Albie Casiño avoids talking about ex-girlfriend Andi Eigenmann: "Ayaw ko na rin kasing sumagot sa parang yun at yun na tanong."

Albie Casiño on changing his image: "Talagang workout ako. I exercised a lot para mag-trim ang katawan ko. Really, malaki rin ang ginawa kong sacrifice. Pero, I think, may nangyari naman, although marami pa akong dapat gawin.So, sige lang ako hangga’t may time."


Iwas nang pag-usapan ng young actor na si Albie Casiño ang tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Mas gusto raw kasi ni Albie na maging tahimik ang kanyang personal life ngayong 2014.

Sa story conference ng Confessions of A Torpe ng TV5, tipid at halos puro ngiti lang ang kanyang sagot kapag si Andi ang itinatanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Paliwanag ni Albie, "2012 was the worst talk tungkol sa aming dalawa. Sobrang controversial talaga.

“Then, last year [2013], medyo hindi na ganun kaingay.

"Feeling ko, patahimik siya nang patahimik.

"Ayaw ko na rin kasing sumagot sa parang yun at yun na tanong.

"Actually, isa sa resolution ko this year... to really focus on my career.

“Tapos, I’m working on with my body, kaya nga even with girls, ayoko muna.

"Masyado akong maraming ginagawa para magkaroon pa ng time for them.

"This time, gusto ko talagang maging isang actor."

Dagdag niya, "Gusto ko talaga ay balance.

"Gusto ko ng balance sa school, work, and family. Yun ang focus ko.

"Ako kasi, I take everything one at a time. Hindi ako yung advance mag-isip."

Maging ang tungkol sa balitang hindi raw pabor si Manila Mayor Joseph Estrada kay Andi, bilang nobya ng anak nitong si Jake Ejercito, ay ayaw makialam ni Albie.

Sabi ng 20-year-old actor, “Wala naman kasi ako sa situation na ’yan, e.

"So, ayaw ko siyang pag-usapan.

“Wala naman ako sa puwesto para pag-usapan yun.

"It’s really none of my business.

“I just wish her good luck."



CAREER ASSESSMENT. Ano ang assesment niya sa kanyang career noong nakaraang taon?

Ayon kay Albie, "Okey naman.

“Maraming nagbago sa akin last year. First time kong mag-Cosmo."

Isa si Albie sa rumampa sa Cosmo Bachelor Bash sa World Trade Center noong September 2013.

“Nag-iba na ang image ko na sa tingin ko ay hindi na ako teenybopper.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang workout ako. I exercised a lot para mag-trim ang katawan ko.

“Really, malaki rin ang ginawa kong sacrifice.

“Pero, I think, may nangyari naman, although marami pa akong dapat gawin.

"So, sige lang ako hangga’t may time."

Ibig ba nitong sabihin ay tuluyan na niyang babaguhin ang kanyang image ngayong 2014 para magiging “man of the world” na siya?

Naningkit ang mga mata ni Albie at sinabing, "I’m doing it for myself.

“Like, gusto ko ngang maging maganda ang katawan ko.

“Pati yung lifestyle ko, kasama na rin yun sa pagbabago.

"Para nga sa akin, marami pa nga akong dapat baguhin, lalo na sa legs ko.

"Napa-flatter naman ako sa mga sinasabi ng ibang tao, kasi natutuwa sila sa katawan ko."

Kasabay ng pagganda ng katawan niya ay ilang indecent proposals na natatanggap niya.

Pag-amin ni Albie, "Yeah, merong may mga nagku-comment, lalo na sa Instagram, na good job daw.

“Pero marami yung indecent comments and some proposals nga, pero hindi naman natin maiiwasan yun.

"Sa akin, okey lang. Napa-flatter din ako dun.

"Ang importante, wala naman akong pinatulan sa kanila.

"Natutuwa lang talaga ako."



DARING ROLES. Ngayong nagpapaganda na siya ng katawan, magiging mas daring na rin ba siya sa pagtanggap ng roles?

Naiiling na sabi ni Albie, "Hindi naman sa ayaw ko, pero parang kinakabahan pa ako.

"Kunyari pinatanggal ang shirt ko, kinakabahan pa rin ako nun.

"Para sa akin lang yun talaga at, yun nga, kasabay ng pag-change ng katawan ko.

"Pagagandahin ko pa rin siya nang lalo.

“Nagdygi-gym ako fives times a week.

“At saka yung mga kinakain ko, binabantayan ko talaga.

"As much as possible, kung wala talagang rice, yun ang ginagawa ko."

Dugtong pa niya, "Pero kung ano ang dumating, okey lang.

“Kung yun ang dumating na offer, siguro okey lang.

"Pero ganyan, di ba? Ganyan talaga ang industry natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ALBIE’S MANAGER. Naniniwala si Albie na malaki ang magagawa ng manager niyang si Leo Dominguez para lalong gumanda ang kanyang career ngayong taon.

Ayon kay Albie, "Bahala na si Tito Leo sa akin pagdating diyan.

"I’m sure he knows naman what is the best interest ko.

"Hindi naman niya ako pababayaan, so siya na ang bahala dun.

"Basta ako, for this year, gusto ko lang makahanap ng balance."

Si Leo Dominguez din ang manager nina Lovi Poe, Paulo Avelino, at Solenn Heussaff.

Out na rin daw sa isip niya ang lovelife.

Pahayag ni Albie, "Actually, isa ‘yan sa resolution ko ngayon, e—hindi ko na muna iisipin ang pag-ibig.

"Siguro, hindi ko muna... I mean, gusto rin muna mag-focus sa friends and family ko.

“Kasi, feeling ko, yun ang nani-neglect ko ngayon, e.

"Pero hindi naman yung totally out ang girls.

“Siguro marami rin akong ginagawa ngayon, e. Mahihirapan ako na i-balance yun."

Paano kung mayroong aggressive girl na lumapit sa kanya?

"Wala lang, nangingiti-ngiti lang ako," nangingiti ring sagot niya.

"Kung dates naman, kapag may time, e, okey.

"I don’t want to put muna myself in that situation, e.

“Basta hanggang maiiwasan, e, iwasan.

"Yeah, hindi ko siya priority ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN