Kris Bernal admits latest rom-com series with Aljur Abrenica performed below expectations

"Siguro, hindi lang kami nag-click ni Aljur sa romantic-comedy na theme na show. Kasi unang ginawa namin talaga ni Aljur, from start hanggang sa huli, nag-drama kami, full drama kami. Dito namin nalaman na mas angat tayo pag nag-drama tayo," pahayag ni Kris Bernal sa pagtanggap ng mga manonood sa pinakahuling teleserye nila ni Aljur Abrenica, ang Prinsesa Ng Buhay Ko.


Sang-ayon si Kris Bernal sa obserbasyon ng ilan na bagamat mataas din naman ang ratings ng Prinsesa Ng Buhay Ko, hindi ito kasing-lakas ng mga nauna nilang teleserye ng ka-loveteam niyang si Aljur Abrenica.

Magwawakas na ang Prinsesa Ng Buhay Ko bukas, January 24.

Sabi ni Kris tungkol dito, “Oo, mas marami kaming nakukuhang positive feedback noon.

“Pero ngayon naman, iba yung role na ginawa ko, e.

“Kumbaga, dahil doon sa mga nauna kong ginawa, puro drama.

“So, talagang na-challenge ako, nasabak talaga ako nang matindi sa drama.

“Ngayon naman e very light lang…

“Challenging siya, pero iba pa rin yung pagdating sa mga tao kapag drama yung ginagawa mo, e.

“Doon nila tinitingnan kung mahusay ka o hindi?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa Sunday All Stars noong January 19.

VIEWERS PREFER DRAMA. Bukod sa Prinsesa Ng Buhay Ko, nagtambal din sina Kris at Aljur sa Dapat Ka Bang Mahalin? (2009), All My Life (2009), The Last Prince (2010), at Coffee Prince (2012).

Masasabi ba niyang mas tanggap ng mga tao ang tambalan nila ni Aljur sa drama kaysa sa romantic-comedy?

Sagot ni Kris, “Feel ko, mas gusto nila yung nagda-drama ako. Gusto nila yung umiiyak ako.

“Pero happy naman ako dahil nabigyan nila ako ng chance na magpatawa na very light lang.

“At least, nalaman ko yung strength ko at yung weaknesses ko.”

Puwede na bang papagpahingahin uli ang loveteam nila ni Aljur?

“Puwede naman siyempre, lahat naman kailangang umikot sa iba’t ibang loveteam.

“Lahat naman kailangan ng growth, saka para makita rin kung kaya namin sa ibang pares.

“So, feel ko, eto na ulit yung time na maghihiwalay kami at matagal na uli kaming hindi magkakatrabaho.”

May ilang nagsasabing mas mataas ang rating ng shows ni Kris kung sa iba siya itinatambal.

Nakangiting reaksiyon ni Kris dito, “Hindi naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro nung time na yun, na-excite yung mga tao na makita ako sa ibang partners.

“Pero ang dami pa rin naming tagahanga ni Aljur. Kumbaga, nandiyan pa rin talaga sila.”



DIFFERENT PARTNERS. Ano ang masasabi niya sa opinyon ng ilan na hindi nakatulong sa team-up nila ni Aljur ang pagkakaroon nila ng kani-kanilang lovelife? Nawala raw kasi yung kilig sa kanila ng mga tagasubaybay nila.

Si Aljur ay may girlfriend sa katauhan ni Kylie Padilla, samantalang nauugnay naman ngayon si Kris kay Carl Guevara.

Sagot ni Kris dito, “Feel ko naman hindi nakaapekto, kasi suportado nila kami kahit hindi kami. Kahit may kanya-kanya kaming lovelife.

“Feel ko lang, siguro kaya medyo nag-lie low, kasi dahil… bakit nga ba?

“Kasi sinuportahan naman nila kami, nirespeto nila yung desisyon namin.

“Pero siguro, hindi lang kami nag-click ni Aljur sa romantic-comedy na theme na show.

“Kasi unang ginawa namin talaga ni Aljur, from start hanggang sa huli, nag-drama kami, full drama kami.

“Dito namin nalaman na mas angat tayo pag nag-drama tayo.

“Pero wala naman sa kanya-kanyang partners.

“Kasi ang tagal naman na nila ni Kylie, at ang tagal na rin naman nilang naririnig yung sa amin ni Carl.

“Wala naman akong naririnig na hindi maganda mula sa fans, sa ibang tao.”

Patuloy pa niya tungkol sa sinasabing nawala ang kilig sa kanila ni Aljur, “Marami namang nakakakilig na loveteam diyan na hindi naman talaga mag-partners in real life.

“Pero yun nga, siguro yun ang dahilan na hindi kami nag-click sa romantic-comedy.

“Pero masaya naman ako dahil, sa totoo lang, maganda yung nakukuha naming feedback.

“At saka mataas naman ang ratings ng Prinsesa Ng Buhay Ko.

“Pero hindi siya kasing lakas nung kung paano kami nagsimula ni Aljur sa drama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN