Daniel Padilla will lead the next generation of Padilla clan, says Robin Padilla

Is Daniel Padilla willing to follow the footsteps of his father Rommel Padilla and Tito Robin Padilla on being action stars? He replies, “Bakit naman hindi, di ba, mga idol ‘yan. Pero kung ano siguro yung style ko, ‘yon muna ang gagawin ko.”


Ayon mismo kay Robin Padilla, ang pamangkin niyang si Daniel Padilla na ang mangunguna sa susunod na henerasyon ng kanilang pamilya.

Sa press conference ng pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina, at mga Anak kagabi, January 23, naniniwala ang action superstar na malayo pa ang mararating ng mga nakababatang Padilla na nasa showbiz ngayon.

Diin pa niya, “Ito po ay pangungunahan ni Daniel.”

Bukod kay Daniel, nasa showbiz din ang pangalawang anak na babae ni Robin na si Kylie Padilla.

Kasama rin sa pelikula ang mga anak ng kapatid ni Robin na si Rommel Padilla—sina RJ at Rap.

Bahagi rin ng action movie na ito si Bela Padilla, ang second degree niece ni Robin mula sa pamilya ng kanyang ina na si Eva Cariño.

Para kay Robin, mas naging malawak ang oportunidad na naibigay sa kanyang pamangkin, kumpara sa henerasyon nilang magkakapatid.

“Sa katunayan niyan, yung mga bagay na hindi namin nagawa, ginawa niya.

“Kumakanta siya, romantic, nag-a-action.

“Daming pera nito!” biro pa ni Robin.

Diin niya, “Palagay ko, mahaba pa. Itong mga batang ito, mahaba pa ang kanilang mga karera.”


DANIEL’S REACTION. Pagkatapos ng press conference, kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Daniel upang hingin ang kanyang reaksiyon sa sinabi ng uncle niya.

Saad ng Kapamilya star, “Tuwing sinasabi po ‘yon nina Tito Robin at ni Papa, talaga sobrang natutuwa po ako. Grabe rin po.

“Pero sobrang effort ang kailangan kong gawin para magampanan ‘yon.

“Pero masaya po ako at gagawin ko ang lahat.”

Sa tingin ba ni Daniel ay may magiging isang sikat na action star din siya ng kanyang tiyuhin?

Sagot niya, “Hindi ko masasabi ‘yon sa sarili ko. Makikita naman ‘yon ng mga tao.

“Hayaan na nating sila ang magsabi kung ano ang mas maganda para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako, gagawin ko kahit ano.

"Hindi naman kahit ano, pero yung maayos na [proyekto].”

Sa ngayon, masasabing iba si Daniel kumpara sa kanyang ama at tiyuhin dahil sa pagganap niya ng mga karakter sa romantic-comedy projects.

Pero hindi naman daw ito sadya ni Daniel para maiba sa kanila.

Para kay Daniel, iba pa rin ang kanyang Daddy Rommel at Tito Robin.

“Hindi ko naman mapa-follow or hindi ko naman magagaya sila.

“Hindi naman sa hindi maganda. Bakit naman hindi, di ba, mga idol ‘yan?

“Pero kung ano siguro yung style ko, ‘yon muna ang gagawin ko,” sabi ni Daniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN