Teejay Marquez’s father passes away

Pumanaw ang ama ni Teejay Marquez na si Manuel Madrilejo noong January 17, Biyernes, dahil sa stroke at ilan pang kumplikasyon sa katawan.


Nagluluksa ngayon ang Kapuso young actor na si Teejay Marquez sa pagyao ng kanyang amang si Manuel Madrilejo.

Pumanaw ang ama ni Teejay noong January 17, Biyernes, sa Quezon City General Hospital. Siya ay 45 years old.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Teejay sa burol ng kanyang ama St. Peter Memorial Chapels, sa Quezon Avenue, Quezon City, kagabi, January 19.

Lahad niya, “Ilang beses na ring labas-pasok sa hospital ang daddy ko.

“Gumagaling siya, pero after a day, may iniinda na naman siyang sakit, so kailangan namin siyang dalhin sa hospital.

“Hangang ito ngang napasok namin siya ulit dahil sa stroke.

“Akala nga namin makaka-recover na siya, kasi may mga araw na umookey siya.

“Pero sandali lang yun, tapos nakakaramdam na naman siya ng pain. Hangang sa medyo gumagrabe na.

"Sabi ng doctor, bukod daw sa stroke, nagkaroon na rin siya ng kumplikasyon, like infection sa liver, diabetes, tapos namamaga na yung pancreas niya.

“Tapos pag umiihi siya, may lumalabas daw na maliliit na bato.

“And then, meron pa siyang pneumonia—yun yung sabi sa amin ng doctor.

“Tapos nung January 17, na-cardiac arrest na siya, sini-CPR na siya kasi hindi na siya makahinga.

“Hangang yun na nga, hindi na na-revive at tulu-tuloy at iniwan na kami ng daddy ko.”

NEVER GOT A CHANCE TO BE CLOSE. Ayon pa kay Teejay, pinanghihinayangan niya ang maagang pagkawala ng kanyang ama.

“Nanghihinayang lang ako kasi hindi namin nagawang maging sobrang close, lumaki kasi ako sa lola ko.

“Kahit magkasama kasi kami sa bahay, hindi kami naging sobrang close.

“Wala akong maalalang time na nakapag-usap kami nang matagal, hanggang kumustahan lang.

“Nasanay na kami ng ganung set-up, hindi rin naman ako nagkalakas ng loob na tanungin siya kung bakit ganun, hangang sa lumaki na ako.

“Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin, alam kong mahal niya ako, pero nasanay na ako sa set-up na kumustahan lang, kaya hindi na niya nagawang kausapin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-try ako na kausapin siya, pero tanging tango lang ang isinasagot niya sa akin, tapos aalis na siya.

“Hindi ko alam kung ano ang problema.

“Alam kong alam ng daddy ko na nagtatampo ako sa kanya, pero every time na nakikita ko siya, nawawala yun, nag-e-effort ako na maging close kami.

“Pero hindi nangyari."

Patuloy niya, “Sana nga nabigyan ako ng daddy ko na maiparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.

“Pero alam ko na alam niya na mahal ko siya at alam ko din naman na sa kanyang puso, mahal niya ako at proud siya sa mga nangyayari sa akin.

“At kahit hindi siya vocal, alam kong mahal namin ang isa’t isa.

“Masakit sa akin kasi konti lang yung oras na pagpapakita namin ng pagmamahal sa isa’t isa.

“Konti lang yung oras na nagkausap kami na kahit kamustahan lang, malaking bagay na sa akin yun.”

TEEJAY’S MESSAGE. Ano naman ang mensahe niya para sa kanyang yumaong ama?

“Gusto ko lang sabihin sa kanya na salamat sa lahat-lahat.

“Dahil sa pinagdaanan natin, lalo mo akong pinatatag.

“Natuto akong lumaban sa buhay.

“Natuto akong maging mas mabuting tao.

“Natuto akong maging responsible sa lahat ng bagay.

“Di mo man naparamdam harap-harap na mahal mo ako, alam kong proud ka sa akin sa mga achievements ko, alam kong mahal na mahal mo ako.

“Thank you talaga and I love you very much and I will miss you, Dad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN