Michael V. wants to break network wars: "Yun ang gusto kong mangyari—yung walang pader, walang bakod pagdating sa networks."

Positibo ang pananaw ni Michael V. sa pagkakaroon ng katapat na sitcom ng kanyang programang Pepito Manaloto. Saad niya, "Gusto ko yun, e, gusto ko yung natsa-challenge ako. Actually, hindi lang ako ang dapat natsa-challenge, dapat pati sila. Mas magiging maganda kung ang audience, mas maraming choices. Sila ang panalo…”


Pabor sa comedian-TV host na si Michael V. kung sakaling matuloy ang pagme-merge o pagsasanib-puwersa ng GMA Network at TV5.

Parehong may mga programa ngayon sa dalawang networks si Michael V.

Sa GMA ay napapanood siya sa Bubble Gang, Pepito Manaloto, at Eat Bulaga!

Sa TV5 naman ay host siya ng weekly program na Killer Videoke.

Ayon kay Bitoy, “Di mo dapat nililimitahan ang mga artista mo, dapat may freedom.

“Isa mga freedom na puwede mong ibigay sa kanila e yung paggawa ng proyekto sa ibang network dahil ibang grupo ‘yan.

“Pag pare-parehong grupo ang nakakasama mo, mas maliit ang chances na mag-grow ka.

“Pagka nag-iba-iba, dun mo mae-experience yung totoong freedom saka yung totoong pakikipag-interact, lalabas ang pagiging artist mo.

“Yun ang gusto kong mangyari—yung walang pader, walang bakod pagdating sa networks.

“Ang pinaka-objective ko nga sa buhay ko bilang entertainer ay yung mabasag at madurog lahat ng nagbabasag sa lahat ng network, para mawala yung network wars.”

Bagamat matagal na raw niyang naririnig ang tungkol sa pagme-merge diumano ng Kapuso at Kapatid networks—dahil sa interes ng chairman ng TV5 na si Manny V. Pangilinan na bilhin ang ilang shares ng GMA—ay hindi muna ito pinapansin ni Bitoy.

Sabi pa niya, “Kung mangyari, e, di mas maigi, mas magkakaroon ng freedom sa paglipat-lipat ng mga artista.”

Ngunit ayon sa impormasyong nakalap ng PEP, may bagong pangalan na nagkakainteres bumili ng shares ng GMA.

Ito ay ang top honcho ng San Miguel Corporation, Philippines Airlines, at PETRON Corporation na si Ramon Ang.

Ayon pa kay Michael V., pati sa ABS-CBN ay gusto rin niyang gumawa ng proyekto.

“Kaya lang, ang problema, hindi yata sila open sa ganun,” sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michael V. sa taping ng Killer Videoke sa APT Studio, sa Marcos Highway, noong Linggo, January 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WELCOME COMPETITION. May bagong katapat na programa ang weekly family sitcom ni Michael V. sa GMA, ang Pepito Manaloto, na halos apat na taon nang umeere.

Ito ay ang Home Sweetie Home ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Para kay Michael V., isang challenge ito sa kanya na ang publiko naman ang higit na makikinabang.

“Medyo nga, which I welcome, kasi gusto ko yun, e, gusto ko yung natsa-challenge ako.

“Actually, hindi lang ako ang dapat natsa-challenge, dapat pati sila.

“Mas magiging maganda kung ang audience, mas maraming choices.

“Sila ang panalo… audience naman talaga ang gusto mong manalo, e.”



OPEN LETTER TO BOSSING. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Michael V. sa open letter ng blogger-TV host na si Lourd de Veyra para kay Vic Sotto, na kasamahan ni Bitoy sa Eat Bulaga!

Ang open letter ni Lourd, na nailathala sa SPOT.ph, ay may kinalaman sa pinakahuling pelikula ni Vic na My Little Bossings, na naging entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

“Oo, nabasa ko yun,” sabi ni Michael V.

Pero dagdag niya, “Parang may nakalimutan lang si Lourd.

“Hindi lang kasi yun ang entry sa MMFF, e, sana nilahat na niya.

“Kung magbibigay ka ng opinyon, ibigay mo na sa lahat para ma-appreciate din ng ibang nakaka-appreciate na ganun, na naiintindihan yung punto niya.

“Saka creative naman siyang tao, maganda kung gawin niya sa lahat para marinig naman ng mga tao ang opinyon niya sa lahat ng klaseng pelikula.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN