Jaclyn Jose still not on speaking terms with daughter Andi Eigenmann

Jaclyn Jose on her feud with daughter Andi Eigenmann: "Medyo matagal na away namin. So, para wala na lang gulo, huwag ko na lang pakialaman ang lovelife niya, ang career niya, at ang lahat-lahat sa kanya."


Inamin ni Jaclyn Jose na hanggang ngayon ay hindi pa sila nag-uusap ng anak niyang si Andi Eigenmann.

Hindi idinetalye ng aktres kung ano ang dahilan ng kanilang pinag-awayan, pero mas mabuting manahimik na lang daw siya pagdating sa lovelife ng anak.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jaclyn sa taping ng Picture! Picture! noong Martes, January 21, sinabi niyang nang huli nilang pinag-usapan ang lovelife ni Andi ay nag-away lang sila.

Saad ng award-winning actress, “Medyo matagal na away namin.

"So, para wala na lang gulo, huwag ko na lang pakialaman ang lovelife niya, ang career niya, at ang lahat-lahat sa kanya.

“Si Ely [ang apo niya kay Andi] na lang ang pakikialaman ko.

"Tutal, she’s at the right age na rin naman, e.

"Matalino siya, at bakit hindi ko siya bigyan ng chance to do things on her decision.

"Ganun na lang ang iniisip ko."

Tanggap naman daw ni Jaclyn ang sitwasyon nilang mag-ina.

Nakikita naman daw niyang kaya na ni Andi na magdesisyon para sa kanyang buhay.

“Maluwag naman sa akin yun, and I want her to learn as early as possible, because she’s not getting any younger.

“Masyado na rin kasi akong pakialamera. Sabagay, ganun naman ang mga nanay.

“Pero lenient naman ako sa mga anak ko. I trust them.

"Pinag-aral ko sila sa mataas na uri ng paaralan, and I also listen to my children."

ANDI-JAKE RELATIONSHIP. Nang tinanong uli namin ang tungkol sa relasyon nina Andi at Jake Ejercito, diretso ang naging sagot ni Jaclyn.

Aniya, “Bahala silang dalawa.

"As long as they’re happy, hindi ako makikialam.

“Basta ako, masaya ang anak ko, masaya na rin ako.

"And, wow, falling in love is the most precious feeling that you... anyone can ever have.

“Na-in love rin ako noon, naramdaman ko rin yung pag-ibig na yun, bakit ko siya pipigilan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hahayaan ko siya, ang sarap-sarap kaya ng pag-ibig!"



SAVING FOR HER OWN HOUSE. Isa sa mga araw na ito ay nakikita ni Jaclyn na iiwan na siya ni Andi dahil magsu-solo na ito.

Kaya nga raw ipon na nang ipon si Andi dahil binabalak nitong bumili ng sariling bahay para sa kanila ni Ely.

Sabi ni Jaclyn, “Magti-three years [old] na si Ely. She has to go to school.

“She [Andi] has to move out soon. Hindi naman puwedeng nakatambak na lang siya sa akin.

“Siguro ganun din ang thinking niya, at saan niya dadalhin ang pera niya kung hindi siya naghahanda?

"She’s preparing, alam ko."

Kahit hindi sila nag-uusap, nagpaparating pa rin daw si Jaclyn ng suggestions sa kanyang anak na idinadaan niya sa ibang tao.

“I don’t tell it straight to her. Idinadaan ko sa ibang tao that surrounds her.

“Nagpapahatid ako ng message without her knowing na galing pala kay Mommy itong idea na ito.

“I don’t like conflict nga, e.

“Pero nakasubaybay ako 100 percent. I’m behind her back,” saad ni Jaclyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN