone until she came into my life.

“Kaya it was so painful for me when she left. I was like left with nothing.

“Yes, I cried over what happened. Masakit talaga.

“Since then, parang nawala ang trust ko sa mga babae.

“Akala ko kasi lahat ng babae ay pare-pareho. They would all hurt me. Ayoko na kasing masaktan pa ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s why three years akong hindi muna nagkaroon ng serious relationship and turned to celibacy.

“I wanted to heal my soul. Hindi ko naman magagawang mag-heal if I get a new girlfriend or be reckless with my relationships.

“The journey that I toook really helped me a lot—mentally, spiritually and physically.

“It enlightened every thing. By focusing on other things, mas na-appreciate ko ang buhay and I know now my worth sa mundong ito.”

DATING NON-SHOWBIZ GIRL. Isang non-showbiz girl daw ang dini-date ngayon ni Rafael.

“I started dating last November 2013 lang. So mga two months pa lang akong nakikipag-date.

“Dumadaan tayo ulit sa getting-to-know-you phase.

“Na-miss ko pala iyon. Now I am enjoying this new phase in my life,” masaya niyang saad.

RENEWED FOCUS ON WORK. Bahagi rin ng sinasabing “journey” ni Rafael ang tumutok siya sa kanyang trabaho. Nahanap naman niya iyon noong lumipat siya sa GMA-7 last year.

“Ever since I moved to GMA-7, I’ve always been busy. Hindi naman tayo nababakante. I was doing one project after the other. I did Aso Ni San Roque, Temptation of Wife, Maghihintay Pa Rin, and Genesis.

“Work lang ang naging focus ko talaga. Ngayon may variety na. I can work and I can date now at the same time,” sabi niya.

Ngayon ay nasa bagong afternoon drama series ng GMA-7 si Rafael na The Borrowed Wife, kung saan kasama niya sina Camille Prats, TJ Trinidad, at Pauleen Luna.

“The role they gave me here in The Borrowed Wife is really challenging.

“I also get to work for the first time with both Camille Prats and Pauleen Luna.

“Matagal na kaming magkakakilala pero ngayon lang kami nagkasama sa isang show.

“With Pauleen, I was able to do an indie film with her last year, yung Gaydar. Now magkasama na ulit kami and it’s really fun working with her again.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga intimate scenes nga raw siyang gagawin dito with both Pauleen and Camille. Handa na ba siya?

Ayon kay Rafael, “Basta trabaho, I am always ready.

“Yung mga scenes naman na iyon, kailangan talaga sa story. Pareho akong magkakaroon ng relationship with Camille and Pauleen sa series kaya hindi maiiwasan na may mga ganyang eksena.

“But the show will be careful naman. We’re shown in the afternoon and nakabantay ang MTRCB sa lahat ng shows, kaya parental guidance na lang sa mga batang manonood ng The Borrowed Wife.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN