Heart Evangelista will go on a vacation with Senator Chiz Escudero on her 29th birthday

Heart Evangelista on handling her own finances: “Masarap ang feeling na nakikita mo ang kinikita mo. So, you appreciate your work. Pero dahil din dun, mas lalo akong nai-stress, kasi siyempre kailangan ganito ang ipunin mo."


Ayon kay Heart Evangelista, may pagkakataong hindi niya natatapos ang taping ng pinagbibidahan niyang afternoon soap sa GMA, ang Magkano Ba Ang Pag-ibig, dahil kailangan niyang magpahinga.

Sobra raw kasi ang ibinaba ng blood pressure niya.

“Low blood ako, e… 80/40.”

Hindi raw siya na-confine dahil hindi naman siya puwedeng kuhanan pa ng dugo.

Kuwento ni Heart, “So, parang kailangan lang talaga pataasin yung BP ko.

“Natulog na lang ako buong araw. Tapos, the next day, medyo tumaas naman siya.”

Dahil ba ito sa pagod o dahil sa pagda-diet niya?

Sagot ng Kapuso actress, “Well, low blood naman ako, pero never naman talaga akong naging ganun kababa.

“That day kasi, wala akong tulog dahil tuluy-tuloy kami.

“Meron akong shooting ng Trophy Wife, meron akong taping.

“So, itinulog ko na lang.

“Kung the following day, hindi pa rin siya tumaas, kailangang i-blood transfusion.

“Pero hindi naman, hindi naman umabot dun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Heart sa taping ng GMA afternoon soap na Magkano Ba Ang Pag-ibig, sa Antipolo City, noong Miyerkules, January 22.



HEART’S DAY. Isang taping day na lang ang natitira sa pinagbibidahang teleserye ni Heart.

Ang finale episode nito ay ipalalabas sa February 14—mismong 29th birthday ni Heart

Nagulat si Heart nang malamang sa mismong birthday niya magtatapos ang kanilang soap.

Pagkatapos ba ng taping ng Magkano Ba Ang Pag-ibig ay pahinga muna siya?

Tugon ng aktres, “Tuluy-tuloy pa rin, e, kasi, may movie pa—yung Trophy Wife.

“Tapos, alam ko, aalis pa si Cristine [Reyes].

“Pero may mga nakunan naman sa akin na hindi siya kasama.”

Ni-reshoot daw kasi ang ilang mga eksena sa pelikula.

“Mahirap din talaga ang mag-reshoot,” sambit niya.

Excited na ba siyang magbakasyon, lalo na’t malapit na ang kanyang kaarawan?

Sagot ni Heart, “Hindi naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bittersweet din na mag-e-end na ang Magkano Ba Ang Pag-Ibig.

“Hindi naman ako nagrereklamo, nabugbog lang talaga ako sa trabaho, which is always a good thing.

“But, of course, it’s nice na makakapag-relax.

“Aalis muna kami for my birthday. But, I think, somewhere Asia lang.

“Ilang araw lang naman ako puwedeng umalis.”

Kasama ni Heart na magbabakasyon ang boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero, ang stylist niya, at iba pang mga kaibigan.

Kaya wala si Heart sa Pilipinas sa mismong kaarawan niya.

“Okay lang… haggard din minsan.

“Parang you just want to be yourself…

“As you get older kasi, medyo napapagod din. Iba na ang energy.

“Pero siyempre, iba rin ang appreciation pagdating sa trabaho, sa savings.

“Especially when I started to manage my own money na, shucks, kailangan ko palang mag-taping!”



MANAGING HER OWN MONEY. Ngayon kasi ay si Heart na ang humahawak ng perang kinikita niya mula sa pagtatrabaho.

Sabi niya, “Masarap ang feeling na nakikita mo ang kinikita mo. So, you appreciate your work.

“Pero dahil din dun, mas lalo akong nai-stress, kasi siyempre kailangan ganito ang ipunin mo.

“Pero, okay na rin na may break.”

Anu-ano na ang investments niya?

“Well, I just really want to save my money before anything.

“I want to save a certain amount and I can say, okay, I’m okay before anything else.

“Anyway, it’s always there. You can always buy kung may pambili ka.

“So, yun na muna siguro ang aasikasuhin ko.”

May dalawang condo units daw si Heart na pinaparentahan niya.

“Yun ang mga dati kong condo units na hindi ko tinirhan.

“Nagmu-move ako nang magmu-move.”



WHAT IF… Sa pagbabakasyon nilang ito ni Senator Chiz, paano kung mag-propose na ito sa kanya?

“Okay lang,” nakangiting sagot ni Heart.

Pero may kontrata pa siya sa GMA, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, I never believe na kapag nag-asawa, hindi ka na magtatrabaho.

“I still want to make my own... I still want to do my own thing.

“Of course, it’s different when I’m starting to have children, I’ll think about it.”

Alam ba ni Senator Chiz na handa na siya kung sakaling mag-propose na ito?

Sagot ni Heart, “Napag-uusapan naman namin.

“Siyempre, ayaw naman naming i-ruin ang surprise kung masyado mo namang ina-anticipate, di ba?”

BLIND ITEM. Sinagot din ni Heart ang isang blind item—na tila siya ang tinutukoy—tungkol sa isang Kapuso actress na nakikipag-live in na raw sa kanyang boyfriend.

Ayon pa sa blind-item report, ang aktres din daw ang namamalantsa at nagluluto.

Biro tuloy namin kay Heart, domesticated na pala siya.

Ngunit ayon sa aktres, “Yung household niya [Chiz] is set, without me there. Meron siyang mga kasambahay.

“Although, we both live in the same area, New Manila.

“New Manila rin ako, e. Pero not in the same house.

“Yun talaga ang ayoko, kasi there will come a time na you’ll be doing that for the rest of your life, so I’m not…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN