IC Mendoza wants another chance to host showbiz talk show


Hindi naman daw na-frustrate si IC Mendoza na dati ay ang dami niyang ginagawang projects sa TV5, pero ngayon ay wala na. Ganoon naman daw talaga sa showbiz, when it rains, it pours. Sabi pa niya, "Showbiz naman is about chances."


Maganda ang naging pagsisimula ng 2014 para kay IC Mendoza dahil sa mga nangyayari sa kanyang buhay, lalo na sa career niya bilang host at aktor.

Unang ibinalita ni IC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kalilipat lang niya ng bagong talent management.

Mula sa Viva Artists Agency ay nasa pangangalaga na siya ngayon ni Arnold Vegafria.

Ano na ang napag-usapan nila ni Arnold tungkol sa kanyang career?

Sagot ni IC, “Well, ayokong magsabi ng specifics, pero siyempre more pa rin ng hosting, showbiz reporting.

"At saka siyempre, gusto ko ring mag-soap-soap. Kasi siyempre, gusto ko rin namang umarte.

"At aminin natin, maganda naman ang kita sa soap.

"Kahit na ako na ang maging forever gay best friend ng mga bida, okay lang ako doon!"

Nakausap ng PEP si IC sa grand launch ng Miss Teen Earth Philippines at Little Miss Earth Philippines.

Kasabay nito ang press launch ng Project Earth ng Project Headshot Clinic ng photographer na si Niccolo Cosme.

Ginanap ito noong Martes ng gabi, Enero 21, sa Oz Bar sa Roofdeck ng Holiday Inn Makati.



GOOD RELATIONS WITH TV5. Wala na raw kontrata si IC sa TV5 at freelance daw muna siya ngayon.

Hindi ba siya napu-frustrate na dati ay ang dami niyang ginagawang projects sa TV5, pero ngayon ay wala?

Tugon niya, “Well, sa showbiz naman kasi, when it rains, it pours.

"Pag meron, meron. Pero pag wala, wala masyado.

"Pero dapat huwag kang ma-frustrate kasi showbiz naman is about chances.

"And nabigyan naman ako ng chance before, so sana mabigyan ako ng chance ulit.”

Wala ba siyang sama ng loob sa TV5?

“Honestly, wala.

"Aminin ko man na nainis ako nung mawala yung Juicy and Ang Latest, nabigyan naman ako ng Madam Chairman.

"Kaya lang, hindi na ako nabigyan ng talk show. So, na-sad ako.

"Pero hindi naman ako galit sa kanila [TV5] kasi malaki rin ang utang na loob ko sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto sana ni IC na magtuluy-tuloy ang paghu-host niya ng showbiz talk show.

Malaki nga naman daw ang naging impluwensiya sa kanya ng yumao niyang lola at tinaguriang Queen of Intrigues noon na si Inday Badiday (Lourdes Carvajal).

Maging ang mommy ni IC na si Dolly Anne Carvajal ay kilala ring entertainment columnist at showbiz talk show host.

NEW-FOUND CAREER. Bukod sa TV hosting at pagiging artista, nakahanap ngayon ng dagdag na career si IC sa mundo ng public relations.

Siya ang head ng publicity at promotions ng beauty and advocacy pageants na Miss Teen Earth Philippines at Little Miss Earth Philippines.

Ang mga events na ito ay hinahawakan ng Captured Dream Productions sa pamununo ni Vas Bismark.

Ano ang nagtulak sa kanya na pasukin ang public relations?

Paliwanag ni IC, “Actually, matagal ko na siyang gustong gawin, pero hindi lang ako nagkaroon ng time.

"Ngayon kasi, wala akong ginagawang show, sa sabi ko, why not?"

"At eto nga, may magandang project and for a good cause.”

Ayon kay IC, ang Miss Teen Earth Philippines at Little Miss Earth Philippines ay inilunsad upang maging isa sa mga nangungunang kumpetisyon sa bansa para sa mga kabataang Pilipina, edad 4 to 17, na gustong maging “earth ambassadors.”

Ang nationwide pre-screening ay magsisimula sa February 2014 at ang grand pageant night ay magaganap sa May 27, 2014 sa SM Mall of Asia Arena.

Katulong din nila sa pagpo-promote ng advocacy ang Project Headshot Clinic at Climate Change Commission sa pamamagitan ng Project Earth, isang digital campaign na gumagamit ng headshot photos.

May tinatawag silang Project Earth Ambassadors na magpo-post ng digitized profile photos sa kanilang social media accounts.

Kabilang sa Project Earth Ambassadors sina Tessa Prieto-Valdes, Tim Yap, Elmo Magalona, Maxene Magalona, Rajo Laurel, Francis Libiran, Climate Change Commission Secretary Mary Ann Lucille Sering, Mayor Pie Alvarez ng San Vicente Palawan, at iba pang celebrities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni IC, “Kasi, di ba, climate change is a global issue? Napansin niyo naman, di ba, sa Yolanda.

"So, kumuha kami ng representatives from fashion, from entertainment, from politics, etcetera, to support this advocacy for climate change."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN