Regine Velasquez misses working with husband Ogie Alcasid

Regine Velasquez on dad Mang Gerry: "He still need more prayers kasi gusto ko sanang bumalik yung dati niyang sigla. But you know, ako, nagpapasalamat na lang ako kay God na we were given more time to be with him pa rin, to take care of him. So, yun na lang yung tine-thank you ko. Kasi last year, there was a time na parang natakot na kami na baka eto na yun, meron kaming ganun, e. But fortunately, hindi naman."


Nami-miss na raw ni Regine Velasquez na makatrabaho ang kanyang asawang si Ogie Alcasid.

Simula kasi nang lumipat si Ogie sa TV5 ay hindi na nagkasama sa isang proyekto ang mag-asawa.

Pag-amin ni Regine, “I really missed working with him.

"Kasi, di ba, every Sunday [sa Sunday All Stars ng GMA], we would see each other, although I see him naman every day.

"Pero maganda yung magkasama kami sa isang show."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Regine sa Gabay Guro presscon kahapon, Enero 20, sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

Sa darating na Valentine’s Day kasi ay magkakaroon ng concert si Regine sa Mall of Asia Arena, ang Voices of Love.

Pero hindi si Ogie ang kasama niya kundi si Martin Nievera.

Sila ba ni Ogie, wala pang plano para sa pagsasamahan nilang proyekto o concert?

Tugon ni Regine, “Kaming dalawa? As of now, wala pa.

"Yun, e, kaya ko nami-miss, kasi we don’t get to do concert naman often, e, kasi siyempre gusto rin naman namin to work with other people.

"So, ang inaasahan namin, yung show namin that we do every Sunday. That’s why yun ang nami-miss ko talaga.

"But that’s okay, I see him pa rin naman every day."

KUWENTUHAN GALORE. Sa tingin ba ni Regine, may advantage din na nagtatrabaho sila ngayon ni Ogie sa magkaibang networks?

Tugon niya, “Meron din, kasi gusto ko rin malaman kung ano yung nangyayari doon sa kabila.

"Tsinitsismis din niya sa akin. Pero yun nga, nami-miss ko siya."

Sa lahat daw, si Regine ang pinaka-excited sa mga proyekto ng kanyang asawa.

“Siyempre ako yung unang nakiki-rah-rah-rah sa kanya doon. I’m excited for him.

"You know, every time na galing iyan sa taping… actually, kahit noong nasa GMA pa siya, pag nanggagaling iyan sa taping, ikukuwento niya sa akin kung ano yung ginawa niya sa buong taping, ano yung nakakatawang ginawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi I’m also excited to hear kung ano yung… pagtatawanan ko muna, ikukuwento niya sa akin.

"Tapos pag napanood ko, pagtatawanan ko ulit.

"Ganun siya, we’re like that.

"And nakakatuwa siya, kasi lagi siyang excited to come home to tell me kung ano yung mga ginawa niya for the day."

OGIE’S CRITIC. Sa isang interview, sinabi ni Ogie na si Regine ang main critic niya, lalo na sa gag show nito sa TV5 na Tropa Mo Ko Unli.

Ano ang masasabi ni Regine dito?

“Kasi ako yung ano niya… kasi madali akong matawa.

"Pag hindi ako, natawa parang waley.

"Pero ang babaw ko, e , natatawa ako sa lahat ng gimik niya, e.”

WANTS TO SPEND MORE TIME WITH MICHELLE AND THE KIDS. Masaya ring ibinahagi ni Regine sa PEP ang naging bakasyon nila ni Ogie at ng anak nilang si Nate noong New Year sa Australia.

Nagrenta pa sila ng yate at nag-spend ng New Year’s eve sa harbor upang mapanood ang fireworks display.

Nakasama nila rito ang ex-wife ni Ogie na si Michelle Van Eimeren at ang mga anak nilang sina Leila at Sarah, pati na ang bagong asawa ni Michelle na si Mark Murrow.

Lahad ni Regine, “We had a great time.

"It’s fun being with Michelle and the two girls and Mark. We had a great time.

"Kaya lang, bitin, kasi parang one week lang kami, e.

"Galit na galit nga si Michelle, ‘Ang ikli, ang ikli, bitin!’

"But hopefully, next year, or hopefully etong year na ito, we’ll be able to at least maka-travel kami three times.

"Kasi yung asawa ko ang laging nagpupunta doon, kaya lang hindi kami nakakasama.

"So, hopefully, makasama kami."

NEXT TELESERYE. Samantala, kailan naman siya mapapanood sa bagong teleserye sa GMA-7? May mga konsepto na ba siyang naiisip para sa susunod niyang show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Regine, “Meron akong mga nai-pitch sa GMA na mga concept.

"But I think… I’m supposed to meet up with them, e.

"Siguro by the end of this month o siguro after ng Valentine.

"Kasi they’re also giving me time for the concert which I really, really appreciate.

"Kaya nga March na yung start ko, e, [for the next show], di ba, para meron akong time para sa concert.

"Na-appreciate ko naman yun, but I’m supposed to meet up with them para sa concepts, para mamili kami kung anong tamang project."

MANG GERRY. Noong 2013 ay naospital ng halos tatlong buwan ang ama ni Regine na si Gerardo “Mang Gerry” Velasquez.

Bumuti naman ang kalagayan ni Mang Gerry at nakalabas ito ng ospital noong Nobyembre.

Ngayon nga ay masaya nang nagkukuwento si Regine tungkol sa kanyang ama.

“He’s doing very well.

"He’s still a little weak, pero by God’s grace, hopefully he’ll be back to… I’m hoping na he’ll be able to watch the concert na.

"Kasi last year, nandoon siya, e.

"Tapos sa concert ni Ogie, nandoon siya.

"After kasi nung concert ni Ogie, yun yung nagkasakit na siya, e.

"So, I’m hoping na itong Valentine’s day, he’ll be able to watch.

"So, prayers, salamat sa lahat ng prayers."

Hindi man daw kasing lakas tulad ng dati ang kanyang ama, nagpapasalamat pa rin si Regine na kapiling pa rin nila ito kahit na nga sa kapatid niyang si Cacai Velasquez-Mitra ito nakatira ngayon.

“Hindi na kagaya dati siyempre na nakikita niyong pakalat-kalat.

"Hindi na siya masyadong kumakalat-kalat sa daan," biro ni Regine.

Dagdag niya, “He still need more prayers kasi gusto ko sanang bumalik yung dati niyang sigla.

"But you know, ako, nagpapasalamat na lang ako kay God na we were given more time to be with him pa rin, to take care of him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun na lang yung tine-thank you ko.

"Kasi last year, there was a time na parang natakot na kami na baka eto na yun, meron kaming ganun, e.

"But fortunately, hindi naman.

"So like I said, thank you very much for everybody who prayed kasi ang daming nagdadasal for him, e.

"Si Tatay, nakatira ngayon kina Cacai, kasi malayo pa yung bahay nila, sa Bulacan sila.

"So Cacai is taking care of him in her mall. Ang laki ng bahay niya, e, mall!” tawa pa ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN