Janno Gibbs regains confidence in composing songs after Ogie Alcasid’s departure from GMA

Janno Gibbs on his image as latecomer: "If you’ll ask, yung mga katrabaho ko dati, may mga pagkakataon, pero hindi naman ako notorious for that. Pero ngayon, honestly, nag-improve na. I think, it comes with age."


Hindi pa rin maalis sa imahe ng singer-actor na si Janno Gibbs ang salitang “late.”

Kahit isa si Janno sa mga artistang maagang dumating sa presscon ng kinabibilangan niyang bagong drama series sa GMA, ang Paraiso Ko’y Ikaw, noong Martes, January 21, ang pagiging late pa rin niya ang naitatanong sa kanya.

Kaya inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung hindi ba siya napipikon kapag tinatanong siya tungkol dito.

Sagot niya, “Hindi, kasi like I said nga, ginagawa ko na rin joke.

“Ginagawa ko na rin personal joke na, ‘Kapag si Janno Gibbs, late ‘yan.’

“Kaya feeling ng iba, ganoon talaga ako.

“Pero honestly, hindi naman.”

Dugtong pa ng 44-year-old performer, “If you’ll ask, yung mga katrabaho ko dati, may mga pagkakataon, pero hindi naman ako notorious for that.

“Pero ngayon, honestly, nag-improve na.

“I think, it comes with age.

“Hindi ko sinasabing matanda na ako, pero habang tumatanda ka, mas relaxed na ako.

“Di ba, hindi ka na magulo masyado?”

Isa pang puna sa kanya noon ay ang pagdagdag ng timbang niya. Pero ngayon ay malaki na ang nababawas kumpara dati.

Sabi naman ni Janno, “Marami pa, marami pa.

“Hindi ko naman puwedeng ikaila, e.

“Pero I’m trying, I’m trying my best kung makakaya ko lang.”



THEME SONG. Ang theme song ng Paraiso Ko’y Ikaw ay isinulat at kinanta ni Janno.

Unang beses itong ipinarinig, kasabay ng pagpapalabas ng MTV, sa press conference ng teleseryeng pinagbibidahan nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez.

Kuwento ni Janno, “Kagabi ko ni-record, pero isinulat ko siya noong malaman ko ang title at saka ang story.

“Ano ‘to, hindi nila ako hiningan ng kanta. Nag-volunteer ako.

“Sabi ko, na-inspire ako sa show. ‘Meron akong ginawang kanta, baka type niyo.’

“Nagustuhan naman nila.

“Na-inspire ako sa title, ang ganda, e—Paraiso Ko’y Ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos yung story, naikuwento sa akin.

“Parang mala-Blue Lagoon yung umpisa, magkakahiwalay, yun, nagawan ko ng kanta.”

Siya rin ang nagsulat ng kantang “Bangon, Kaibigan” na ginamit ng Kapuso Network bilang pagbibigay-inspirasyon sa mga Pinoy na dumanas ng iba’t ibang kalamidad, partikular na ng super typhoon Yolanda.

Tila bumabalik na ang hilig niya sa pagsusulat ng kanta?

Sabi ni Janno, “Alam mo, sobrang frustrated ako ng mga… siguro mga two years.

“Hindi ako makabuo ng kanta. Writer’s block talaga.

“May nagagawa ako, pero hindi ko natatapos.

“So, noong dumating yung ‘Bangon, Kaibigan,’ ganun din, ako rin ang nag-volunteer dun.

“Hindi hiningi sa akin yun.

“Ganoon pala… noong maumpisahan ko, nagkaroon ulit ako ng confidence.

“Kasi, nawawalan ka ng bilib sa sarili mo.

“Ngayon, medyo nabi-build ulit ang confidence ko. Nai-inspire ulit.”

Posibleng masundan pa ang dalawang nauna na niyang komposisyon?

Sagot ni Janno, “Oo naman, ‘eto, puwede ko nang ilagay sa album ko ‘to.

“Yung ‘Bangon, Kaibigan,’ puwede ko na rin ilagay.

“Nag-iipon na ako. Iniipon ko na.”

Mukhang sa pagkakataong ito ay matutuloy na ang muli niyang paggawa ng album?

“Oo, matutuloy na,” nakangiting sabi niya.

Lahat ng kanta, orihinal na komposisyon niya?

“Sana, gusto ko all original, pero ang mga tao, humihingi rin ng revival— kahit isa o dalawa.”



REGAINING HIS CONFIDENCE. Diretsahan naming tinanong si Janno kung malaking bagay ba sa pagbabalik ng hilig at confidence niya sa paggawa ng kanta ang pag-alis ng kaibigan niyang si Ogie Alcasid sa bakuran ng GMA? At iilan na lang sila na haligi ng Kapuso network pagdating sa pagkanta?

Pag-amin naman ni Janno, “Well, factor yun.

"Hindi ko naman maikakaila na factor yun.

“Kumbaga, dahil wala si Ogie.

"Siya ang talagang senior namin as a writer. Siya ang tinitingala ng lahat as a songwriter.

“So, paglipat niya, noong umalis siya sa Seven, ang iniisip ko, yung kapakanan ng Seven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang iniisip ko, dapat meron pa rin na gumagawa ng magagandang kanta for them.

“Happy ako that I’m inspired again to write.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN