Martin Escudero on his many projects on TV5: “Weather-weather lang ‘yan.”

“Masaya pa rin kahit second choice or third choice, kahit ano pa man. At least, ikaw ang nailagay doon,” says Martin Escudero about replacing Alwyn Uytingco in TV5’s new weekly drama series, Obsession.


Tuluy-tuloy ang trabaho na ibinibigay ng TV5 sa young actor na si Martin Escudero.

Matapos ang pinagbidahan niyang weekly drama na Positive, patuloy pa ring makikita sa telebisyon ang 23-year-old actor sa pamamagitan ng bagong teleserye ng TV5, ang Obsession.

Noong story conference ng naturang programa, si Alwyn Uytingco ang ipinakilalang gaganap bilang James.

Subalit noong press conference nito noong Biyernes, January 17, si Martin na ang humarap sa mga naimbitahang miyembro ng entertainment media.

Ayon sa napagtanungan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa TV5, si Alwyn na ang magiging lead actor sa isa pang upcoming teleserye ng network, ang Beki Boxer.

Bagamat tila naging second choice siya para sa Obsession, hindi raw nagdalawang-isip si Martin na tanggapin ang trabaho.

Sabi niya sa PEP, “Blessed pa nga ako, e.

"Alam kong may tamang character para sa amin.

Nagulat ako kasi mabilisan lang ‘to.

“Wala nga akong masyadong time dahil nagte-taping pa kami ng Positive kaya nagulat ako.

“Masaya pa rin kahit second choice or third choice, kahit ano pa man.

“At least, ikaw ang nailagay doon.”

Hindi kaya maging sanhi ito ng pagkainggit sa kanya ng ilang artista ng TV5 dahil mas madalas siyang nabibigyan ng proyekto kaysa sa iba?

Umiling si Martin at sinabing, “Ano lang siguro, kumbaga, weather-weather lang ‘yan.

“Kumbaga, dadating at dadating yung panahon mo.

“Kaya dapat pagbutihin mo na lang.”

GOOD DECISION. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si Martin ay nagsimula bilang artista sa pamamagitan ng reality talent search show ng GMA, ang StarStruck.

Taong 2011 nang magdesisyon si Martin na lumipat sa TV5.

Ang una niyang proyekto sa Kapatid Network ay ang Babaeng Hampaslupa.

Para kay Martin, isang magandang desisyon ang paglipat niya ng network.

Saad niya, “Sa ngayon, masasabi ko na nasa tamang daan ako.

“Guided naman ako kahit anong desisyon ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya kung ano man yung mangyari, ‘yon ang kagustuhan ng Diyos, kung ‘yon ang dapat mangyari.”

Tama lang din daw ang pagpasok niya sa Kapatid Network dahil tulad niya, tila nag-uumpisa pa lang din daw ito.

Sabi ni Martin, “Nakita ko na may mga plano sila sa akin na maganda.

“At saka alam ko na nag-uumpisa pa lang ang network noon.

“Ako rin naman, nag-uumpisa pa lang ako noon.

“Gusto ko noon sabay kaming umunlad.”



INTIMATE SCENE WITH NERI. Samantala, bago magsimula ang press conference ng Obsession, ipinanood muna ng TV5 sa media ang pilot episode nito.

Isa sa mga nakaagaw ng atensiyon ng press ay ang bed scene na ginawa ni Martin kasama ang co-star niyang si Neri Naig.

Kaya sa interbyu, tinanong ng PEP si Martin ano ang naging pakiramdam niya nang ginawa nila ito.

Aniya, bagamat first time niya itong gawin kasama si Neri, hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na gumawa siya ng intimate scene.

“Sa Positive, parang per episode, mahina ang isa.

“Medyo nasanay na rin ako sa ganung eksena.

“First time ko ‘yon ginawa sa Positive, na mature na talaga, may bed scenes, may love scenes.

“Pero siyempre, naninibago ka pa rin, tulad nga ng sinabi ko. Kasi iba’t ibang tao yung nakakasama ko.

"Sa una, medyo mahihiya ka talaga. Medyo magpapaalam ka pa kung okay lang.

“Pero ano ‘yon, alam ko naman na professional din sila.

“Kumbaga, kapag ginawa na namin yung eksena, papasok kami sa character.”

Natawa lamang si Martin nang sagutin niya ang tanong namin kung nako-conscious siya.

“Hindi ako nako-conscious noong ginagawa namin ‘yon.

"Conscious lang ako sa katawan ko.

“Sinasabi ko nga lagi, ‘Hindi ako ready. Naku, ang abs ko!’”

Bukod kina Martin at Neri, magiging bahagi rin ng Obsession sina Marvin Agustin at Bianca King.

Ito ay mapapanood tuwing Huwebes ng gabi simula January 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN