Frank Magalona says Janine Gutierrez will be a "great influence" to his brother Elmo

Ayon kay Frank Magalona, isang malaking advantage na ang kanyang ina na si Pia Magalona ang tumatayo ring manager niya. Sabi niya, "Kasi siyempre, if I go with other managers, siyempre I’m just gonna be, you know, honest about it, like, they’re gonna have a bigger cut. Whereas here, we’re related, siyempre she’s my mom."


Ayon kay Frank Magalona, bago matapos ang 2013 ay nagkaroon siya ng pagkakataong maka-bonding nang mas madalas ang nakababata niyang kapatid na si Elmo Magalona.

“We started bonding again late last year, before Christmas,” banggit ni Frank sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng upcoming primetime series ng GMA, ang Rhodora X, noong January 20.

Busy raw kasi si Elmo kaya medyo matagal silang hindi nagkakasama. Ngunit ngayong wala nang Sunday program sa GMA si Elmo ay nakakapag-bonding na silang muli.

“Now, I think he has more free time.

“We’d like just hang out in my condo, watch movies, listen to music,” kuwento ni Frank.



ELMO & JANINE. Nag-o-open up din ba sa kanya si Elmo tungkol sa personal life nito?

Umamin na ba sa kanya si Elmo tungkol sa relasyon nito kay Janine Gutierrez?

Magkapareha sina Elmo at Janine sa afternoon soap ng GMA na Villa Quintana, at maugong ang balitang nauwi na sa totohanan ang onscreen loveteam ng dalawa.

Sabi ni Frank, “I’m not sure about his relationships because I don’t really… I don’t like to meddle.”

Pero nakilala na raw niya nang personal si Janine.

“Dati, they were together after taping, so I met her, just at the mall.”

Boto ba siya kay Janine na maging girlfriend ng kapatid?

Ayon kay Frank, “Oo, okay naman, mukhang mabait naman si Janine, e.

“And mukha namang ano… she looks very decent and parang she has a positive attitude in life.

“And if ever, you know, she’d be a great influence to Elmo.”

Si Frank naman daw ay walang karelasyon ngayon.

Huli raw siyang nagka-girlfriend noong 2009 pa, pero hindi naman daw siya nahihirapan dahil dito.

Aniya, “I’m a creative person so instead of, you know, paying attention to girls or…

“Well, I date from time to time, pero parang I’m already contented with, you know, just creating things from music to music videos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE FOR MUSIC. Tumanggi nga raw si Frank na gumawa ng soap for a time para mag-concentrate sa kanyang musika.

Sabi pa ng anak ng yumaong si Francis Magalona, “Which is in the process of being complete.

“I don’t have an album, pero I’m planning to release singles every mga two months.

“And I’m going to release those songs with music videos”

Mga original songs daw ito na si Frank ang nag-compose.

Puwede raw itong i-download at panoorin sa YouTube.

“Pero my plan is to market my… kasi I design for Francis Magalona Clothing Company.

“And I plan to use those music videos to market my merchandise.

“Ako nagsulat, ako nag-produce ng music, ako nagdirek, and production design.”

Dalawang kanta na raw ang nagagawa ni Frank—ang “Hari” na tribute sa kanyang yumaong ama, at ang “Gonus” (binaligtad na “sunog”) na tungkol sa pakikipagrelasyon.

“It could also mean ‘gone us.’ It’s a bittersweet song, and I’m sure that the people could relate to it.”



FRANK’S MANAGER. Ang manager ni Frank ay ang kanyang ina na si Pia Magalona.

Sabi niya tungkol sa kanyang mom-manager, “She’s very hands-on…

“I really don’t know, like, how I’m gonna survive in this business without her.

“Especially in GMA, because I really didn’t grow up as a showbiz personality, unlike my sisters and Elmo.

“You know, they started young. Ako, I started like three years ago lang.

“And I’m really thankful that she’s been helping me all throughout these years.”

Mas may advantage nga raw na ang kanyang ina ang manager niya.

“Of course it’s an advantage because she’s always there.

“Just call her up and text her, one text lang, she’s gonna reply.”

At mas maliit daw ang kinukuhang komisyon ng mommy niya mula sa kanyang talent fee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, actually, I’m gonna be honest, totoo yun, totoo!

“Kasi siyempre, if I go with other managers, siyempre I’m just gonna be, you know, honest about it, like, they’re gonna have a bigger cut.

“Whereas here, we’re related, siyempre she’s my mom.

“So she’s trying to help me out also in my life because siyempre she loves me, and it’s inevitable for her to love me as her son.”



WILLING TO BE DARING. Napag-alaman naman naming payag si Frank na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash.

“Oo naman. Never pa akong nagko-Cosmo.

“Pero before, they wanted me to be a part of this feature, pero I wasn’t physically fit.

“Kasi ako, like, I’m willing naman, pero I want myself to be, you know, in my fullest.”

Papayag daw siya kapag kinuha siya this year.

Payag din ba si Frank na magpa-pictorial nang naka-trunks?

“Okay lang, okay lang,” sagot niya.

How daring would he go?

“Siguro as long as my body is fit and mentally fit din.”

Love scene?

“Oo, why not?”

Butt exposure?

"Puwede rin.”

Frontal nudity?

“As long as maganda yung story and maganda yung script, and it’s for a good cause, then why not? “

So, wala siyang limitasyon sa pagpapakita ng katawan bilang artista?

Tugon ni Frank, “Yeah. If it’s really nice and if I really like it, yeah, there’s no problem.”

Papayag kaya ang mommy niya?

“I’m not sure, iyon tayo magkakaproblema!” tawa ni Frank.

Pero kay Frank mismo ay raw walang magiging problema.

“Ako, siguro pag sa… kasi I’m an artist din, so there’s no problem naman with that.

“Pero yun lang, parang my manager kasi, parang…” bitin niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN