THE PEP LIST: Kristoffer Martin used to think he would only get supporting roles

Akala dati ni Kristoffer Martin ay puro support roles lang ang maibibigay sa kanya. But so far, dalawang proyekto na, ang Kahit Nasaan Ka Man at Paraiso Ko’y Ikaw, kung saan naging male lead ang teen actor.

Nominado rin si Kristoffer sa Male Teen Star of the Year sa PEPsters’ Choice 4th Quarter.


Para kay Kristoffer Martin, higit pa sa inaakala niya ang naabot na ng kanyang showbiz career ngayon.

“Hindi ko naman ito pinlano lahat at hindi ko ito hiniling pa lahat.

“Kumbaga ang sa akin, kung ano lang ang ibigay sa akin, yun na,” kuwento ng Kapuso teen actor sa panayam sa kanya ni PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Senior Staff Writer Arniel Serato, sa press conference kamakailan ng Paraiso Ko’y Ikaw.



Balik-tambalan sila ni Kim Rodriguez, na nakapareha niya sa teleseryeng Kakambal ni Eliana noong 2013.

Dagdag pa ni Kristoffer, “Hindi ko naman inakala na aabot ako sa ganito na nasa point ng career ko na magbibida rin pala ako.

“Ang sa akin lang, hanggang support lang talaga ako.

“Happy ako na yung paghihirap ko may pinapatunguhan.”

Bukod dito, isa si Kristoffer sa mga nominado sa kategoryang Teen Star of the Year 2013 ng PEPsters’ Choice 4th Quarter.

Sa pamamagitan ng PEPsters’ Choice ay maiboboto ng mga readers at fans ang kanilang mga idolo na nominado sa iba’t ibang kategorya (www.pep.ph/pep-list).


NOBODY IS PERFECT. Bago ang Paraiso Ko’y Ikaw, naging leading man na rin si Kristoffer sa nga teleseryeng gaya ng Kakambal ni Eliana at Kahit Nasaan Ka Man noong 2013.

Ano ba sa tingin ni Kristoffer ang meron siya na wala ang ibang Kapuso teen stars? Bakit siya nabibigyan ng magagandang proyekto?

“Sa akin kasi, never kong inisip kung ano yung lamang ko sa kanila, kung ano bang mas kaya kong gawin sa kanila.

“Lahat naman may uniqueness, lahat naman may kayang gawin.

“Sino ba ako para i-compare ko ang sarili sa kanila?

“Nobody’s perfect naman. [People have] their own way of being successful in their own lives.”

Nang matanong kung ano ang puhunan niya para mapansin siya, pinagbatayan ng binata ang papuri sa kanya ng ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Babase ako sa sinasabi nila sa akin, sa acting.

“Do’n ako siguro—sinasabi nila—na nag-e-excel.

“Ang sa akin naman, happy ako kasi napapansin nila yung dedication ko sa craft ko, na lahat sila nakaka-appreciate sa trabaho ko.

“Sa sarili ko, akala ko kulang, pero okay na pala. Pero siyempre, I won’t stop there.”

Sa kabila ng pagiging busy sa kanyang showbiz career, freshman ngayon sa kursong Entrepreneurship sa San Beda College ang binata.

Paano niya nababalanse ang pagtatrabaho at pag-aaral?

“Mine-make sure ko sa San Beda na T-Th [Tuesdays and Thursdays] lang ang schedule ko, ’tapos 10:00 am to 6:00 pm lang [ang pasok].

“Kasi mostly ang tapings namin is M-W-F [Mondays, Wednesdays, Fridays], ’tapos natatapos ng umaga.

“Kahit papano kung matapos man ng 6:00 am o 7:00 am may pondo pa akong dalawang oras para makapag-prepare diretso school.”


FOCUS ON THE PRESENT. Mas itinutuon ni Kristoffer ang kanyang pansin sa kasalukuyan nang tanungin kung ano ang expectations niya sa career.

“Actually, hindi naman ako ang taong expectant sa mga bagay-bagay.

“Ang sa akin lang, kung ano ang dumating, kung ano yung dapat mangyari dito sa soap, mangyayari.

“Siyempre advance thank you na rin kay God sa mga mangyayari dito sa soap.

“Ako lang ang ginagawa ko, nagpo-focus ako sa present kesa sa future,” pagtatapos ni Kristoffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN