Kristoffer Martin willing to forgive but wants to teach hit-and-run driver a lesson

Ayon kay Kristoffer Martin, hindi na sana aabot pa sa mahabang usapin kung noon mismong araw ng pagkadisgrasya ng kanyang sasakyan ay nakipag-usap na nang maayos ang driver na nakabangga nito. Aniya, “Dalawang beses mo akong takbuhan. ‘Yan lang siguro ang gusto kong iturong lesson kay kuya. E, di sana kung nung gabing yun ay naayos na, ano ba naman sa akin na insurance naman yung sasagot niyan.”


Magkakaharap na si Kristoffer Martin at ang lalaking nakabangga sa kanyang kotse noong madaling-araw ng January 18.

Pero hindi pa raw sila nagkasaraduhan kung anuman ang magiging kahahantungan ng kanilang pag-uusap.

Kuwento ni Kristoffer, “A, inaayos na, nakita na yung nakabangga.

“Pero magmi-meet pa rin kami tomorrow [January 22].

"Kasi yung dapat na araw na meeting namin ay hindi sumipot yung nakabangga.

"Ang representative niya ay yung asawa niya, with the reason na ang asawa daw niya ay nasa Mindoro, may work.

"So, pinapa-resked nila yung meeting."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa presscon ng bago nitong teleserye, ang Paraiso Ko’y Ikaw, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center kagabi, January 21.

Matatandaang nanawagan si Kristoffer, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account noong Sabado, January 18, upang matunton at makilala ang nakabangga sa kanyang sasakyan.

Ipinakita rin niya sa naturang social media account and kulay, histura, at plate number ng sasakyang nakabangga sa kanyang kotse.

Read: Kristoffer Martin posts Instagram appeal for help in tracking down drunk hit-and-run driver



TURUAN NG LEKSYON. Kumusta naman ang naging pag-uusap nila ng asawa ng nakabangga sa kanya?

Saad ni Kristoffer, “Okay naman, maayos ko namang nakausap yung asawa.

"Pinresent ko na rin sa kanila yung quotation… yung estimation ng damage ng sasakyan.

“Sabi niya, iko-consult daw niya sa asawa, so siguro bayaran na lang nila.

“Kasi kung magdedemanda ako, wala naman sa akin yun, e.

"Kasi tinakbuhan ako, tapos lasing si kuya.

"Kung isi-settle ko man yung kaso ko… yung sa akin, yung mga pulis, may isasampa din sa kanya."

Kung mauwi man daw sa demandahan, ang maaaring isampa nilang kaso ay reckless imprudence at hit and run.

Nagri-range daw ang damage sa kanyang sasakyan sa P36,000 to P40,000.

Kuwento pa ng Kapuso young actor, “Sabi ng asawa, iko-consult niya at nagmamakaawa siya kung puwedeng pababaan, ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi daw, sasabay sa tuition.

“And siyempre, ako naman, naawa din ako. Kasi, siyempre naman, may puso rin ako, e.

"Pero siguro kasi, kung yung nung nangyari… yung senaryong yun, within the night, kung nangyari yung ano… na-settle, okay lang.

“Ayoko kasi nung lasing ka na, nagmamataas ka pa, ako pa ang pinaparinggan mong mali, in denial ka, tapos tatakbuhan mo ako.

“Dalawang beses mo akong takbuhan.

"’Yan lang siguro ang gusto kong iturong lesson kay kuya.

"E, di sana, kung nung gabing yun ay naayos na, ano ba naman sa akin na insurance naman yung sasagot niyan."

Ang ama raw ni Kristoffer ang may gustong turuan ng leksiyon ang nakabangga sa kanya.

Saad niya, “Si Daddy naman yung nagsabi na, ‘Dapat hindi ka ginanyan, menor de edad ka, tapos siya 40-plus, gaganunin ka. Turuan niyo ng leksiyon para hindi siya ganyan-ganyan.’

“Sa Twitter din kasi, nakakabasa din ako ng may mga nakakikilala sa kanya na ganyan daw talaga siya…

"Na ngayon, nakahanap na daw siya ng katapat niya, matuturuan na ng leksiyon.

“So siguro, si kuya, barumbado talaga.

"Siguro destined na mabangga niya ako para maturuan siya ng leksiyon."



WILLING TO FORGIVE. Kapag ba humingi ng tawad ay papatawarin niya ang nakabangga ng sasakyan niya?

Tugon ni Kristoffer, “Siguro kung maayos naman siyang makikiusap, kasi may awa naman ako.

“Actually, noong nakausap ko yung asawa, doon ako naawa, e. Kasi mabait naman sa akin yung asawa.

"Ang sa akin kasi, naiiwan yung ano, e, ginawa mo sa akin, e—dun sa lalaki.

“Siguro kung maawa man ako, depende sa kanya.

"Kasi feeling ko, magmamataas pa nga siya ulit.

“Feeling ko, magiging defensive pa siya, e.

"Pero if mangyayari man yun... I have a witness na nandun sa scenario, pero I don’t have any proof nun na lasing siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero the way naman na tumama sa akin yung sasakyan, tumakbo siya, penalty na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN