John Lloyd Cruz takes on another challenging role in new movie

“Right now, sitcom and movie ang pina-prioritize namin sa schedule. I’m not sure kung matutuloy," says John Lloyd Cruz about his reported movie project with Anne Curtis and Piolo Pascual.


Isa na namang kakaibang role ang gagampanan ni John Lloyd Cruz sa bagong pelikula niya.

Isang “developmentally delayed” person ang karakter na gagampanan ni John Lloyd sa pelikulang ito na ididirek ni Chito Roño.

Paglalarawan ng Kapamilya actor sa kanyang role, “Yung tawag noon kasi ay MR or mentally retarded.

“Pero ngayon kasi, sinasabi ng mga professionals, ang mas politically correct term daw is developmentally delayed o DD.

“Mahirap siya because it’s not Budoy na talagang kitang-kita mo.

“Ang mahirap dito, hindi mo malalaman na mayroon siyang case ng DD hanggang mag-engage kayo sa isang conversation, so mukha siyang normal.”

Ang tinutukoy ni John Lloyd ay ang teleserye ni Gerald Anderson noong 2011, ang Budoy, na tungkol sa isang mentally challenged na binata.

Bilang paghahanda, ani John Lloyd, “Bukod sa script na hawak namin, nag-research din ako ng kaunti about the mentally delayed [persons].

“I also did a little bit of immersion na gusto ko pang pagyamin because kulang na kulang pa ang preparation.

“So, hopefully, kapag tumatakbo na ang project, mas magkakaroon ako ng interaction with my director and my writer para mas mapagyaman yung character and story.”

Ayon kay John Lloyd, makakasama niya sa pelikula sina Richard Gomez, Gretchen Barretto, at Jessy Mendiola.

Hindi pa raw sigurado ang pagkakasama ni Enrique Gil sa cast.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Buzz ng Bayan si John Lloyd sa press launch ng bagong campaign ng iniendorso niyang flipflop brand, ang Banana Peel, noong Martes, January 21.



NO FURTHER DETAILS YET. Noong una ay alanganin pa si John Lloyd na magbigay ng detalye tungkol sa bagong pelikulang gagawin niya.

Katuwiran niya, nakakahiya sa mga fans na nag-aabang kung sakaling hindi matuloy, na paminsan-minsan ay nangyayari talaga.

Sabi ng 30-year-old actor, “Unang-una, kaka-start pa lang namin, so wala pa akong masyadong mai-share about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang alam ko lang is yung final cast.

"Of course, yung director namin is si Direk Chito.

“Storywise, wala pa akong masabi.

“Alam niyo naman na kapag ganyan, paiba-iba, maski nga sa cast, e.

“Kaya medyo hesitant ako na magsabi ng cast kasi, parang based sa na-experience ko dati, about giving information and details sa projects na ginagawa ko, medyo nakakadala na.

“Nahihiya rin kami sa fans na umaasa, na parang, ‘O, akala ko ba sinabi mo na may project ka with this actor, this actress?’ Tapos, hindi nangyayari.”



PROJECT WITH ANNE AND PIOLO. Noong 2013, naging usap-usapan ang posibleng pagsasama nina John Lloyd at Anne Curtis sa isang proyekto.

Pero katulad ng sinabi ni John Lloyd tungkol sa pagbabago ng mga proyekto, isa ang proyektong kasama sina Anne at Piolo Pascual sa hindi pa niya masiguro ngayon.

“Right now, sitcom and movie ang pina-prioritize namin sa schedule.

“I’m not sure kung matutuloy [yung kay Anne at Piolo].

“See, ayun na nga ang sinasabi ko, kaya ayaw kong magkuwento, e!” natatawang sabi ng Home Sweetie Home lead actor.

Dagdag paliwanag pa niya, “Well, kami naman, karamihan sa aming mga artista, willing to wait naman.

“Pero siyempre, sa project naman, hindi lang kami ang bumubuo.

“May mga humahawak ng projects na ‘yan, like the writers, the creators, yung mga director.

“So, unfortunately, hindi lang kami ang may say kung dapat maghintay ang projects na ‘yan.”

Sa ngayon, si Anne ay magiging lead actress ng bagong TV adaptation ng komiks series na Dyesebel.

Si Piolo naman ay may pelikula kasama si Toni Gonzaga, ang Starting Over Again, na ipalalabas sa February 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN