Sheena Halili waits for the right project, for the right man according to God’s plan

Sheena Halili has a list of do’s and dont’s for finding "Mr. Right": "Gusto ko mag-start as friends kasi ayoko na mag-jump agad na parang nag-o-audition ka para maging boyfriend ko or gusto niyang maging girlfriend ako. Ayoko ng ganun, gusto ko ipakilala ko muna kung ano talaga ako at gusto ko makilala kung ano talaga siya."


Masayang nagdiwang ng kanyang 27th birthday si Sheena Halili, kasama ang mga residente ng Golden Reception and Action Center for the Elderly and other Special Cases (GRACES), kahapon, January 22.

Ang GRACES ay isang nursing home sa Quezon City para sa mga nakakatanda na beneficiary ng outreach program ni Sheena.

Ayon sa StarStruck alumna, wala na siyang materyal na bagay na mahihiling pa sa kanyang kaarawan dahil natanggap na niya ito mula sa kanyang mga magulang.

“Andiyan na yung winish ko.

"Kasi, gusto ko talaga ng bagong adventure.

“Last year, [nahilig] ako sa pagha-hike, sa pag-akyat sa mga bundok.

"Ngayon, gusto ko naman karerin ang pagba-bike kaya binigyan ako ng parents ko ng bike.

“Gusto ko rin ng camera, kasi mahilig ako mag-picture ng happy moments, lalo na sa Instagram.”

Ang mahihiling na lang daw ni Sheena para sa kanyang kaarawan ay ang makapagbigay pa siya ng saya at inspirasyon sa mga tao.

Wika niya, “Sana mas marami pa akong mapasayang tao... hindi lang behind the camera.

"Sa TV, tayong mga artista, kung thirty minutes kang lumalabas sa TV, thirty minutes ka lang makapagbibigay-saya sa mga tao at makatulong kalimutan yung mga problema nila.

“Ang pinagpe-pray ko, hindi lang ako sa TV makapagpasaya.

"Sa totoong buhay, sa mga family ko, sa mga friends ko… mas marami pa akong maging kaibigan, yun."



WAITING FOR MR. RIGHT. Isa sa mga napag-usapan sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Sheena ay ang lovelife nito.

Ayon sa dalaga, hindi naman siya nagmamadaling pumasok sa isang relasyon.

Bagkus, uunahin muna raw niya ang kanyang pananampalataya sa Panginoon.

“For my personal life, well, ang gusto ko lang talaga, maging deep ang relationship ko kay God.

"Para mas maging inspirasyon pa ako sa iba, yun lang.”

Dagdag pa niya, “Well, masaya ako kapag ipinaparamdam sa akin ni God yung may boyfriend, yung in love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sarap nung feeling na yun.

"Pero ako talaga, si God talaga yung focus ko ngayon.

“At kung darating man yun, pinagpe-pray ko talaga na yung man of God.

"Yung talagang magiging mabuting leader for me, yung hindi ako malalayo sa Kanya.

“Hihintayin ko yun. Darating naman yun.

"Ang focus ko ngayon is to share yung happiness na ibinigay sa akin, na pina-feel sa akin ni God.”

Inamin ni Sheena na may mga nagpaparamdam sa kanya. Ngunit nais niyang makilala muna ang mga ito bilang kaibigan.

Aniya, “May mga nagpaparamdam, pero binibigyan ko naman sila ng chance.

"Kinikilala ko naman sila, pero hindi pa ako nakikipag-date.

“Never pa akong nakipag-date ng dalawa lang kami, laging group.

“Kasi importante sa akin na ayokong makasakit, ayokong magpaasa.

"So, sinasabi ko sa kanila na maging magkaibigan muna tayo.

“Gusto ko mag-start as friends, kasi ayoko na mag-jump agad na parang nag-o-audition ka para maging boyfriend ko, or gusto niyang maging girlfriend ako.

“Ayoko ng ganun.

"Gusto ko ipakilala ko muna kung ano talaga ako at gusto ko makilala kung ano talaga siya.

“Kasi kapag ligaw, laging best ang ipinapakita, e.

"And masarap siguro yung ma-fall na lang kayo sa isa’t isa.”

Kuwento pa ni Sheena, sa ganitong paraan din nagsimula ang kanyang mga naging relasyon dati.

“Yung mga naging boyfriend ko naman dati, lagi namang friends din ang start.

"Hindi naman ako yung lumalabas na lang basta-basta, nakikipag-date. Basta may gusto sa ‘kin, date. Hindi.

“Wala akong ibig sabihin, pero ito kasing nasa heart ko na, ‘Ayan, na-date ni ano ’yan, na-date ni ano ’yan.’ Ayoko ng ganun.

"Gusto ko yung kapag dinate ko yung isang tao, talagang espesyal siya para sa akin.”

Sabi pa ng aktres, hindi na boyfriend ang hinihiling niya sa Panginoon sa tuwing magdadasal siya kundi ang makilala na niya ang kanyang “Mr. Right.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Pinagpe-pray ko ’yan kay God.

"Actually, hindi na boyfriend yung nasa prayer ko—husband na."

“Hindi na, ‘Lord, gusto ko po ng boyfriend.’ Hindi na."

Ang dasal daw niya ay, “Lord, ibigay mo na sa akin yung right guy, yung magiging husband ko.”

Umaasa si Sheena na pagdating sa edad na 30 ay makilala na niya ang kanyang “Mr. Right.”

At handa raw siyang mag-antay para sa pagdating ng lalaking para sa kanya lamang.

“Pag 30 na ako, sana na-meet ko na yung guy. Sana talaga.

"Di ba, nung bata tayo, sana 23, sana 25... Ngayong 27 na ako, 30 naman.

"Pero baka maging 32 pa, 33 pa.

"Okay lang sa akin mag-wait basta yung right guy.”

WAITING FOR THE RIGHT PROJECTS. Dahil na rin sa hindi pagtanggap ni Sheena ng daring na roles at projects, umikot ang balitang nagiging “choosy” na raw siya sa pagtanggap ng trabaho.

Ngunit mariin naman niya itong itinanggi.

"Alam niyo po, kung nagiging choosy ako, siguro sa edad ko, hindi ko pipiliing maging nanay."

Ang tinutukoy ni Sheena ay ang mother role niya sa dating soap opera na Binoy Henyo (2013).

Patuloy niya, “Pero tinanggap ko yun dahil alam kong marami akong mai-inspire, marami akong mata-touch and maraming makaka-relate.

“At hindi lang ito drama, hindi lang [tungkol] sa kung anu-anong nangyayari sa mundo ngayon.

"Kumbaga, yung show na yun is about love, e.

“Ang sarap ng ganung show, ganung istorya.

"Ang sarap din gumawa ng project na alam mong gusto mo talaga.

"Kasi, mahirap naman kung hindi mo gusto, hindi rin magiging maganda yung performance mo, di ba?

“So, mas maganda pa rin talaga na maghintay ka dun sa right project.

“And alam ko naman [na] hindi naman io-offer sa akin ng GMA, ng Artist Center, kung alam nila na hindi maganda for me.

“‘Tsaka iba-iba kaming talents nila at alam nila kung saan yung [tamang] way.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


HER FUTURE IN KAPUSO NETWORK. Kuwento pa ni Sheena, maraming magandang balak na proyekto ang GMA para sa kanya.

Kuwento niya, “Mineeting ako ng Artist Center.

"Sobrang dami at ang gaganda ng plans nila sa akin and na-excite din ako dun for my career.

“Wala pa silang nababanggit, pero sabi nila meron daw silang inaayos for me.

"So, hopefully, soon. Sana talaga.”

May balak ba siyang maging mas daring pa sa taong ito?

Sagot ni Sheena, “Ako, sa totoo lang, nung nag-meeting kami, noon pa lang, alam naman na ng nagma-manage sa akin kung hanggang saan at kung ano po yung kaya ko.

“Alam naman natin na ang pag-aartista, hindi naman talaga forever.

“So, ayokong gumawa ng mga bagay na pagsisisihan ko in the future.

“Kasi, baka may ma-offend ako."

Sa kanyang obserbasyon, marami na rin ang nagpapa-sexy na parang lahat ay kaya na nilang gawin.

Saad ni Sheena, "Ako, pinagpe-pray ko talaga, at ’yon di ang nasa heart ko talaga, [na] sana kahit papaano, may ma-inspire pa rin ako na mga kabataan na gustong mag-artista.

"At hindi naman kailangan ng mga ganung bagay or… sumunod sa uso para maging inspirasyon, para dumami yung fans, para sumikat.

"Kasi pag hiningi mo kay God at talagang para sa ‘yo yun, ibibigay niya sa ‘yo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN